Jean Garcia, no regrets na pinili ang pag-aartista sa Pilipinas kesa magpakasal with her Japanese boyfriend noon at manirahan sa Japan

Nagpa-plano na raw magpakasal sina Jean Garcia at ang kanyang Japanese boyfriend noon. Pero mas pinili daw niyang manatili dito sa Pilipinas at ituloy ang pag-aartista.   “Winave ko ’yong pagmamahal…Nagdesisyon ako," pagbabalik-tanaw niya. "Oo, mahal ko s’ya pero parang kinausap ko ang sarili ko na, ‘Can I see myself kung nandu’n ako sa Japan na housewife?’  “Kumbaga, ’yong sobrang pagmamahal ko siguro sa work or sa sobrang gusto kong umarte na ayokong i-deny sa sarili ko na kailangan kong umarte at kailangan kong magtrabaho for my children. Ayokong umasa lang doon sa asawa ko pag dating ko sa Japan. Mas pinili ko talaga to stay.”

PHOTOS: @chic2garcia on Instagram

Nagpa-plano na raw magpakasal sina Jean Garcia at ang kanyang Japanese boyfriend noon. Pero mas pinili daw niyang manatili dito sa Pilipinas at ituloy ang pag-aartista.  “Winave ko ’yong pagmamahal…Nagdesisyon ako," pagbabalik-tanaw niya. "Oo, mahal ko s’ya pero parang kinausap ko ang sarili ko na, ‘Can I see myself kung nandu’n ako sa Japan na housewife?’ “Kumbaga, ’yong sobrang pagmamahal ko siguro sa work or sa sobrang gusto kong umarte na ayokong i-deny sa sarili ko na kailangan kong umarte at kailangan kong magtrabaho for my children. Ayokong umasa lang doon sa asawa ko pag dating ko sa Japan. Mas pinili ko talaga to stay.”

Lakas-loob na nagkuwento ang aktres na si Jean Garcia tungkol sa mga hindi niya nag-work na relasyon. 

Naganap ito sa virtual media conference noong September 15 para sa upcoming teleserye niya sa GMA-7 na Nakarehas na Puso.

Natanong kasi ng entertainment press ang aktres sa naging karanasan niya sa pakikipagrelasyon, partikular sa naging relasyon niya sa isang foreigner. Hindi naman kasi lingid sa publiko na isang Japanese advertising executive ang ama ng unico hijo niyang si Kotaro, now 20. 

Matatandaan na noong mid-90s, when she felt na walang nangyayari sa career niya, ay nagpasya siyang magtrabaho sa Japan as a singer at namalagi doon for two and a half years.

But when a good TV offer came in 2000, ang maging iconic na Madam Claudia sa Pangako Sa’Yo ng ABS-CBN pa noon, hindi pinalampas ni Jean ang chance. Ito ang naghudyat ng matagalan na niyang pananatili sa showbiz.

That put a strain in their relationship.

Paliwanag ni Jean, hindi umano nag-work ang relasyon nila noon dahil oras at distansya ang naging kalaban nila. Long distance relationship (LDR) kasi ang naging setup nila. 

"Ako, ’yong na-experience ko kasi eight years... ’yong father ni Kotaro na Japanese s’ya. Hindi naging successful ’yong relationship namin only because hindi kami magkasama," lahad ng Kapuso actress. 

"Kumbaga, nandito ako sa Pilipinas, umaarte ako, nandito ’yong trabaho ko. Nandu’n naman s’ya Japan at nandu’n ang trabaho n’ya."

Umabot na raw sila noon sa punto ng pagpapakasal sana. Iyon nga lang, mas pinili daw niyang manatili dito sa Pilipinas at ituloy ang pag-aartista. 

"Nagplano rin kami na magpakasal at magsama na sa Japan pero siguro…honestly, mas pinili ko kasi [manatili] dito sa Pilipinas kasi winave ko ’yong pagmamahal… Honestly, ha. Honest ’to na nangyari sa akin. Nagdesisyon ako," pagbabalik-tanaw niya.

