JC Santos considers daughter River Aletheia as his life saver

In his birthday message to his daughter River Aletheia on Instagram, JC Santos also apologized to her for him and wife Shyleena’s shortcomings as first-time parents. “Pasensya na, anak, kung hindi pa kami ganun kagaling sa pag-aalaga sayo. Gaya mo, baby pa rin kami sa pagiging magulang. Bago din ang lahat ng mga nangyayari sa paligid namin. Pero lagi namin susubukan at hindi kami susuko. Pinapangako namin na sa mga susunod na taon ng buhay mo magiging okay din ang lahat. Matututo din kami. Alam mo kung bakit? Dahil ang sarap sarap mong alagaan. “Mahal na mahal ka namin, Anak. Araw-araw natututo kami kung papano ka namin mamahalin at hindi iyon matutumbasan ng kahit ano.”

Photos: Vivamax & @j.c.santos

In his birthday message to his daughter River Aletheia on Instagram, JC Santos also apologized to her for him and wife Shyleena’s shortcomings as first-time parents. “Pasensya na, anak, kung hindi pa kami ganun kagaling sa pag-aalaga sayo. Gaya mo, baby pa rin kami sa pagiging magulang. Bago din ang lahat ng mga nangyayari sa paligid namin. Pero lagi namin susubukan at hindi kami susuko. Pinapangako namin na sa mga susunod na taon ng buhay mo magiging okay din ang lahat. Matututo din kami. Alam mo kung bakit? Dahil ang sarap sarap mong alagaan. “Mahal na mahal ka namin, Anak. Araw-araw natututo kami kung papano ka namin mamahalin at hindi iyon matutumbasan ng kahit ano.”

Tanda pa namin, January 2020, sa press conference ng On Vodka, Beers, and Regrets movie nila ni Bela Padilla, inamin ni JC Santos sa ilang reporters including this writer that he is already a married man and an expectant dad.

Walang nalaman ang publiko tungkol sa pagpapakasal niya dahil hindi naman ma-post si JC ng mga personal niyang ganap sa social media. At least at that time.

Hindi gaanong nagbigay ng detalye si JC noong Vodka tsikahan except that the lucky lady ay ang kanyang high school crush—si Chef Shyleena Herrera—na nang-basted sa kanya. When they got reconnected after 15 years, hindi na niya pinakawalan this time. After dating for a few months, he proposed, she said yes; and he married her in September 2019.

At the time of the Vodka presscon, eight months on  the family way na si Shyleena. Thus, by February 2020, a month before the nationwide lockdown because of the Covbid-19 pandemic, isa nang ganap na tatay ang poging Pampangueño sa isang pagka-ganda-gandang batang babe, whom they’ve named River Aletheia.

Nakumusta ang buhay-tatay ni JC sa virtual media conference ng pinaka-bago niyang pelikula, ang Adarna Gang, kamakailan. Nasimulan kasi ang baby topic nang ikuwento ng nag-iisang bidang babae ng pelikula na si Coleen Garcia kung gaano ka-life changer ang pagkakaroon niya ng anak. In her case, meron na siyang one-year-old baby boy, si Amari, na one big reason kung bakit natagalan din siyang makabalik sa pag-arte.

“He’s the bigger picture now,” k’wento ni Coleen. “Everything that you do, you have to put him into consideration.”

Agree si JC. Life-changing din daw maging tatay. And he’s loving every minute of it.

“Sinasabi nila before parang pag daddy ka na, mawawala na ’yong freedom and everything...ako parang hiyang, e. Hahaha!,” masayang k’wento niya sa Zoom. “Na-enjoy ko siya nang sobra, nae-enjoy ko siya every day. At saka ’yong mga discoveries habang lumalaki ’yong baby mo, you see it every day tapos makikita mo ’yong nagiging personality niya at nakikita mo na magiging maayos itong tao...and I like that.”

In fact, itinuturing niya, hindi lang life changer si Baby River n’ya, kundi life saver din. For him, napaka-right timing na ibinigay sa kanya si Baby River during the pandemic dahil ito raw ang nagpa-maintain ng sanity niya during the lockdown.

“Parang kumbaga, naging saver sa akin na may baby ako ngayon na pandemic kasi kung wala, baka mabaliw ako kasi ang hirap ng work ngayon. So, parang mabuti na lang meron akong kausap at pinagkaka-abalahan sa bahay.

“Ang saya pa kasi ng baby ko. So, yeah, I enjoy it [fatherhood] so much. Pati ’yong challenges, it’s part of the job. Mahirap siya pero it’s fun. May instant progress naman, meron kaagad na parang reward every day. So, hiyang...hiyang ako.”

And time flies fast dahil last Sunday lang, February 27, River just turned two.

Proud daddy JC took to Instagram—which now becomes his repository of River’s growing up mementos—to give tribute to his and Shyleena’s life saver.

In love letter form, he addressed his daughter in the caption and said:

“Sa anak naming komedyante: River, 
“Alam namin na hindi ka pa mulat sa lahat ng mga nangyayari sa mundo ngayon. Nalampasan namin lahat ni Mommy ang hirap nitong nakaraang dalawang taon dahil andyan ka sa buhay namin. Sa bawat ngiti, tawa, sayaw, iyak, at lambing mo, anak, nailayo mo kami posibleng bigat ng pag-iisip. Binabalik mo kami lagi sa isang lugar na alam namin hindi kami mawawala… Ang ngayon. Ikaw na nasa harapan namin. Kapiling ka.”

He also apologized to her their shortcomings as first-time parents. But assured her that they will keep striving to be better at it.
“Pasensya na, anak, kung hindi pa kami ganun kagaling sa pag-aalaga sayo. Gaya mo, baby pa rin kami sa pagiging magulang. Bago din ang lahat ng mga nangyayari sa paligid namin. Pero lagi namin susubukan at hindi kami susuko. Pinapangako namin na sa mga susunod na taon ng buhay mo magiging okay din ang lahat. Matututo din kami. Alam mo kung bakit? Dahil ang sarap sarap mong alagaan.
“Mahal na mahal ka namin, Anak. Araw-araw natututo kami kung papano ka namin mamahalin at hindi iyon matutumbasan ng kahit ano. 

“Happy Birthday, Anak.
“Love, 
“Mommy and Daddy.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JC Santos (@j.c.santos)

Samantala, ang Adarna Gang, ay isang Godfather-ish take ni Direk Jon Red sa istorya ng mailap na Ibong Adarna. Si Coleen Garcia, as Adriana ang representation ng ibong adarna at si JC ay isa sa tatlong prinsipeng nais bumihag sa kanya kapalit ng pangakong maging heir apparent sa pagiging leader ng mafia’ng pinamumunuan ng kanilang adoptive dad, menacingly played naman by Ronnie Lazaro.

Adarna Gang comes to Vivamax on March 11.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.