JC Santos, bilib sa tapang ni Cloe Barreto: “She has so much balls than me.”

JC Santos sa pagiging palaban ni Cloe Barreto: “Maraming tao ang kayang mag-drama, maraming tao ang kayang mag-comedy, na umarte. Iba ’yong kayang maghubad. Iba ’yong tapang nu’n for me. I mean, I have so much respect for that.”

PHOTOS: @j.c.santos & @cloebarreto on Instagram

JC Santos sa pagiging palaban ni Cloe Barreto: “Maraming tao ang kayang mag-drama, maraming tao ang kayang mag-comedy, na umarte. Iba ’yong kayang maghubad. Iba ’yong tapang nu’n for me. I mean, I have so much respect for that.”

Lamang umano nang di hamak ang showbiz newbie na si Cloe Barreto kumpara sa premyadong aktor na si JC Santos kung pagpapa-sexy sa pelikula ang pag-uusapan. 

Si JC mismo ang nagsabi n’yan sa exclusive virtual interview n’ya with pikapika.ph kahapon, July 21.

Nasali kasi si Cloe sa usapan nang ma-open namin ang naging joke ng sexy-drama actress during the special screening nga sexy-thriller movie nila na Tahan kung saan nagbiro s’ya kung bakit daw wala silang love scene ni JC sa pelikula. 

Hindi ko alam paano magre-react nu’n, e,” natatawang sagot ng aktor.

Ganu’n pa man, happy daw s’ya na “mabenta” at may dating pa rin s’ya sa younger generations ngayong ganap na s’yang family man. 

Pero I’m glad na meron pa ring ganu’n sa akin na mga kabataan. Kasi feeling ko after kong magka-asawa’t magka-anak parang ‘Uy, ang tanda na ni Kuya JC.’ Yung ganu’n,” pagtatapat n’ya. 

Naging magkaibigan na daw sila nina Cloe at mga kasabayan nito kaya nasasanay na s’ya sa way nito ng pagbibiro. 

Si Cloe, naging barkada ko na sila halos kasi meron silang sariling management company. Lahat sila sobrang kulit at masarap kasama. Ganu’n lang magbiro talaga ’yon,” aniya.

Natawa pa s’ya nang ipaalam namin na pasok s’ya sa tipo ng lalaki na gustong d’yowain ng aktres. Nabanggit kasi nito sa exclusive interview namin sa kanya na parang ang tali-talino daw ni JC. 

“What? Hindi. Hahaha!” natatawang reak n’ya.

Kung natatalinuhan daw si Cloe sa kanya ay natatapangan naman umano s’ya sa aktres. May kaya daw itong gawin na hindi kaya ng ibang artista.

Sobrang tapang din naman nitong si Cloe. I mean, maraming tao ang kayang mag-drama, maraming tao ang kayang mag-comedy, na umarte. Iba ’yong kayang maghubad. Iba ’yong tapang nu’n for me. I mean, I have so much respect for that,” lahad pa ni JC.

Hindi daw kasi lahat nabibiyaan ng lakas ng loob at pagka-naturalesa pagdating sa mga daring scenes. 

“I remember… naalala ko si Sir Tony Mabesa, the late Sir Tony Mabesa kasi we were doing Romeo and Juliet one time. And then I remember my leading lady, sinabihan n’ya, ‘Wala lang libog.’ Ginaganu’n n’ya,” pagre-recall ng aktor. 

E, ilan lang ’yong mga  taong nakaka-exude nu’n, e, na una mong makita o makasama, they have this real sexiness na ganu’n,” dagdag pa ni JC.

E, natural kay Cloe ’yon. S’yempre, plus factor na kaya n’yang magpakita ng katawan, ng confidence na ’yon. Ang galing, ang galing. Sorry, pero she has so much balls than me, actually,” natatawang pagdidiin n’ya with matching hands up gesture bilang pag-surrender. 

Napuri pa n’ya si Cloe sa kung gaano ito kaseryoso pagdating sa pag-arte. 

“She’s on the right track kung saan man s’ya pupunta ngayon. I mean, hindi s’ya p’wede magkamali kasi pinaniniwalaan n’ya ang instinct n’ya at ginagawa n’yang personal ang lahat ng bagay,” pag-a-asses ng mahusay na aktor.

Ginagawa n’yang personal ’yong script, ’yong lines n’ya. And I think malalim naman ’yong mga hugot n’ya saka experiences. For me, it works. 

Nagulat ako sa eksena nang first time ko s’yang makita ulit na ganu’n ’yong atake n’ya. Sabi ko, ‘That works ha. I felt that.’ She’s on the right track of what she’s doing,” pagtatapos ni JC.

Available na for online streaming ang pelikula nina JC at Cloe, together with Jaclyn Jose, na Tahan sa Vivamax. 

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jaclyn Jose, suportado lahat ng mga baguhang artista; “Minsan din akong naging baguhan.”

JC Santos considers daughter River Aletheia as his life saver

JC Santos, wino-workout na matanggal ang “dad bod” para makagawa pa ng mas maraming on-screen roles

Jaclyn Jose, nangungulila sa dalawa niyang anak: “Ganito pala...ang hirap nang nag-iisa.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.