Jason Abalos, lalong na-inspire sa pag-aartista matapos pumanaw ang idolong si Kobe Bryant

PHOTOS: @thejasonabalos on Instagram

PHOTOS: @thejasonabalos on Instagram

Isa ang Kapuso actor na si Jason Abalos sa tumanggap ng pagkilala sa ginanap na Asia Pacific Luminare Awards [APLA] sa Filinvest sa Alabang, Muntinlupa City kahapon, January 30.

Tila hindi makapaniwala ang aktor na ginawaran s'ya ng Most Promising and Hottest Actor of the Year award sa ikatlong taon ng APLA sa pagbibigay parangal sa mga natatanging personalidad.

Sa kanyang Instagram account kasi, nag-post si Jason ng pictures— ay isa ay picture ng trophy, ag ang isa ay solo niya habang tinaganggap ang tropeo onstage. Sinamahan niya ang mga ito ng caption na: "Most promising and hottest actor of the year, booom!!!"

Naisingit pa ni Jason ang mabiro dahil sa mga katagang "hottest actor" na nakalagay mismo sa kanyang trophy.

"Siguro dahil pinag-aagawan ako sa mga programang nagagawa ko."

Oo nga naman. S'ya ang gumaganap ngayon na batang Joaquin sa bagong Kapuso teleserye na Anak ni Waray vs Anak ni Biday kung saan pinag-aagawan s'ya ng mga naggagandahang babae - ang Ilokanang si Sussie [Lovi Poe] at ang Waray na si Amy [Max Collins].

Bukod pa rito, bumida rin s'ya last year bilang Brylle Alejandro sa afternoon drama na Bihag kung saan ay may love triangle sila nina Jessica [Max Collins ] at Reign [Sophie Albert].

Naikwento pa ng 35-year-old actor and motorcycling enthusiast na dumating pala s'ya sa point ng buhay nya na halos iwanan na n'ya ang showbiz.

"Pero seriously, dumating na ako sa punto ng career ko na 'ok na kaya yon,' 'kota na kaya ako?' 'Mag iba na kaya ako ng linya?'"

However, muli umanong nanumbalik sa kanya ang mga pinagdaanan sa industriya matapos mamaalam ang iniidolong basketball player na si Kobe Bryant. Tila dito nakahugot ng bagong inspirasyon ang tubong-Nueva Ecija na si Jason upang ipagpatuloy ang kanyang karera sa showbiz.

"Hanggang sa nawala si Kobe, bumalik sa akin ang mga pangarap ko noong nagsisimula ako at bumulong ulet ako sa sarile ko na habang buhay ko gagawin ang pag arte.

"Kahit ako na lang ang nagtitiwala sa sarile ko. Pero nandiyan pa naman kayo, hindi pa ako magiging producer ng sarile kong palabas."

Pinasamalatan din ng Kapuso star ang Asia Pacific Luminare Awards, na under ng International Awards Council na binubuo ng mga businessmen at educators mula sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia, maging ang kanyang pamilya at mga tagasuporta.

"Masarap sa pakiramdam ang ganitong parangal, huling beses nakatanggap ako 2008 pa yata (sa pelikulang Endo).

"Sa mga nagtitiwala at sa mga patuloy pang nagtitiwala maraming salamat! Binigyan ako ng Panginoon ng kakayanan para tumagal sa industriya, lahat to iniaalay ko sa kanya, sa pamilya, sa mga kaibigan, sa mga sumusubaybay, sa inyong lahat."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jason Abalos (@thejasonabalos) on

Congratulations, Jason.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

LeBron James, Shaquille O'Neal and other basketball legends write final, emotional messages for Kobe Bryant

Diego Gutierrez at Rayver Cruz, kapwa devastated sa pagkamatay ng idolong si Kobe Bryant

Pika's Pick: Martin del Rosario snags Asian TV Awards Best Leading Male Performance - Digital for the movie 'Born Beautiful.'

Judy Ann Santos’s acceptance speech as best actress at the 45th MMFF Awards Night, magkahalong serious at patawa.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.