Jeremy Jauncey chose Amanpulo as his backdrop in proposing to Pia Wurtzbach

Jeremy Jauncey’s Amanpulo proposal to Pia Wurtzbach seemed a whole day. First, he surprised her with romantic lunch atop a hill overlooking the seas. Pagkatapos ay dinala siya sa isang floating bar sa gitna ng dagat kung saan naganap ang actual na proposal; at nang gumabi na, dinala niya si Pia sa isang lantern-lit poolside garden for a romantic dinner sa saliw ng mga romantic songs na live na inaawit ng mga Amanpulo performers. 	Muy romantico pala itong si Mr. Jauncey.

Photos: @piawurzbach

Jeremy Jauncey’s Amanpulo proposal to Pia Wurtzbach seemed a whole day. First, he surprised her with romantic lunch atop a hill overlooking the seas. Pagkatapos ay dinala siya sa isang floating bar sa gitna ng dagat kung saan naganap ang actual na proposal; at nang gumabi na, dinala niya si Pia sa isang lantern-lit poolside garden for a romantic dinner sa saliw ng mga romantic songs na live na inaawit ng mga Amanpulo performers. Muy romantico pala itong si Mr. Jauncey.

Engaged na si Queen P or rather si Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach!

Ito ang pasabog na magandang balita ni Pia sa kanyang Instagram account ngayong araw na ito, May 6.

Nag-propose na kay Pia ang kanyang boyfriend of two years, ang Scottish businessman na si Jeremy Jauncey habang nasa Amanpulo sila.  

At base sa mga Instagram Stories ni Jeremy, mukang matagal niyang plinano, kasabwat ang mga taga-Amanpulo, ang kanyang pagpo-propose dahil it’s a seemed like a whole day affair.

Una ay nagpa-romantic lunch muna si Jeremy atop a cliff overlooking the ocean.

At sabi nga ni Pia sa kanya namang IG Story: “We’ve been celebrating for a month straight but this guy doesn’t run out of surprises!”

Wala siyang idea na sa hapon ay may espesyal na magaganap. Una ay dinala muna ni Jeremy si Pia sa isang floating bar sa gitna ng dagat.

At aniya sa isa niyang IG Story: “This must be the world’s most romantic bar.”

Ani Pia, matagal ng tagahanga ng Palawan si Jeremy. Ayon sa kanyang IG story post, “Very early on in our relationship he already mentioned that the best sunset he’s seen in his whole life of traveling was in Palawan. Ganda ng Pilipinas talaga. Kinilig ako.”

Unknown to her, magiging napaka-espesyal na bahagi pala ng buhay niya ang Palawan—ang Amanpulo specifically.

Base sa IG Reel na ipinost nila sa respective Instagram feed nila, makikitang lumabas from somewhere si Jeremy na may dalang bouquet of flowers na tila ikinagulat ni Pia. Doon ay mababasa na sa mukha ni Pia na naghihinala siyang may panibagong paandar si Jeremy. Maaring hindi lang niya inakalang proposal na pala iyon.

Hindi na nila ipinakita ang actual proposal na ginawa ni Jeremy, dahil sa IG Reel ay makikita nalang na mugto na ang mata ni Pia. Pagkatapo ay buong pagmamalaking ipinakita ang kanyang engagement ring na may napaka-laking bato ng diamond.

Literal na nalasing sa kaligayahan si Pia at ang naka-aaliw niyang mga actuations nang naging lamang ng sunod-sunod na IG stories. Naroong mag-lip synch ito na Maya Maya ay sinamahan na ng sayaw.

Aliw na aliw rin si Jeremy na ishinare sa kanyang IG Stories ang happy mood ni Pia. Ang caption pa nga niya sa IG Story niya habang sumasayaw si Pia ay: “Our kids are going to be a nightmare @piawurtzbach.”

Hindi pa nagtapos doon ang lahat dahil Jeremy capped the night via a romantic poolside dinner. Dinala muna niya sa isang garden area si Pia na ang pathways ay peppered with lanterns leading to a poolside garden na punong-puno rin ng romantic pa-ilaw.

Habang papalapit na sa dinner venue si Pia ay maririnig na ang himig ng romantic song na Simply Jessie na inaawit ng mga Amanpulo performers. Marahil ay may special meaning ang kantang ito a kanila lalo pa’y may bahagi itong nagsasaad na: “You’re the question no one’s answered, til now.”

Sa huli, pinasalamatan ni Jeremy ang matulaing isla sa pakikisa sa kanyang layunin ng araw na iyon.

“Amanpulo I will be forever grateful for making may dreams for this possible,” ani Jeremy sa isa niyang IG Story.

Siyempre pa, agad na binaha ng congratulatory messages ang dalawa, lalo na mula sa mga kapwa beauty queens at celebrities ni Pia.

Nangunguna sa pagbati ang kapwa niya Miss Universe na si Catriona Gray na nag-comment na” “Omg congrats P!!!”

Gayundin sina Charlene Gonzalez, Kylie Verzosa, Megan Young, Ivana Alawi, Sarah Lahbati, Bianca Gonzalez, Solenn Heussaff, Pauleen Luna, Denise Laurel, Bela Padilla at marami pang-iba.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

After months of speculation, Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey officially confirm their relationship

LOOK: Wanderlust couple Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey travels the world despite the pandemic

Pia Wurtzbach and her boyfriend Jeremy Jauncey, nagliliwaliw sa Dubai

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.