Jerald Napoles, minsan nang nai-consider na tumakbo for a government post; Kim Molina, hanggang treadmill lang daw ang pagtakbo

When asked kung may napupusuan na among the presidential candidates, Jerald Napoles said:  “Hindi pa po final ’yong iboboto ko pero sigurado po ako kung sino ’yong hindi ko iboboto.

Photos: Vivamax

When asked kung may napupusuan na among the presidential candidates, Jerald Napoles said: “Hindi pa po final ’yong iboboto ko pero sigurado po ako kung sino ’yong hindi ko iboboto.

Eleksyon na naman. At sa tuwing eleksyon, mapa-national man o local, hindi na nawawalan ng mga kumakandidatong artista o dating artista.

Sa ibang bansa man ay nagkakaroon di naman ng mga kandidatong taga-showbiz pero mabibilang sa daliri. Dito sa atin, bukod sa political dynasty, uso ang artistang nagpu-pulitiko.

(Although ang lahat ng nasa pulitika ngayon, ayaw nang patawag na politicians, kundi public servants daw. In fact, may bagong usong term, servant leader. Kaya kahit hindi mga karapat-dapat sa kanila ang bansag, servant leader ang tawag nila sa sarili.)

At dahil norm na nga ang pagsabak ng mga artista sa pultika, kaya uso rin ngayon sa mga press conferences ng mga pelikula at TV shows ang mga tanong na: “Ikaw ba, nagbalak ka o nagbabalak kang pasukin ang pulitika?”

O kaya naman ay: “May nag-alok na ba sa’yong kumandidato?”

Sa kagaganap lang na press conference para sa horror-comedy flick na Sa Haba ng Gabi, which stars the KimJe (Kim Molina and Jerald Napoles) couple at ang tila ka-package deal nilang si Candy Pangilinan, pumalaot ang mga nasabing tanong.

Hindi naman nagpaka-ipokrito ang laking-Tondo’ng si Jerald na pumasok na ding minsan sa isip niyang subukan ang pulitika. At may kinalaman ang pagiging laking hirap niya kung bakit sumagi sa isip niya ’yon.

“Galing talaga ako sa laylayan, e—sagad na laylayan [ng social strata]. So, usually nangangarap ka pag na-achieve mo ’yong popularity and something like that, mangangarap ka ng something...makatulong or whatever.”

At dahil may narating na sa buhay at propesyon kahit papaano, he wanted to give back.

“So, kung naiisip, naiisip ko ’yon, e, kasi may mga kaibigan tayo—lalo na ngayon ang dami kong kaibigan na nag-file ng COC—so, naiisip ko rin ’yon diba? S’yempre gagamitin mo na din ’yon powers mo and following...”

Pero nang laliman umano niya ang pag-iisip, he arrived at a conclusion na wag nalang. At aminado siyang ang dahilan ay hindi niya kaya ang kaakibat na responsibilidad ng any government post.

Sa tingin ko, ayoko na lang rin,” natatawang bawi niya. Meron ano na baka lang hindi ko lang magampanan. Alam ko rin ’yong sarili ko. Alam kong hindi ko magagampanan lalo na ’yong ganu’n kalaking responsibilidad.

“Buhay ko nga hindi ko magawa nang maayos, e. Parang may ganu’n lang ako. Di ko nga maayos ’yong buhay ko. ’Yon ang magandang example. Parang ganu’n po ’yon. So, sa akin, parang tulong na lang ako sa kung ano ’yong kaya ko. Para wala ring responsibilidab na malaki.”

Dagdag-impormasyon ni Kim, minsan na rin daw nilang napag-usapan nang masinsinan ang bagay na ’yon. And they came up with the conclusion na it’s better that they just stay as responsible voters, kesa maging engot na newbie politicians.

“Sa totoo lang po sa amin dalawa ni Jerald, madalas ko siyang itanong dati, ‘Sa tingin mo, kung hindi ka artista tatakbo ka?’ Tapos ang sagot niya lagi, ‘May possibility pero wag na lang.’ Hahaha!” pagbabahagi  ni Kim.

“Alam niya kasi ’yong sarili niya, e. So, we are just very honest with that part. And I think hanggang doon na lang din po ’yon. We will just exercise the right to vote.”

Alam naman daw nilang they have the intellect for it kung sakali man, pero aware daw silang hindi naman sapat na kwalipikasyon ’yon.

