Jennifer Lawrence at Cooke Maroney, kasal na?

Naintriga ang marami nang makita sa marriage bureau in New York City last September 16 sina Jennifer Lawrence at fiancé nitong si Cooke Maroney. Palaisipan tuloy kung nagpakasal na ba ang dalawa o nag-secure lang sila ng kanilang marriage license?

PHOTOS: @queen_jlawr

Naintriga ang marami nang makita sa marriage bureau in New York City last September 16 sina Jennifer Lawrence at fiancé nitong si Cooke Maroney. Palaisipan tuloy kung nagpakasal na ba ang dalawa o nag-secure lang sila ng kanilang marriage license?

Naintriga ang marami nang makita sa marriage bureau in New York City noong nakaraang September 16 ang Hollywood actress na si Jennifer Lawrence at ang fiancé nitong si Cooke Maroney.

Escorted pa ang couple ng dalawang security guards at may kasama pa silang photographer na si Mark Selinger at isang kaibigan.

Noong lumabas ang photos nila sa Page Six, tila tinatago ni Cooke ang kanyang ring finger. 

Palaisipan tuloy kung nagpakasal na ba ang dalawa o nag-secure lang sila ng kanilang marriage license?

Kinagabihan ay nakita ulit sina J.Law at Cooke na naglalakad sa streets of NYC at may bitbit si Cooke na isang bote ng wine. Mukhang may kung anong sine-celebrate ang couple.

Naging open naman si J.Law tungkol sa pagpapakasal at tungkol sa wedding plans nila ng kanyang fiancé.

As early as 2015, nasabi na ni J.Law sa isang interview with Vogue na gusto na niyang makilala ang lalakeng pakakasalan niya.

“I can't wait to be married. I feel like if I find that one person who I want to spend the rest of my life with, who I want to be the father of my children, that I would absolutely not f**k it up. But I'm also not banking on that."

Sa interview ng aktres sa podcast ni Catt Sadler na "Naked", sinabi nito na natagpuan na nito ang isusuot niyang wedding dress at may nakita na itong perfect venue.

“I saw a dress I liked. I was like, 'That's the dress.' I saw a venue, I was like, 'Cool, we got the venue.'" sey ni J.Law.

Sa tanong kung kinakabahan ba ito sa araw ng wedding, ang sagot ng aktres ay: “No, not really. I've been in a good place. I haven't been neurotic about it. I'm, like, too lazy to be neurotic."

Inamin din ni J.Law na noong makilala at makarelasyon niya si Cooke, naiba ang perspective niya sa marriage.

“I definitely wasn't at a place where I was like, 'I'm ready to get married.' I just met Cooke and I wanted to marry him. We wanted to marry each other. We wanted to commit fully and, you know, he's my best friend. I feel very honored to become a Maroney.

"I want to legally bind him to me forever and, fortunately, the paperwork exists for such a thing.”

Nakilala ni J.Law si Cooke, na graduate ng art history course sa New York University, through one of her friends. Na-link sila romantically noon June 2018 at sinasabi na raw ni Cooke sa kanyang mga kaibigan that Jennifer was the one for him.

In February 2019 ay nag-propose na si Cooke kay J.Law. 

Hinihintay na lang ng media ang confirmation kung official na bang Mrs. Cooke Maroney si Jennifer Lawrence.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Justin Bieber, pinatino ng asawang si Hailey Baldwin

Hollywood weddings galore: Joe Jonas & Sophie Turner and David Foster & Katharine McPhee

Hiwalayan at divorce, rampant ngayon sa Hollywood

Hiwalayang Miley Cyrus at Liam Hemsworth, hindi daw si Kaithlynn Carter ang dahilan

Riverdale Season 4 premiere, “In Memoriam” para kay Luke Perry

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.