Bagama’t naaastigan daw si Janno Gibbs sa kanyang superhero costume for his movie Mang Jose, ang pagsusuot daw nito ang naging pinakamahirap n’yang concern habang ginagawa nila ang pelikula.
Inilahad ito ng comedian-singer sa virtual media conference last December 15 matapos kumustahin ng entertainment press ang pagsusuot n’ya ng costume.
In his first superhero film kasi na Ang Pagbabalik ni Pedro Penduko more than 20 years ago ay wala namang skin-tight costume si Janno unlike sa bago n’yang superhero movie.
“Ang pinakamahirap na concern ko dito was the costume,” pag-amin ni Janno sa press. “Mabigat s’ya, mainit, plus ’yong helmet nakatakip dito [banda sa mata]. Medyo mahirap makipag-fight scene but kinaya naman.”
Nausisa tuloy s’ya kung hindi ba s’ya nag-alinlangan na dahil masyadong dikit sa katawan ang costume ay baka sakaling may “bumakat?”
Nai-tsika pa naman ng Sanggano, Sanggago at Sanggwapo 2 co-star n’yang si Dennis Padilla sa vlog interview nito with Aiko Melendez na si Janno umano ang may “pinakamalaking sandata” sa kanilang tatlo nina Andrew E.
Natawa na lang si Janno bago sumagot.
“Okey lang naman kung bumakat. Hahaha!” natatawang sabi n’ya.
At para maka-iwas kung saan pa mapunta ang usapan, muling ibinida ni Janno ang Mang Jose costume niya dahil talagang nag-shine daw ’yon sa pelikula.
“The first time I saw the costume I was wowed already. Ano s’ya, e, sa pelikula pag napanood mo scene stealer talaga ’yong costume namin na gawa ng production [team] namin,” pagtatapos ni Janno.
Una nang napanood ang Mang Jose na pinagbibidahan ni Janno - together with Manilyn Reynes, Bing Loyzaga, Jerald Napoles, Mikoy Morales, and more - noong advance screening nito sa Vivamax Plus noong November 17. Magiging available naman ito for regular streaming simula sa bisperas ng Pasko, December 24, sa Vivamax.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.
You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.
Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).
Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber