Sa trailer palang ng More Than Blue, masasaktan ka na. Heavy drama ang pelikula na tungkol sa mag-soulmates na mahal ang isa’t isa but one is letting go dahil alam niyang mamamatay siya habang ang clueless na isa, who’s being pushed away, nagpatulak naman dahil akala niya ay hindi siya mahal.
Dahil magagaling umarte ang mga bidang sina JC Santos at Yassi Pressman, madadala ka. Paano pa kung buong pelikula.
K’wento nga nina Yassi at JC during the media conference ng pelikula kamakailan, matagal nang nag-cut si Direk Nuel Naval, humahagugol pa rin sila. Uupo nalang daw sila sa isang sulok para tapusin ang iyak at nakakapagod daw.
Thus, we wonder, kung paano mag-shoot ng mga masasakit na eksena? Paano ba hindi maubusan ng source ng luha kung marami kang paghahandaang heavy drama scenes.
JC Santos, who’s the one na aware na iiwan niya ang mahal niya sa istorya, went creative.
First, nag-call-a-friend siya kay Bela Padilla, his perennial screen partner, para manghing raw ng emo playlist.
“Kasi kapag isang hugot lang kasi ang gamit mo as an actor mauubos ka, e,” katwiran niya. “Mauubos at mauubos ’yon, e. So, mag-iisip ka pa ng bagong iisipin para lang naging totoo ’yong luha mo.
“This time, ’yong isang preparation ko, nanghihingi ako ng playlist kay Bela, e. Kasi si Bela, mahilig siyang mag-ano, meron siyang mga music na pampaiyak sa eksena.”
His pa-hugot tactic Number 2, gumawa daw siya ng “last letter” to his daughter, ang cute na cute one-year old na si River. Babasahin daw niya ’yon pag may heavy scene and paniguradong maiiyak na raw siya.
“Isa sa pinaka-matındi ko, kung maalala nila Yassi at saka nila Direk, meron ako laging binabasa sa eksena,” k’wento niya. “Meron akong isang letter —letter for my daughter, saying goodbye to my daughter. So, lagi kong binabasa ’yon bago mag-start ’yong eksena kasi ganu’n ’yong feel ng bawat eksena, it’s like everything is the last.
“So, umabot ako sa sumulat ako ng last message ko para sa daughter ko, hahaha! Every time na binabasa ko ’yon, bibitaw na ako. So, yeah, umabot ako doon. Natakot ako nang sobra, so naiiyak ako.”
And that’s his trick pala to come up with authentic pain.
Ang bongga. Nakaka-curious tuloy kung ano laman ng letter. Dapat pa-frame ni JC ’yon. Hindi lang for sentimental reason kundi as souvenir dahil mukang malaki ang kikitain ng pelikula, and in effect, thanks to that latter dahil mahahawahan tayo ni JC ng kanyang pain sa movie.
Anyway, pag naka-recover na raw sila sa heavy scene, dinadaan daw nila sa kain sa set para mabalik sa light mood ang lahat.
“Gusto lang namin kumain,” natatawang say ni JC. “Alam mo ’yong ire-reward mo ’yong sarili mo dahil medyo mabibigat ’yong eksena? Haha!”
Ang More Than Blue is a South Korean drama classic released in 2009. Pero mas bongga ang naging reception doon sa Taiwanese adaptation in 2018 dahil naging highest-grossing domestic film ito sa Taiwan that year, with over $300 Million gross at nailibot sa iba’t ibang Asian countries.
This time, Viva Films is remaking it for Pinoy audiences worldwide. Bukod sa maganda ang material, nakaka-add sa excitement ang first pairing nina JC at Yassi, with able support from Diego Loyzaga and Ariella Arida.
Sayang at panay Hollywood films palang ang mag-i-screen sa pagbubukas ng mga sinehan. This film deserves a red-carpet premiere pa naman. Hays, sana talaga next year, mag-normalize na ang buhay.
But, save the date for the #WasakPusoDay this November 19, 2021 and stream the Philippine adaptation of More Than Blue on Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, at Europe.
Vivamax is available online at web.vivamax.net.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber