Jerald Napoles at Kim Molina, napapag-usapan na ang pagkakaroon ng anak; “Hindi na namin ide-deny ’yan. Ang tatanda na namin, e.”

Dahil parents ang papel nina Jerald Napoles at Kim Molina sa kanilang fun-serye na Team A ay natanong ng press ang dalawa kung paghahanda na ba ito sa pagkakaroon nila ng baby. “Ang tatanda na namin. Gusto ko na nga. Charing! Hahaha!” pabirong sagot ni Kim.

PHOTOS: @jeraldnapolesofficial on Facebook & @kimsmolina on Instagram

Dahil parents ang papel nina Jerald Napoles at Kim Molina sa kanilang fun-serye na Team A ay natanong ng press ang dalawa kung paghahanda na ba ito sa pagkakaroon nila ng baby. “Ang tatanda na namin. Gusto ko na nga. Charing! Hahaha!” pabirong sagot ni Kim.

Sa magkasintahang Jerald Napoles at Kim Molina na mismo nanggaling na napag-uusapan na nila ang pagkakaroon ng anak.

Inamin ito ng KimJe couple sa media conference nila for their upcoming comedy series na Team A Happy Fam, Happy Life ngayong araw, March 9.

Gaganap kasing mag-asawa na may isang anak ang real life couple sa kanilang first-ever fun-serye.

Dahil dito ay natanong sila ng entertainment press kung nangangahulugan na ba ito na gusto na rin nila magkaroon ng anak at bumuo ng sarili nilang pamilya.

Ito rin kasi ang naging dating sa teaser posts nila sa social media kamakailan kung saan inakala ng mga fans na buntis si Kim sa Baby No. 1 nila ni Jerald.

P’wede. Hindi na namin ide-deny ’yan. Ang tatanda na namin, e,” diretsahang sagot ni Je. 

Sinegundahan naman ito ni Kim at pabirong sinabi na, “Ang tatanda na namin. Gusto ko na nga. Charing! Hahaha!”

Natawa tuloy ang lahat sa unexpected hirit na ito ng aktres, lalo na si Je na that time ay nasa tabi n’ya. 

Hindi na namin sasabihin na, ‘Ah, actually po, for now…’ Walang ganu’n,” pagpapakatotoong singit naman Jerald sa joke ng kanyang nobya. 

Sumasagi na daw talaga minsan sa mga usapan nila ni Kim ang pagkakaroon nila ng anak dahil na rin sa kanilang ginagampanang roles sa kanilang TV show.

Ano po, of course, nakikita namin, ‘Grabe, ’no? ’Yong roles natin…’ Doon kami nagsisimula, e. ‘Grabe, ang role natin mag-asawa.’ Automatic, pag-uusapan n’yong mag-partner. Tapos live in pa kami,” lahad ni Je sa press people.

However, mas ini-enjoy daw nila ngayon ang paggawa ng comedy series kung saan natututo sila sa mga mga eksena na common scenario din ng mga mag-asawa.

Kaya naman parang lumalabas nga na paghahanda na rin nila ang fun-serye sa pagbuo nila ng sariling pamilya.

“So, we’re just trying to enjoy the process of the shoot because this is actually a fictional and good vibes shoot. So, parang nagdu-dwell lang muna kami doon sa idea na ’yon because we know also na pag dating ng panahon na sakaling magka-pamilya, hindi lang ’yon side na mae-encounter ng mag-partner o mag-asawa,” paliwanag ni Je.

Ngayon, parang nakikita namin, napapanood namin ’yong the good [part]… ’Yon kasi ang pinapakita ng show na ’to, e. Parang we’re trying to show how to process the concerns and issues of a family in a light manner. Parang ganu’n,” pagpapatuloy n’ya.

Parang hindi tayo ’yong sa totoong buhay na, ‘Hayop ka!’ Hahaha! Walang ganu’n. So ’yon ’yong medyo ano namin…ang bida-bida namin sa show na ito.

Nang mahingi naman ang side ni Kim, sinabi n’yang pareho sila ng saloobin ni Jerald at sumasang-ayon s’ya sa mga kagustuhan nito. 

Ganu’n din po. S’ya po nagde-decide. Ako po ’yong mabubuntis, e. Hahahaha!” kwelang lahad n’ya na muling ikinatawa ng lahat.

Pero, yes, we’re thinking about it also especially pag kami-kaming tatlo lang nitong si baby girl [child star Gianna Iguiron], as in, baby talaga namin s’ya…” tsika pa ng aktres.

Pero iyon nga, mas priority pa rin umano nila ang work at this point. 

Pero ngayon po ay focused kami, s’yempre, sa aming pamilya, Pamilya Ambida,” paglilinaw ni Kim.

Malaman-laman po natin kung may madadagdag mang cast. Charing! Hahaha!” muling pagbibiro n’ya.

“But not anytime soon. Not anytime soon,” pagtatapos ng aktres.

Mapapanood sina Kim Molina, Jerald Napoles, Gianna Iguiron, kasama sina Yayo Aguila, Anjo Yllana, Cindy Miranda, at marami pang iba, sa comedy series na Team A. 

Magsisimula ito sa March 18, 9:30PM sa TV 5, at March 19, 9:00PM sa SariSari Channel.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jerald Napoles, aminadong “laging mas tama si Kim” sa mga relationship issues nila

Jerald Napoles, nadurog ang puso matapos masabihan ng “I don’t believe in your dreams anymore” noon

Jerald Napoles, umamin kay Kim Molina na nag-cheat na siya before

Pika's Pick: Kim Molina is the 2023 Zsazsa Zaturnnah, Ateneo Blue Eagle Repertory announces

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.