Jean Garcia, tinanggap ang proyektong Lolong kahit may mabigat na pinagdadaanan noon

Kabilang sa mga pinasikat ni Jean na kontrabida characters SA ABS-CBN noon ay sina Madam Claudia Buenavista sa teleserye na Pangako Sa 'Yo (2000); Lady Morgana Frost sa Kay Tagal Kang Hinintay (2002), Ola Lacuesta sa It Might Be You (2003) at Lucia Saavedra ng Kampanerang Kuba (2005). Sa GMA naman ay nagsunud-sunod din ang pagiging kontrabida ni Jean sa mga teleserye na Majika, Atlantika, Impostora, La Vendetta, Mars Ravelo's Dyesebel, Gagambino, All About Eve, Stairway To Heaven, Ilumina, Alice Bungisngis and Her Magic Walis, Adarna, at Kambal Karibal. And now, she’s back in Lolong.

Photos: @chic2garcia

Kabilang sa mga pinasikat ni Jean na kontrabida characters SA ABS-CBN noon ay sina Madam Claudia Buenavista sa teleserye na Pangako Sa 'Yo (2000); Lady Morgana Frost sa Kay Tagal Kang Hinintay (2002), Ola Lacuesta sa It Might Be You (2003) at Lucia Saavedra ng Kampanerang Kuba (2005). Sa GMA naman ay nagsunud-sunod din ang pagiging kontrabida ni Jean sa mga teleserye na Majika, Atlantika, Impostora, La Vendetta, Mars Ravelo's Dyesebel, Gagambino, All About Eve, Stairway To Heaven, Ilumina, Alice Bungisngis and Her Magic Walis, Adarna, at Kambal Karibal. And now, she’s back in Lolong.

Muling mapapanood bilang kontrabida si Ms. Jean Garcia sa primetime teleserye ng GMA na Lolong.

Dalawang taon ding napahinga sa paggawa ng teleserye si Jean at ang The Gift ang huli niyang teleserye bago magkaroon ng COVID-19 pandemic noong 2020. 

Kahit na napapanood siya sa mga flashback scenes sa mga teleseryeng First Yaya at First Lady bilang first wife ni President Glenn Acosta (played by Gabby Concepcion) na si Christine Acosta, iba pa rin daw na sa isang buong teleserye mapapanood si Jean.

Kaya ang Lolong ang masasabing tunay na pagbabalik-kontrabida niya sa teleserye. Gaganap siya dito ilang si Dona Banzon na ang mister ay si Armando Banzon (played by Christopher de Leon), habang anak naman nila si Martin Banzon (played by Paul Salas).

"Si Dona ay isang character na matutuwa ka sometimes pero more on mabubuwisit ka. 

"Itong si Dona, lahat ng
high meron siya—high pitch, high strung, over the top, overacting, loud siya, maingay siya pero sosyal. 

"Guguluhin niya lahat ng buhay lalo na 'pag ginugulo ang buhay ng asawa niya at anak niya, ganoon si Dona," kuwento pa ni Jean sa naganap na Zoom mediacon ng Lolong.

Tinanggap ni Jean ang proyektong Lolong kahit na may mabigat na pinagdaanan ang kanyang pamilya noong sinimulan ito.

April 2021 noong pumanaw ang ina ni Jean na si Mrs. Sandra Garcia dahil sa sakit na dulot ng COVID-19. Nagpakatatag si Jean at tumanggap siya ng trabaho na kailangang mag-lock-in taping ng dalawang buwan. 

Inamin ng aktres na may pagkakataon daw na nakakaramdam siya ng lungkot at malayo siya sa kanyang pamilya dahil kailangan niyang magtrabaho.

Kaya nagpapasalamat siya sa magandang samahan nila ng Lolong cast dahil may nakakausap siya tuwing nakakaramdam siya ng lungkot.

"There are times na minsan gusto mong umiyak dahil sa situwasyon namin sa lock-in taping. May mga iniisip ka rin tungkol sa pamilya na iniwan mo dahil kailangan mong magtrabaho. Maraming sakripisyo talaga. Pero I am thankful na naging close kaming lahat dahil may napagsasabihan ka ng frustrations mo. 

"Minsan naman nagkakatampuhan din kami. Hindi maiwasan na may mangyaring gano'n
, but we all try to be there for each other. Kaya love ko silang lahat at nag-iyakan talaga kami noong matapos na ang taping namin. Gano'n kami ka-close na sa isa't isa. Na-miss ko silang lahat, sa totoo lang," diin pa ni Jean.

Lumipat si Jean sa GMA noong 2006 mula sa ABS-CBN kunsaan ilang taon siyang nag-reyna bilang primetime kontrabida. 

Kabilang sa mga pinasikat ni Jean na kontrabida characters ay sina Madam Claudia Buenavista sa teleserye na Pangako Sa 'Yo (2000); Lady Morgana Frost sa Kay Tagal Kang Hinintay (2002), Ola Lacuesta sa It Might Be You (2003) at Lucia Saavedra ng Kampanerang Kuba (2005).

Sa GMA ay nagsunud-sunod ang pagiging kontrabida ni Jean sa mga teleserye na Majika, Atlantika, Impostora, La Vendetta, Mars Ravelo's Dyesebel, Gagambino, All About Eve, Stairway To Heaven, Ilumina, Alice Bungisngis and Her Magic Walis, Adarna, at Kambal Karibal.

Ang mga naging non-kontrabida roles naman ni Jean ay sa mga teleseryes na Alakdana, One True Love, Kakambal Ni Eliana, The Half Sisters, Once Again, Pinulot Ka Lang Sa Lupa, Ika-5 Utos, at The Gift.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.