Jeffrey Hidalgo, the director, nag-apprentice pala kay Direk Paul Soriano at kay Glorious director Connie Macatuno

Photos: Instagram

Photos: Instagram

Taong 1993 nang mabigyan ng first acting job ng Viva si Jeffrey Hidalgo. Naging introducing siya sa Kadenang Bulaklak na pinagbidahan nina Angelu de Leon, Donna Cruz, at Ana Roces. He was only 15 at that time.

Twenty-eight years later, eto’t nagbabalik-Viva si Jeffrey, armed not only with acting skills, but also with directing, songwriting, scriptwriting (dahil graduate din siya kay Ricky Lee), and of course, singing.

Kapipirma lang ni Jeffrey ng management contact sa Viva Arists Agency (VAA), at dahil isa siyang multi-hyphenate, kaya maraming p’wedeng ipagawa sa kanya ang Viva.

In the past several years, mas nag-concentrate si Jeff sa pagdi-direk  (commercials, music videos, and TV series) at medyo na-set- aside niya ang pagharap sa camera. This time around, tila gusto niyang subukin muli umarte.

But during the virtual conference na inihanda sa kanya ng VAA kahapon, April 19, isa sa naging paksa ang pagiging director niya. Licensed chemical engineer kasi siya at mas kilala siya ng tao bilang dating member ng iconic kiddie band na Smokey Mountain (na binuo ni Maesto Ryan Cayabyab). And then from singer, naging actor nga at the age of 15.

Tapos, naging manaka-naka na siyang nakikita on-cam dahil mas marami siyang raket, so to speak, as a director.

His maiden work as a director was the indie film Silong (2013) na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Rhian Ramos. Pagkatapos ay kinuha na raw siya ng GMA News TV to direct some episodes of the drama-romance anthology na Wagas. Nagkasunod-sunod na dahil he also co-directed other GTV shows like In Inday Will Always Love You (2018) at TODA One I Love (2019).

Natanong ng pikapika.ph si Jeffrey kung paano siya napadpad sa behind-the-scenes galawan. Aniya, na-realize na lang daw niya na fascinated siya sa nangyayari sa set. 

“This was how it happened,” panimula ni Jeffrey sa kanyang pagbabalik-tanaw. “When I was starting as an actor, pag dumadating ’yong script sa akin binabasa ko talaga siya buong-buo. Kahit na isa lang eksena ko, binabasa ko ’yong buong script talaga dati. And pag nabasa ko siya, nabubuo-buo na ’yong istorya in my head. That’s why kapag nagsu-shoot, tinitingnan ko pa’no nagsu-shoot tapos ini-imagine ko parang ganito ’yong mangyayari. So, doon ko na-realize na parang intiresado pala ako sa behind-the-scenes.

Pagkatapos ay naging mentor daw niya si Connie Macatuno. Direk Connie helmed such films as Rome & Juliet, 2006; Glorious, 2018, Wild and Free, 2018; and Malaya, 2020. Naging director daw ng kanyang music video si Direk Connie at nag-connect na sila from there hanggang sa nagdidirek na rin siya ng mga music videos na siyang naging entry niya sa mundo ng pagdidirek.

“Nag-start ako mag-direk ng music videos—music video ng sister ko (singer Arnee Hidalgo), ng ibang artists...pero parang kulang pa din sa akin ’yong ganu’n, e. Gusto ko talaga mag-ano, ’yong full-blooded director. So, nag-aral ako [ng filmmaking] sa New York Film Academy sa Abu Dhabi noong 2009.

“Pag balik ko, nag-apprentice ako under si Paul Soriano, nag-a-AD [assistant director] muna ako sa kanya sa mga ads, TVCs na ginagawa niya, mga Station ID [shoot] for ABS-CBN... at nag-apprentice din ako kay Direk Dante Nico Garcia, director ng Ploning. May na-shoot kaming pelikula noon sa Palawan, ako ’yong second AD noong time na ’yon. And then, eventually after that saka ko na-direk ’yong aking first film which is Silong in 2013 and then it was released in 2015.”

Ani Jeffrey, bagama’t natagalan ang next movie project niya, ay iba pa rin daw ang pakiramdam na maging director ng isang pelikula dahil may sense of ownership kapag pelikula ang produkto as compared to TV series na mas maraming production protocols na kailangang sundin. But he’s not complaining dahil kapag TV projects naman daw ay kayang-kaya niyang um-adjust. Marespeto daw kasi siya sa hierarchy ng mga TV productions.  

Sa kasalukuyan ay streaming na sa ktx.ph ang latest movie project ni Jeffrey after eight years, ang General Admission na base sa trailer ay mukang impressive. Tungkol ito sa isang TV dancer (Jasmin Curtis Smith) na nagka-wardrobe malfunction on national TV. Said incident went viral on social media na ginatungan pa ng isang talk show at nagkawing-kawing na isyu hanggang madawit ang boyfriend (JC de Vera) at nakalkal na ang mga nakaraan all because of one unfortunate incident.

“Sana, sana panoorin ninyo, guys...all my media friends, please watch General Admission screening on KTX. Hahaha!,” natatawang pagtatapos ng nagbabalik-Viva artist.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sunshine Dizon, kumpirmadong Kapamilya na

Ate Gay has recovered after hospitalization from pneumonia

Contents ng VIVAMAX, available na sa mga kababayan natin sa Middle East

Nikki Valdez talks about return to work after COVID-19 bout

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.