Jerald Napoles, naging Jowable para kay Kim Molina dahil hindi ito “mukang malinis.”

“Nagsimula po sa tuksuhan kasi Kimerald...Kimerald kami sa Rak of Aegis, tapos kinikilig sa amin ’yong mga tao hanggang sa ayan, nagka-totoo, sakyan, landi-landi, gano’n...sinakyan ko ’yong jokes,” paliwanag ni Kim Molina sa kung paano naging sila ni Jerald Napoles.

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

“Nagsimula po sa tuksuhan kasi Kimerald...Kimerald kami sa Rak of Aegis, tapos kinikilig sa amin ’yong mga tao hanggang sa ayan, nagka-totoo, sakyan, landi-landi, gano’n...sinakyan ko ’yong jokes,” paliwanag ni Kim Molina sa kung paano naging sila ni Jerald Napoles.

Unknown to many, five years na palang mag-sweetheart sina Kim Molina at Jerald Napoles—two excellent stage actors na naka-cross over sa mainstream showbiz industry—at nagsimula ang kanilang love story sa set ng highly successful original Pinoy musicale na Rak of Aegis, which was staged in 2014 at the PETA (Philippine Educational Theater Association) Phinma stage in Quezon City. There, Kim played as the lead actress Aileen na love interest ni Jerald, who played Tolits.

Theirs wasn’t the love-at-first sight kind. Pareho kasing fresh from failed relationships ang dalawa pero dahil nagliligawan sila sa play at binansagan pa silang Kimerald ng teatro—that’s taken, of course from the original Kimerald ng showbiz na sina Kim Chiu at Gerald Anderson na naging on-and-offscreen sweethearts din noon—kaya kinikilig sa kanila ang mga kasamahan at maging ang PETA audience.

Soon, they realized na sila din mismo ay kinikilig na rin nang lihim. Lalo na si Kim, na type pala ang bad-boy aura ni Je (palayaw ni Jerald).

Unang beses ko po kasi siyang makita...kaka-break ko lang po kasi sa boyfriend ko no’n,” balik-tanaw ni Kim nang matanong ang tungkol sa kanila ni Jerald sa press conference ng launching movie niyang Jowable last Friday, September 12, sa Le Revé Events Place in Quezon City.

“Kumbaga, like a few months after ng breakup ng boyfriend ko... ayoko maghanap ng d’yowa..,pero naging crush ko na siya kasi gusto ko po ’yong mga gano’ng itsura, mga pa-badboy. Ayoko po ng mukang malinis, e...”

Pinapadumi mo ko, e,” sabat ni Jerald na kunyari ay nahulog pa ang microphone.

Kim went on: “Parang badboy, ganyan. [Sabi ko], ‘ay, sige.’ Nagsimula po sa tuksuhan kasi Kimerald...Kimerald kami sa Rak of Aegis, tapos kinikilig sa amin ’yong mga tao hanggang sa ayan, nagka-totoo, sakyan, landi-landi, gano’n...sinakyan ko ’yong jokes...

“Biruan lang po lahat nagsimula...E, ako naman, bata ako no’n, e,...batang marupok. Charot!...Seryoso, bata po ako no’n, e, hindi ko alam ’yong mga ganyan kasi galing ako sa Saudi [Arabia] na isa palang ’yong naging boyfriend ko. Kinikilig ako. Hindi ko alam na hala, nagiging totoo na  pala ’yong kilig ko. E, twice a day kami nagiging Aileen at Tolits, so, kinikilig ako nang totoo sa panliligaw niya [sa play].”

[Kim grew up in Saudi Arabia dahil her dad was a dentist there at isang respected colleague ng mga OFWs doon.]

In short, nagka-developan daw sila. Pero kahit daw hindi sila tinutukso-tukso, malinaw sa kanya na girlfriend material si Kim.

“Actually...kahit hindi ko pa [siya nililigawan]...nakikita naman ng lahat ng tao na jowable material naman siya. Ano lang, no’ng panahon na ’yon, ganoon din ako, e kaka-break ko lang din sa ex-girlfriend ko,” esplika ni Je. “Tapos, alam mo ’yong sinasakyan ko lang lahat ’yong kung ano mangyari tapos, nagka-hulihan kami ng toyo sa ulo. We’ve starred becoming not just partners but best friends. Pag naging mag-bestfriend kasi, maganda ang foundation...naghahanapan kayo lagi ’tsaka pag nag-aaway kayo, gusto n’yong ayusin kaagad kasi sayang ’yong bond n’yong dalawa as friends and best friends hanggang sa ayon, nagka-develop-an...ang arte!”

Muntik pang magtalo ang mag-dyowa nang kumpirmahin kung ilang tao na nga ang kanilang relasyon. Um-oo kasi si Je sa naka-four years.

“Five!” protesta ni Kim.

“Hindi kasi ’yong the first year, s’yempre ano, iko-consider mo ba ’yong landian?,” nalitong balik-tanong ni Je.

Oy, kinonsider ko ’yon!” sagot ni Kim.

At dahil may katagalan na rin, natanong muli ang dalawa kung ile-level up na ba nila ang kanilang relasyon. Meaning, may plano na ba silang magpakasal?

“I-level up natin sa pelikulang pagbibidahan naming dalawa,” birong-totoo ni Je.

He went on: “Wala pa pong sariling bahay ’yong nanay ko, e. Kailangan ko pong bigyan muna siyang ng sariling bahay.”

“Ngayon po kasi, kami po kasi ni Je, we’re just being supportive of each other,” salo ni Kim. “Totoo po, for example, kahit nagde-date po kami no’n, tapos meron siyang ibang ginagawa, kunyari nag-loveteam siya—nag-loveteam sila noon nina Val (Montenegro), okay lang, go. Ako pa nga po gagawa ng collage-collage [for social media posts] nila na mga pang-loveteam.”

Ang tinutukoy ni Kim ay ang pagtatambal kay Je kay Valeen Montenegro sa weekly show na SundayPinaSaya na nagkaroon ng indie film offshoot through the romcom, The Write Moment (2017).

“Kumbaga, suportahan tayo...kahit sa Momol Nights, no’ng in-interview po ako no’n kung nagselos po siya...trivia po sa inyong lahat, nasa akin na po’ yong script, si Jerald, kasama ko po siya pag nagbabasa at nag-aaral ako ng script. 

“So, he knows. Kasi mataas po ang respeto ko sa kanya as an actor...since senior po siya as an actor sa theater...maski naman sa edad. Kumbaga, mas nauna siya sa akin, so I respect his artistry so every script that I get sa kahit anong role—big or small—he helps me with it. So, he knows, he knows everything. Kahit ’yong mga bed scene namin ni Kit [Thompson], he knows.” about it.

Ang rom-com din na Momol Nights, which was a digital film for ABS-CBN’s iWant, ay nauna lang nang kaunti sa Jowable.

Mukang matatag naman ang relasyon ng dalawa and it might be refreshing to see their tandem on the big screen. At mangyayari na ito sa Jowable, ang launching movie ni Kim na hango sa viral short film-turned-bestselling book of the same title.

Jowable, which is the first full length movie of writer-director Darryl Yap of VinCentiments, will be in theaters September 25.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

HIGHLIGHTS: Viral video series Jowable gets its own book

EXCLUSIVE!!! Darryl Yap: “That’s why we became a hit. Because the public is full of angst.”

Darryl Yap: "If they think I'm bastos, then so be it."

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.