Jason Abalos, ayaw ipapanood kay Vickie Rushton ang sexy-drama movie niyang Silab

PHOTOS: @thejasonabalos on Instagram & Viva

PHOTOS: @thejasonabalos on Instagram & Viva

Wala daw balak si Jason Abalos na ipapanood sa girlfriend n’yang si Vickie Rushton ang upcoming sexy-drama movie n’ya na Silab

Ito ang sagot ng aktor nang mausisa s’ya tungkol dito during the virtual press conference last Friday, July 2, para sa pinagbibidahan n’yang pelikula along with the showbiz newcomers na sina Cloe Barretto at Marco Gomez. 

May mga maseselan kasing eksena sa pelikula na never pa daw nagawa ni Jason sa mga naging movies n’ya before at ayaw n’yang makita ‘yon ng kanyang nobya. 

Sabi ko ‘wag na, ‘wag na n’yang panoorin,” sey ng award-winning actor. “Baka kasi ma-shock s’ya sa mga mapapanood n’ya kasi never n’ya akong makikita sa pelikula [ng gaya] Silab sa ibang pelikula na nagawa ko.

Sa Silab ay gaganap si Jason bilang Emil, ang lalaking pagtataksilan ng kanyang asawa na si Ana [Cloe Barretto] at ng kaibigan n’yang si Rob [Marco Gomez]. 

At dahil ‘yon ang tema ng movie, diretsahang natanong ang mga cast members kung nagkaroon na ba ng pagkakataon na naging unfaithful sila sa kani-kanilang partners noon. 

Dito ay matapang na sumagot si Jason. 

Lahat naman po tayo dumaan sa mga kabataang nag-e-explore pa ng mga bagay-bagay sa ating buhay,” pahayag n’ya. “May mga pagkakataon po talaga na dumarating ‘yan.

Pero siyempre, habang tayo’y nagkaka-edad, nagiging iba po ‘yong ating pananaw sa ating buhay.

“So, pinipilit po nating huwag na tayong makasakit ng iba pang tao.

Nahingan din ng saloobin ang aktor tungkol sa nobya n’yang si Vickie matapos itong hindi tumuloy sa Binibining Pilipinas 2021 pageant due to her age. 

Matagal na daw n’yang hinihintay na grumaduate ang kasintahan sa pageant industry para makapag-focus na sila sa kanilang mga plano. 

Siguro nasa ano na kami ni Vickie, e… Matagal na kong naghihintay na matapos si Vickie sa pagpa-pageant. Tingin ko ayon na ‘yon e,” lahad ng Kapuso actor. “Sabi ko, ‘O, tama na ‘yan, hindi ka na pwede [sa pageant]. Tayo naman.’

Kasi hinayaan ko s’ya talagang lumarga, gawin n’ya lahat ng gusto n’ya habang dalaga pa s’ya. So, ngayon siguro panahon na para bumuo ng pamilya,” pagtatapos ni Jason. 

Anyway, mapapanood na ang Silab, directed by Direk Joel Lamangan, sa Viva streaming app na Vivamax at Vivamax Middle East simula July 9.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jason Abalos apologizes to fellow countrymen for voting for Duterte in the 2016 elections

Vickie Rushton, umatras na nga ba sa Binibining Pilipinas 2020/2021 pageant?

Vickie Rushton, wala ng chance sa Miss International crown?

Cloe Barretto, natutuwa sa pagkukumpara sa acting niya kay veteran actress Jaclyn Jose

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.