Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Dahil wala si Jennica Garcia sa birthday celebration ng mama niyang si Jean Garcia ay babawi na lang daw sila pagka-uwi n’ya galing sa lock-in taping. Naglambing pa s’ya ng French seafood soup sa mama n’ya dahil na-miss n’ya na daw ito maging ang mga luto nito.  “So, tirhan n’yo ako kung ano mang ulam n’yo today. Paabutin n’yo ’yan ng September 7. Mama, please make Bouillabaisse soup for me. I super miss your cooking. I love you, Mama,” saad ni Jennica.

PHOTOS: @chic2garcia & @jennicagarciaph on Instagram

Dahil wala si Jennica Garcia sa birthday celebration ng mama niyang si Jean Garcia ay babawi na lang daw sila pagka-uwi n’ya galing sa lock-in taping. Naglambing pa s’ya ng French seafood soup sa mama n’ya dahil na-miss n’ya na daw ito maging ang mga luto nito. “So, tirhan n’yo ako kung ano mang ulam n’yo today. Paabutin n’yo ’yan ng September 7. Mama, please make Bouillabaisse soup for me. I super miss your cooking. I love you, Mama,” saad ni Jennica.

Hindi umano napigilan ng seasoned actress na si Jean Garcia na maiyak sa ipinadalang birthday video greeting ng anak n’yang si Jennica Garcia.

Jean turned 53 years old yesterday, August 22, at sobrang na-touch daw s’ya sa ipinadalang video ng daughter n’yang kasalukuyang nasa lock-in taping ngayon. 

Sa tuwa ay nai-post ng Kapuso actress sa Instagram ang video ng anak para ibahagi sa kanyang mga tagahanga at kaibigan

“Mama, happy, happy birthday, Madam. Maligayang kaarawan sa iyo, Mama,” panimulang pagbati ni Jennica sa video.

Na-miss daw n’ya ang nanay n’ya dahil bukod sa birthday nito ay naitawid daw n’ya ang isang mahirap na eksena na umano’y hindi niya magagawa kung hindi siya inalalayan ng ina.  

“I miss you so much more today, not just because it’s your birthday today and not theirs… But because I was doing the scene earlier. You know the scene that I’m really pressured right now,” pakuwela pang lahad ni Jennica. 

“I’ve been practicing that dance in your house. We took it [the scene] earlier and I remember how you were helping me with my practice. You’re such a good mom… Iiyak ako. Hahaha! Hindi, joke lang,” dagdag pa n’ya habang nagsisimula nang gumaralgal ang boses.

“I just miss you so much, Mama,” dagdag niya na bumigay na sa pagiging emotional. “I miss you and the kids, Mama.

“I really wish I’m there today so that I can celebrate with you your day because I want you to know that I celebrate you every day of my life. You take good care of me so much, Mama. Thank you,” saad pa n’ya.

Nakuha pa n’yang mabiro at maglambing ng French seafood soup pag-uwi n’ya. 

’Yon lang, bumati lang ako. So, tirhan n’yo ako kung ano mang ulam n’yo today. Paabutin n’yo ’yan ng September 7. Mama, please make Bouillabaisse soup for me. I super miss your cooking. I love you, Mama,” pagtatapos ni Jennica. 

Nagpasalamat naman si Jean sa pagiging thoughtful ng kanyang anak. Kinakantiyawan nga daw n’ya ito na iiyak sa video pero sa huli ay s’ya daw pala ang iiyak nang todo. 

“Aaawww thank you honey! Sabi ko while watching your video…’Iiyak na yan, iiyak na yan hihihiii’ Pero ang ending, ako yung iyak ng iyak after hahahaa,” pagtatapat ng award-winning actress sa kanyang caption post. 

Bawi na lang daw s’ya ng bonding time pagka-uwi ng anak galing sa lock-in taping. 

“I love you ‘nak sooo much. I also wish you’re with us today, bawi na lang tayo pag-uwi mo from your lock in taping. For now, take care of yourself and keep safe. I’ll see you as soon as makabalik ka ng Manila,” lahad n’ya. 

Game din daw s’yang ipagluto ito ng request nitong pagkain. 

“Bouillabaisse soup na yern!!! Mahigpit na yakap honey. Amishuuuuu todooo!!!” Jean concluded. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jean Garcia (@chic2garcia)

Gaya ng ibang mag-iina, hindi rin perpekto ang relasyon ni Jean at ng anak na si Jennica. May mga pagkakakataong hindi rin sila nagse-share ng same perspective.

Huling na-test ang kanilang relasyon ng dumaan sa pagsubok si Jennica sa kanyang personal na buhay at bilang nanay, hindi napigilan ni Jean na maglahad ng saloobin, bagama’t indirectly sa social media. 

But that’s all water under the bridge now. All’s well that ends well, ’ika nga.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Alwyn Uytingco, tinawag na “milagro” ang pagse-celebrate nila ng 12th anniversary ni Jennica Garcia: “Muntik na nga magtapos sa 11th year.”

Post ni Jean Garcia, sagot ba sa declaration of love post ni Alwyn Uytingco para kay Jennica Garcia?

Jean Garcia is a victim of an affair in Wish Ko Lang

Jean Garcia, tinanggap ang proyektong Lolong kahit may mabigat na pinagdadaanan noon

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.