"Oo, mahal ko s’ya pero parang kinausap ko ang sarili ko na, ‘Can I see myself kung nandu’n ako sa Japan na housewife?’" pagpapatuloy niya. 

"Kumbaga, ’yong sobrang pagmamahal ko siguro sa work or sa sobrang gusto kong umarte na ayokong i-deny sa sarili ko na kailangan kong umarte at kailangan kong magtrabaho for my children. Ayokong umasa lang doon sa asawa ko pag dating ko sa Japan. Mas pinili ko talaga to stay."

Noong umpisa ay payag naman daw ang kamyang Japanese partner sa  LDR setup nila. Pero sa huli ay hindi rin talaga iyon nag-work. 

"Pumayag naman s’ya pero siguro after two years… siguro ika-seventh or eighth namin [as couple] medyo gumugulo na. Siguro naiintindihan ko rin s’ya na kailangan n’ya kami doon," salaysay pa ng seasoned actress.

"Pero ako naman kasi, kailangan ko naman na ako maging masaya kung nandito. Siguro hindi pa ako ready talaga to settle down kaya ’yon po ang nangyari," patuloy na lahad niya.

"Hindi s’ya naging successful all because long distance s’ya. Malayo kami sa isa’t isa. Pumupunta lang s’ya dito pag may time. Pumupunta rin ako ng Japan pag may time. So, medyo naging bumpy ’yong relationship kaya hindi rin s’ya nag-work."

Mahalaga daw kasi talaga sa magkarelasyon, romantic man o hindi, na magkasama at may oras sa isa't isa.

"Ako, para sa akin, importante rin kasi, lalo na kung foreigner ’yong asawa mo o boyfriend mo o karelasyon mo, kailangan siguro magkasama kayo. Kasi minsan kapag apart kayo, hindi kayo magkasama, napo-fall out kayo sa isa’t isa," paliwanag niya.

"Importante ’yong oras in any relationship...magulang-anak, magkakapatid...Kapag wala kayong time sa talagang nagkakaroon ng wall. Mahirap talaga pag hindi kayo magkasama lalo na kung nasa isang relasyon ka. Siguro kailangan magdesisyon ka."

Ganu'n man ang nangyari ay wala naman daw siyang pinagsisisihan dahil pinili niya umano ang kung ano ang nakikita niyang magpapasaya sa kanya. 

"Sa akin kasi nagwo-work ’yong kung saan ako magiging masaya. Unahin mo muna ’yong sarili mo ibang tao. Kasi papano ka makakapagbigay ng happiness sa ibang tao kung ikaw mismo sa sarili mo hindi ka happy," pagdidiin ni Jean.

"So choice mo, choice mo palagi. At walang p’wedeng magsabi na, ‘Uy, nagkamali ka sa choice mo.’ Kaya ako no regrets kasi pinili ko ’yon, e."

Masasabi naman daw niya na tama ang naging pasya niya. 

"Hindi man naging successful [ang relationship ko] at single man ako ngayon at walang katuwang sa buhay, pinili ko po ’yon. No regrets. Happy pa rin ako," pagbibida niya. 

"I’m happy with my children. I’m happy with my brothers and sisters. I’m happy with my family. And I’m happy with my work up until now," she concluded. 

Mapapanood si Jean—kasama sina Leandro Baldemor, Vaness del Moral, EA Guzman, at ang nagbabalik-showbiz na si Michelle Aldana—sa Nakarehas na Puso simula September 26 sa GMA Afternoon Prime.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Alwyn Uytingco, tinawag na “milagro” ang pagse-celebrate nila ng 12th anniversary ni Jennica Garcia: “Muntik na nga magtapos sa 11th year.”

Post ni Jean Garcia, sagot ba sa declaration of love post ni Alwyn Uytingco para kay Jennica Garcia?

Jean Garcia is a victim of an affair in Wish Ko Lang

Jean Garcia, tinanggap ang proyektong Lolong kahit may mabigat na pinagdadaanan noon

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.