Jennylyn Mercado, nag-aral tumugtog ng bass guitar para sa mga future musical collabs nila ng sweetheart na si Dennis Trillo

SCREENSHOT: @JennylynMercadoOfficial on Facebook

SCREENSHOT: @JennylynMercadoOfficial on Facebook

Nagbigay ng aliw at kilig ang real-life sweethearts na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo online kagabi, May 21.

Ang Kapuso couple kasi ang sumalang na guests sa online concert na Bayanihan Musikahan, isang fundraising project ni National Artist for Music Ryan Cyabyab na kung saan nagpe-perform ang mga artista at recording artists habang hinihikayat  nila ang mga nakaluluwag sa buhay na mag-donate. Ang nalilikom na pera ay ipinangtutulong naman sa mga pamilyang naapektuhan ng community quarantine sanhi ng coronavirus disease [COVID-19] pandemic. 

At kagabi nga, bilang bahagi ng guesting ng na-lockdown together na mag-sweetheart na #JenDen, ipinakita ang highlights ng CoLove Live Concert nila na ginanap last Febuary 15 sa New Frontier Theater. Isa ang nasabing concert sa mga huling showbiz events na nairaos bago pa ipinatupad ang COVID-19 lockdown.

Ginamit ng two prized GMA stars ang opportunity para pasalamatan ang kanilang mga fans na nanood ng kanilang post-Valentine concert.

Naikwento rin ni Jen na kinabahan daw sila kung matutuloy ang kanilang star-studded concert dahil that time ay nakapasok na nga sa bansa ang kinatatakutang sakit. 

"Maraming nagtatanong kung 'Tuloy ba?'" pagre-recall ng talented actress-singer. "Kasi marami na daw shows na hindi tuloy. Nag-back out na. Kaya kami medyo kinabahan din na parang' Teka lang. Safe ba?' Parang nakakatakot na nga."

Thankful naman ang dalawa matapos ma-realize na successful nilang naitawid ang nasabing concert. 

Sa mga nagtatanong kung may part 2 ba ang CoLove Live, malalaman daw nila next year. 

At dahil may segment sa online concert nila kagabi kung saan tatawag sila among their showbiz friends para mag-pledge ng donation, napili nilang tawagan si John Prats na s'yang direktor din ng kanilang CoLove concert. 

Game namang nag-commit ng kanyang donasyon ang Kapamilya actor-director. 

Binusog din nina Jen at Dennis ang kanilang fans by performing their favorite songs na kinanta  nila sa kanilang music vlogs on YouTube gaya ng “I Finally Found Someone” at “Nothing Gonna Stop Us Now.”

Ini-launch din ng DenJen, bilang paghuling handog sa viewers kagabi, ang music video ni Dennis na "Silly Love Longs," ang cover niya sa original song ng British-American rock band na Wings. 

"Kakagawa lang namin nito nung isang araw," pagbibida pa ni Jennylyn na halatang excited sa bago nilang cover song.

Special din kay Dennis ang kantang ito dahil, bukod sa s'ya ang kumanta sa video, ang girlfriend pala n'yang si Jennylyn ang tumugtog ng bass guitar para sa kanya. 

"Nung nagsimulang mag-aral si Jen ng bass, ito 'yong isa sa mga unang kanta na natutunan nya," kwento ng aktor. "Gusto namin s'yang i-share sa inyo, makita n'yo 'yong pinaghirapan ni Jen habang pinapraktis namin ['yong kanta].

"Grabe yong kaba ko doon, guys," komento naman ni Jennylyn. "Alam ko walang tao, ako lang mag-isa [habang nagre-record]. Iniwan nga n'ya [Dennis] ako eh. Pinanood n'ya lang tapos umalis na s'ya."

Samantala, bukod sa pag-aaral mg bass at paggawa ng music video, nagbiro naman si Dennis at one point na dapat na umano silang mag-workout ni Jen, lalo na na raw siya dahil tumataba na raw siya kakakain ng masasarap na baked goodies ng kanyang lovey.

After their online live concert, pinasalamatan ng aktres ang mga fans na nag-abang at sumuporta sa kanila kagabi. 

"Thank you po sa lahat ng sumuporta at nag-donate sa Bayanihan Musikahan online live concert," ani Jen sa kanyang Facebook page. "Sana po nag-enjoy kayo. Para po sa mga nais pang magbigay ng konting tulong pwede pa po kayong mag-donate. God bless you all and stay safe!"

 

Thank you po sa lahat ng sumuporta at nag-donate sa Bayanihan Musikahan online live concert. Sana po nag-enjoy kayo. ♥...

Posted by Jennylyn Mercado on Thursday, May 21, 2020

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.