“Kasi we also know that ano...kaming dalawa ni Jerald, we’re smart also, we’re intelligent people and I know that—alam ko po ’yon kasi feeling ko naman po may mga medals ako nu’ng bata ako. Hahaha! Pero hindi po ’yon sapat. I think na para basehan for me, marami pong pag-aaral ang kailangan...”

“We will support na lang the people that we... na naniniwala kami,”  sundot ni Jerald.

Thus, at this point, wala daw silang balak takbuhan maliban sa treadmill.

Sa part ni Candy Pangilinan, na pinsan ng vice presidential candidate na si Kiko Pangilinan, ay ganoon din. It’s a no. Katwiran niya, ni preamble ng Philippine Constitution ay hindi niya memoryado, paano pa raw kaya ang repsonsibilidad ng isang elected official.

“Hindi po ako tatakbo,” natatawang bungad niya. “Kahit dito po maraming nag- offer na tumakbo po ako, hindi ko memorized ang preamble ng constitution. So, wag na lang ho. Doon palang talo na ako. Hahaha!”

Ang sumunod na election-related question ay kung ano ang mga qualifications o katangian ng mga taong iboboto nila para maging leaders ng bansa.

“Decency and transparency, ani KimJe 

Solution-base [ang plataporma] or goal orientated,” hirit naman ni Candy. “’Yong ganu’n. Solution-base. Naka-tingin sa solution, sa goals.”

In that case, na napipisil o napupusuan na ba sila sa mga nag-file ng COCs, partikular na doon sa para sa highest political post ng republika.

“Hindi ko po masasagot ’yon kasi kailangan aralin, e,” pagpe-preno ni Jerald. “Hindi porke napu-push ’yong kuwan ko, hindi ko na uungakatin...ganu’n po ’yon, e. Habang tumatanda po ako, lalo akong namumulat są nangyayari. ’Yon po ’yong gusto kong sabihin.

“Pero sasabihin ko po sa inyo na firm po ako ngayon [sa isang bagay] at kung ano’ng meron ako na sigurado ako: ’yong hindi ko iboboto

“Hindi pa po final ’yong iboboto ko pero sigurado po ako kung sino ’yong hindi ko iboboto.” 

Ang talino, diba?” pagmamalaki ni Kim sa dyowa. “Kaya love na love ko yan, e.”

“Kaya siya ang nagsasalita for the both of us most of the time,” esplika ni Kim na naki-“copy paste” sa sagot ni Je. “Mas political kasi siya.”

Samantala, hindi pa nagmu-move on si Candy Pangilinan sa kanyang “solution-based” leader. Pero base sa sagot niya, tila nahanap na niya kung sino ang leader na ito.

“Nandoon ako kasi doon sa mga ano may kongkreto na mailalatag,” pahayag ng senior comedian. “Beyond na nga ako d’yan sa partido. May gusto ka, pero gusto kong malaman ano’ng ilalatag mo? Papaano ba ito? Magagawa ba ito? Kongkreto. Nandoon na tayo sa solution-base. Masyado na tayo doon sa ano, e, sa rating, sa popularity... alam mo ’yong ‘popularity,’ rating game?

“Sa akin, ha, nandoon na ako sa ano, I think ang tao ngayon sa solution na lang tayo. Doon nalang tayo sa solution. Kung sino ’yong makakatulong, diba? ’Yong may kongkreto na direksiyon. Basta. Alam ninyo na ’yon.”

Samantala, walang ka-kunek-kunek sa eleksyon ang Zombie movie’ng Sa Haba ng Gabi na pinagbibidahan ng tatlo. Kung meron man, iyon ay dahil “senador” ang isa sa mga characters ng pelikula at mga helpers at driver silang tatlo sa isang sa mga mansions nito na dalahan o taguan niya ng kanyang mga kept women.

Magkaka-virus sa kanilang area at ang papasukan ng virus ay magiging zombie, including the senator. And the three will spend the longest night of their lives escaping and fighting zombies.

Proven na ang riot chemistry ng tatlong bida. Kaya sakto ang Sa Haba ng Gabi for a quick fix of entertainment habang hinihintay nating lumayas ang tunay na virus na nagpapa-Zombie sa ating buhay.

Sa Haba ng Gabi starts streaming on Vivamax on October 29.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Also, since October 1, meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, and New Zealand.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.