Jennylyn Mercado, nananawagan ng donasyon para mapuno ang "StarTruck" na patungong Cagayan

PHOTOS: @mercadojenny on Instagram & @JennylynMercadoOfficial on Facebook

PHOTOS: @mercadojenny on Instagram & @JennylynMercadoOfficial on Facebook

Ultimate star Jennylyn Mercado has joined the league of celebrities who have been extending help to the victims of Typhoon Ulysses in northern Luzon. 

Kahapon kasi, November 18, nanawagan na ang Kapuso actress sa mga nais magpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo through her donation drive called "StarTRUCK para sa mga Survivors!"

Goal ng aktres na mapuno ang isang 10-wheeler truck (na tinawag n'yang "StarTruck") ng mga donasyon na ipapamahagi sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo sa Cagayan.

"Bessies!!!! Calling for your help na punuin natin ng donation itong truck na ito para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan!" sey ng StarStruck season 1 winner sa kanyang social media post. 

"Bukod sa mismong truck, may hinahanda na kaming 1000 bags of relief goods. Bilang ang laki nito theres room for more donations!" dagdag pa ni Jen. 

 

"Ultimate StarTRUCK para sa mga Survivors!" Bessies!!!! Calling for your help na punuin natin ng donation itong truck...

Posted by Jennylyn Mercado on Tuesday, November 17, 2020

Sa mga gustong magpaabot ng in-kind donation, maaari  daw 'yong ipadala o i-drop sa Litterbox Cat Cafe, na pagmamay-ari ni Jen at ng bf niyang si Dennis Trillo, sa 128 Animat Bldg. Maginhawa St. Teacher's Village, Quezon City.

Ayon pa sa post n'ya, kalahati daw ng kikitain ng kanilang cafe ay idadagdag din sa ipangbibili ng karagdagang donasyon. 

Sa mga nais naman mag-donate ng pera, maaari daw 'yong ipadala through GCash o sa bank account ng  Litterbox Cat Cafe.

Sa pinakahuling update nga ni Jen kagabi rin, umabot na daw agad sa mahigit P37,000 ang natanggap na monetary donation ng kanilang team.

"Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagpa-abot na ng tulong para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo," pasasalamat pa ng aktres. 

"Sobrang nakaka-inspire na marami sa inyo ang handang magbigay ng tulong kahit na 'yong mga kapos din sa panahon ngayon. 

"Iba talaga mag-bayanihan ang mga Pilipino! God bless po sa inyong lahat!" pagtatapos ni Jennylyn.

 

Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagpa-abot na ng tulong para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo....

Posted by Jennylyn Mercado on Wednesday, November 18, 2020

Anyway, naka-schedule daw na babyahe pa-Tuguegarao ang truck this coming November 27 para sa relief operation.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jennylyn Mercado, nag-aral tumugtog ng bass guitar para sa mga future musical collabs nila ng sweetheart na si Dennis Trillo

Pika's Pick: Dennis Trillo shows support to gf Jennylyn Mercado's Descendants of the Sun TV series; Jen responds, "Thank you baby."

Pika's Pick: Jennylyn Mercado’s handsome boy, Alex Jazz, turns 12 and Jen’s boyfriend Dennis Trillo surprised him by dressing up as his fave kiddie online entertainer, Blippi

Pika's Pick: Dennis Trillo flexes girlfriend Jennylyn Mercado in birthday video; shares their “I Finally Found Someone" duet

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.