Jasmine Curtis-Smith, excited nang maging Tita sa baby ni Anne; sariling baby, “long time from now” pa daw.

“That’s one of the roles I’m most excited for this year, more than anything...to be a tita,” nakangiting share ni Jasmine. “Iba, iba ’yong feeling kasi when I had a younger cousin, I already felt so addicted to taking care of that cousin. What more if pamangkin?”

Photos: Anna Pingol & Instagram

“That’s one of the roles I’m most excited for this year, more than anything...to be a tita,” nakangiting share ni Jasmine. “Iba, iba ’yong feeling kasi when I had a younger cousin, I already felt so addicted to taking care of that cousin. What more if pamangkin?”

Although na personal policy ang mahusay na aktres na si Jasmine Curtis-Smith na wala siyang itinuturing na small role—gaya ng perception ng publiko sa maikling exposure niya sa teleseryeng Sahaya—aminado siyang excited siya sa nakuha niyang second-lead role sa Pinoy adaptation ng hit K-Drama’ng Descendants of the Sun (DOTSph) lalo pa’t dumaan pa siya ng audition para makuha ito.

This time, hindi na maliit ang role ni Jasmine. In fact, may sariling substantial istoryang iniikutan din ang characters nila ni Rocco Nacino. Siya bilang si Moira Defensor, sundalong anak ng isang decorated soldier na hadlang sa pagmamahalan nila ni Special Agent (Diego Ramos aka Wolf), played by Rocco.

Their roles were originally played by actors Jin Goo and Kim Ji-won.

Excited siya for many reasons. Una, dahil first time niyang gaganap na sundalo; first time din niyang makaka-trabaho ang main cast na sina Rocco, Jennylyn Mercado, at Dingdong Dantes; at aware siyang hindi biro ang puhunan ng GMA-7 sa proyektong ito.

Pero bukod sa DOTSph, may isa pang kina-e-excite-an si Jasmine these days. At ito ay ang nalalapit niyang pagiging first-time tita sa anak ng ate niyang si Anne Curtis-Heussaff, na kasalukuyang nasa safe part ng Australia (at malayo sa bush fire) para doon manganak.

“That’s one of the roles I’m most excited for this year, more than anything...to be a tita,” nakangiting share ni Jasmine. “Iba, iba ’yong feeling kasi when I had a younger cousin, I already felt so addicted to taking care of that cousin. What more if pamangkin?”

Basically ay mahilig daw kasi talaga siya sa bata, pero in-specify niya na mas preferred niya ang mga babies hanggang five years 

“Mga hanggang five [years old] kaya ko pa,” natatawang pag-amin niya. “ ’Yong patience ko hindi pa siya nag-aano, e...nag-da-drag out pag sa mga five to ten [years old na bata].”

Kung magkaka-chance daw siyang maka-alis para puntahan ang ate niya sa Australia this February ay gagawin niya. But once makauwi na raw dito ang bangong mag-nanay, panigurado daw na lagi siyang nakatambay sa bahay ng mga Heussaff.

“Feeling ko pag wala akong work, tambay ako sa bahay nila, nag-aalaga...or hindi inaalagaan, inaagaw. Hahaha! Feeling ko, gano’n.”

At dahil mahilig sa bata, nae-envision na daw ba ni Jasmine na maging mommy na rin?

“Oh, please, long time from now. Not yet, not yet,” agad na sagot ni Jasmin na sumeryoso ang tono. “When it happens, you know... at the right time. Ayoko namang magbigay ng oras  na [in] five years...Of course, I’m hopefully thinking na in few years pa yan. But when it happens and it feels right...hindi ko rin naman alam...”

Jokingly, dinagdag niya: “Malay mo, mag-propose next year?”  

Sabay kambiyo na: “Wag muna!”

Ang tinutukoy niya of course ay ang kanyang sweetheart of three years na si Jeff Ortega na last year lang ay na-appoint bilang Regional Director for Tourism ni Tourism Secretary Berna-Romulo Puyat.

Sa ating caliber ni Jasmine, mukang marami pa itong gustong gawin bago mag-settle down. Tila gano’n din naman ang businessman boyfriend niya dahil tila hinihila na rin ito ng local politics sa bayan nila sa La Union.

Kaya bago daw kasalan and baby topics, sana daw ay tangkilikin muna ng mga viewers ang Descendants of the Sun na mapapanood na on primetime starting February 10 sa GMA-7.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.