Jasmine Curtis-Smith, enjoy magpa-kilig onscreen kahit hindi raw siya marunong magpakilig in real life

Dahil nagkaroon ito ng season break ang The World Between Us, naging daan naman daw ito sa cast members, gaya ni Jasmine Curtis-Smith na makapag-slow down. “Even kahit na bumalik na tayo sa grind or sa pagta-trabaho, important pa rin pala na mag-step back kasi, mas naka-calibrate natin ’yung mga essentials pa rin.”

Photos: @jascurtissmith

Dahil nagkaroon ito ng season break ang The World Between Us, naging daan naman daw ito sa cast members, gaya ni Jasmine Curtis-Smith na makapag-slow down. “Even kahit na bumalik na tayo sa grind or sa pagta-trabaho, important pa rin pala na mag-step back kasi, mas naka-calibrate natin ’yung mga essentials pa rin.”

Mapapanood nang muli ang pagpapatuloy ng GMA Primetime series na The World Between Us simula sa Lunes, November 22.

Dahil nagkaroon ito ng season break, naging daan naman daw ito sa cast members, gaya ni Jasmine Curtis-Smith na makapag-slow down.

“Even kahit na bumalik na tayo sa grind or sa pagta-trabaho, important pa rin pala na mag-step back kasi, mas naka-calibrate natin ’yung mga essentials pa rin,” ani Jasmine.

Dahil nabanggit nga niya na importante sa kanya ang mag-slow down, dumarating na ba siya sa punto ng career niya na naapektuhan na siya kapag sunod-sunod ang trabaho niya?

“I think, I would have to say that I’m very grateful kasi in my career, most of the time, I have the chance to always take a step back and recalibrate my next step,” paliwanag ng aktres.

Malaking bagay rin daw na suportado siya ng mga managers niya sa work process niyang ito.

“My managers, Mama Betchay Vidanes and now CROWN Artist Management, are both supportive of that. After every project, seeing what we should do next or in between, pag-usapan natin how it’s going.

“Kasi para siyang self-awareness. You have to also be aware kung nasaan ka at this moment and I never wanted to get to ahead of myself pag dating sa trabaho. Kasi, baka mamaya masasayang ’yung investment ng oras, pera, pag-prepare ng mga tao...Baka may mga factors na hindi pa handa or hindi pa dapat ikasa. 

“So, ako kasi, laging gano’n. If I have second thoughts or mga questions, I’d like to settle that before entering a certain project. Kasi, ayoko na papasok ako na may pangangamba sa ginagawa ko and then, mararamdaman ’yon ng director ko, writers namin and producer.”

Kaya malaki raw ang naitulong sa kanya ng season break nila.

“I think it happens a lot to me and I’ve always been the type to do that. Kasi, I see how fast-paced the industry can be and I see how nabo-burnt-out ang mga tao.

“And kilala ko ‘yung sarili ko, e,” patuloy niya. “Alam kong mabo-burnt-out ako nang mabilis and hindi ako magiging maayos ka-trabaho kapag hindi ko binigyan ang sarili ko na huminga or mag-recalibrate ulit even in a short break.”

Napag-usapan din sa ginanap na online mediacon ng The World Between Us ang mga naging past scenes sa serye.

Naitanong kay Jasmine kung ano ang naging reaction niya nang mapanood niya ang muntikan nang kissing scene nila ni Alden Richards sa elevator. Bagama’t bitin ay kinakiligan kasi iyon ng fans. Sa part ni Jasmine bilang gumanap sa eksena, kinilig din daw siya but at the same time ay na-awkward dahil hindi raw siya sanay magpakilig basically.

“It’s always fun kasi to shoot scenes like that kasi, alam mo ’yung timing. In real life, nai-imagine mo siya on how caught off guard ka as a person and even as a viewer, ’di ba, mag-aabang ka on whatever’s happening.

“With this kasi, I always enjoy shooting kilig moments because hindi ako sanay. So, it’s fun to play around, to feel those things for the character because even in real life, ako, ayoko ng nagpapadala sa kilig. Parang naiinis ako sa sarili ko, even with my partner.”

She related that to an actual personal moment na kagaganap lang.

“Kahapon, when I got home from work, there’s flowers. Sabi ko, ‘Ano ba ’yan, nakakainis, bakit may flowers? Ano ba ’yan, wala namang okasyon?’

“Kilig ka, pero parang, ‘Ano ba?’ Alam ko, ako, as a person, hindi ako marunong magpakilig ng tao. So, ’yung mga gano’ng bagay, nae-enjoy ko ’yun at nababaon ko ’yun for scenes like that because hindi nga ako sanay sa mga kilig or romantic scenes. It’s fun.”

Samantala, tumawa lang nang tumawa si Jasmine sa naging question-comment ng columnist na si Gorgy Rula kung nakaka-fresh at nakakaganda raw ba ang season break at ang pagiging “single?”

“Po?,” natatawang reak niya at saka dumedma.

Pero nang matanong ito kung ano ang plano niya ngayong Kapaskuhan, nabanggit niya ang La Union, which is the hometown ng boyfriend niyang si Jeff Ortega.

“For Christmas, wala pa pong plans. I’m not sure yet but probably, I’ll just stay put here for now, for a moment.

“My Dad kasi, naka-base po sa Pampanga. So, kung sakali po, I might spend it with him and my sister there or baka po La Union.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.