Jennica Garcia at Alwyn Uytingco, posibleng magkabalikan?

Humingi ng dispensa si Jennica Garcia sa press na hindi siya makapagbibigay ng detalye ukol sa current state ng relasyon nila ni Alwyn Uytingco bukod sa pag-amin na nag-uusap sila. “Kinakabahan kasi kami pag nakikita ko kami sa social media na napag-uusapan...As much as I’d like to say that I don’t really care what other people say, I think, in my entire life ito ’yong moment sa buhay ko na I’m not really at my best mental state kaya po I try to keep my answer short.

PHOTOS: @jennicagarciaph & @alwynzky on Instagram

Humingi ng dispensa si Jennica Garcia sa press na hindi siya makapagbibigay ng detalye ukol sa current state ng relasyon nila ni Alwyn Uytingco bukod sa pag-amin na nag-uusap sila. “Kinakabahan kasi kami pag nakikita ko kami sa social media na napag-uusapan...As much as I’d like to say that I don’t really care what other people say, I think, in my entire life ito ’yong moment sa buhay ko na I’m not really at my best mental state kaya po I try to keep my answer short.

Inamin ng aktres na si Jennica Garcia na nag-uusap na silang muli ng kanyang estranged husband na si Alwyn Uytingco para ayusin ang kanilang relasyon. 

Sinabi n’ya ito ngayong araw, October 15, sa virtual media conference ng kinabibilangan n’yang upcoming afternoon drama na Las Hermanas. 

Kinumusta kasi ni pikapika contributing writer na si Rose Garcia ang lagay ngayon ng aktres at ang estado ng relasyon nila ni Alwyn. 

“Alwyn and I are working on our marriage,” direktang pag-amin niya. “We are looking to the Lord for a breakthrough.”

Bagama’t may patikim na s’ya sa kung ano ang ginagawa nila ni Alwyn to fix their marriage, Jennica politely declined na idetalye ito sa press. 

Kinakabahan kasi kami pag nakikita ko kami sa social media na napag-uusapan,” paliwang n’ya. 

“As much as I’d like to say that I don’t really care what other people say, I think, in my entire life ito ’yong moment sa buhay ko na I’m not really at my best mental state kaya po I try to keep my answer short. 

Pasensya na po kayo,” dagdag pa n’ya.

Naunawan naman ng press ang niloloob ng aktres.

Matatandaan na nitong nagdaang Marso nang lumabas ang balitang hiwalay na sina Jennica at Alwyn Uytingco after being together for seven years. 

Nang matanong naman s’ya tungkol sa kanyang karakter sa upcoming teleserye, Jennica gladly shared that it is the very first time na gumanap s’ya bilang isang kontrabida. Matagal daw pala n’yang gustong masubukan ito sa isang soap opera. Ito rin bale ang nagsisilbing come-back project niya after seven years na hindi umarte para mag-pokus sa kanyang mga anak.

Ito ’yong pinakaunang kontrabida role na nabigay sa akin. Hindi ko alam…I was really hoping to get one before when I was actively doing works for GMA,” k’wento ng nagbabalik-Kapuso’ng aktres. 

“But for some reason, kahit sabihin namin [sa management] parang mga hindi ganu’ng roles ’yong nabibigay po [sa akin].”

At masaya daw s’ya dahil natupad na ang dream niyang ’yon sa teleseryeng Las Hermanas. 

However, aminado si Jennica na naging very challenging sa kanya ang kanyang kontrabida role lalo pa’t malayo naman daw sa tunay na pagkatao niya ang karakter niyang benggadora at ma-kuda.

Masayang-masaya ako na tanggapin s’ya [’yong role] but I have to be honest na nahirapan po ako talaga,” pag-amin ng daughter ni Jean Garcia. 

Maliban sa ang tagal ko na pong tumigil [sa pagganap sa mga mahahabang teleserye]—may seven years na po akong tumigil—nahirapan ako kasi bago s’ya sa akin.

Dito ko nalaman na napakahirap palang maging isang kontrabida kumpara sa role na api ka o ikaw ’yong underdog,” pagbabahagi pa n’ya sa kanyang realization. 

Kasi mabigat ’yong emotions na kailangang dalhin and, at the same time, ’yong role po kasi ni Brenda is different from my real personality. 

S’yempre, when we do a new character we want to offer something new [to the viewers] pero hindi maiiwasan na lumalabas pa rin ’yong tunay na ikaw, right? Very loud kasi s’ya na babae.”

Gayunpaman, ibinigay daw n’ya ang kanyang makakaya sa ikagaganda ng kanilang TV series. 

“Ang iniisip ko na lang po kailangan ko talagang paghusayan para makita din ng mga viewers natin kung ano ’yong aral to have that kind of attitude towards others, if you have that personality. 

Kasi minsan, ’di ba, kapag madali tayong mang-mata ng ibang tao pero hindi natin namamalayan na tayo mismo sa sarili natin ganu’n din pala tayo. So, sana marami po silang aral na matutunan sa palabas po namin,” pagtatapos ni Jennica.

Mapapanood ang Las Hermanas—na kinatatampukan nina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino and Faith Da Silva—simula October 25 sa GMA Afternoon Prime.

 

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.