Jennica Garcia, nilinaw na hindi mga taga-Tagaytay lang na “mayayaman” ang ipinanghingi niya ng dasal; nanawagan ding “Wag abusuhin ang kahinaan ng kapwa Pilipino"

PHOTOS: @jennicauytingco on Instagram

PHOTOS: @jennicauytingco on Instagram

Sa social media post inilabas ni Jennica Garcia ang kanyang saloobin tungkol sa mga naglabasang issues kaugnay sa pagputok ng bulkang Taal kahapon.

Sa kanyang Instagram account ngayong araw, January 13, nag-post si Jennica ng larawan ng bulkang Taal habang naglalabas ito ng makakapal na usok

"NAKAKAIYAK," sabi ni Jennica sa kanyang post. "Naghahanda kami ngayon ng asawa ko [Alwyn Uytingco] para sumama sa isang Rescue Team papuntang Tagaytay dahil nangangailangan ng karagdagang manpower."

Nanawagan din ang aktres sa mga negosyante na huwag samantalahin ang sitwasyon upang pagkakitaan ang mga Pilipinong biktima ng pagsabog ng bulkan. Ito ay patungkol sa issue na kumakalat online na biglang naging P200 na ang bentahan ng N95 masks mula sa dating P40-P50 long kada piraso.

"Ang N95 na mask na higit na kailangan ngayon ay binebenta ng P200 each ng mga nag hoard nito sa pharmacy. Ang feed ko sa Facebook maya’t maya may boosted post pa na may available N95 mask sa kanila sa halagang P200 eh nasa P40/P50 lamang ang halaga nito

"Kapwa natin kababayan ang nangangailangan ng tulong bakit kailangan abusuhin ang kahinaan ng mga kapwa natin Pilipino. Hindi ito ang oras para magdamot. Mahabag naman kahit kaunti."

Nanawagan din ang anak ng batikang aktres na si Jean Garcia sa mga taong gustong magpaabot ng ayuda sa mga nasalanta.
Magbibigay daw sya ng direksyon sa mga susunod nyang post kung paano ito maipapadala.

"Mag popost po ako ulit para sa mga nais magbigay ng tulong sa pamamagitan ng gamit at pera, sa ngayon ipagpatuloy po natin ang pagdadasal."

Nilinaw din ng 30-year-old actress sa kanyang mahabang post na pangkalahatang dasal ang kanyang hiling sa nauna nyang Instagram post kahapon, January 12, habang kasagsagan ng pagbubuga ng Taa volcano ng abo at pebbles.

May mga  kumuwestiyon kasi sa diumano ay selective niyang panghihingi ng dasal dahil sininggel out niya ang mga taga-Tagaytay lang.

Naisama kasi ng aktress ang hiling na panalangin para sa kaligtasan ng brother niyang si Eujin, at ang pamilya ng mga kaibigan niyang sina Chito Miranda at Neri Naig na nakatira sa Tagaytay.

"May mga mensahe din akong nakuha na bakit Tagaytay lang ang hinihingan ko ng dasal at hindi Batangas eh mayayaman naman daw ang mga nasa Tagaytay. 

"ANO DAW? Para sa kaalaman ninyo nasa Batangas kahapon ang asawa ko ng pumutok ang bulkan. When he sent me a message, I posted on Instagram right away for prayers."

Nataranta umano si Jennica at inakalang naisama na ang Batangas sa kanyang post. Gayunpaman, sinabi nya na ang kanyang hiling at dalangin ay para sa kaligtasan ng lahat.

"Because I panicked and already typed Batangas, I thought, I already included Batangas in my request for all to pray. 

"Please don’t feel offended and know that my prayers goes out to ALL Filipinos. Regardless of where they are situated when Taal erupted. Unless our foot is standing on the land of Tagaytay let us not belittle their need for help and prayers. 

"Wag tayong mang mata at mag assume na dahil maraming mayaman sa area at may mas malapit sa Taal na mas kailangan ng dasal at tulong ay hindi nila kailangan yun," pagtatapos ni Jennica sa kanyang post.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jennica Garcia-Uytingco (@jennicauytingco) on

More power sa inyo ng asawa mo, Jennica.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.