Hindi makapaniwala si Jessy Mendiola na meron na siyang one million subscribers sa kanyang YouTube Channel.
Ibinahagi ni Jessy sa Instagram ang bouquet of flowers na ibinigay sa kanya ng asawang si Luis Manzano. Kasama ng mga pulang rosas ang isang congratulatory card na nagsasaad na: “Congrats on 1M howhow, you worked hard for that and deserved it. to 1M and more subs. love you.”
Kasalukuyang nagbabakasyon sa Dubai ang mag-asawang Jessy at Luis nang pumalo sa 1M ang YouTube subscribers ni Jessy.
Kaya naman doble ang nararamdamang kaligayahan ni Jessy dahil bukod doon ay halos nasabay pa ito sa isang memorable event ng buhay niya, ang muling pagkikita nila ng kanyang Lebanese dad na si Roger Tawile sa Dubai pagkatapos ng mahigit dalawang taon.
Pero sa caption niya sa kanyang Instagram post, naka-pokus ang mensahe niya sa asawang si Luis na todong pinasasalamatan niya sa matinding supporta nito sa kanyang vlogging journey.
“Thank you so much, my howhow! I wasn’t expecting this,” patukoy niya muna sa pa-buklaklak ng asawa. “Thank you for your support and patience, my love. Ikaw talaga ang videographer/photographer ko. You always push me and motivate me especially when I’m about to give-up. Thank you, thank you, thank you. I love you.”
Inamin din ni Jessy sa kanyang mga followers na ang kanyang pagiging YouTuber ang isa sa nakatulong sa para mag-heal siya sa kanyang mga umano ay “past heartaches.”
Taong 2019 nang magsimula siya sa kanyang pagba-vlog at kapansin-pansin nga na simula noon ay tila nag-iba ang mindset niya. Nakatulong nga raw ang pagba-vlog sa nararamdaman niyang depression noon.
Isa rin kasi si Jessy sa madalas na naba-bash noong araw. Tipong konting kibot ay puputaktihin na agad ito ng mga netizens na maraming extra time mambatikos.
Sabi pa rin ni Jessy sa kanyang caption kasabay ng pasasalamat sa lahat ng tumatangkilik ng kanyang vlog; “And of course, sa lahat ng subscribers ko! I’m so grateful for the support you have given me. Since day 1, andyan kayo at hindi niyo ako binitawan.
“Honestly, itong Youtube channel ko ang tumulong sakin magheal sa mga past heartaches ko. Through my content and vlogs, natuto akong ipakita ang totoong Jessy. Ngayon na dumadami na tayo, ibig sabihin minamahal niyo ang totoong ako. Hinding hindi ako magsasawa pasayahin kayo at ipakita ang buhay ko sa inyo. Maraming salamat sa pagmamahal.”
Nagpasalamat din si Jessy sa kanyang team. Ang mga tao sa likod ng paggawa niya ng bawat content na kanyang ina-upload.
“Sa team ko, mahal ko kayo,” pahabol niya. “Andyan kayo para sakin kahit pa minsan ayaw ko na, palagi niyong pinapaalala sakin na lumaban lang at ipakita ang totoong ako. Kayo ag nagturo sakin na wala sa bilis ng views or subs yan kundi sa kung anong content ang nagpapasaya sakin at kung anong maluwag sa puso ko. Hindi ko akalain na magtutuloy- tuloy tayo. Mahal ko kayo, you know who you are.
“Happy 1M subs satin! I will never get tired of producing content/ideas na totoo, masaya at galing sa puso.”
YOU MAY ALSO LIKE:
Jessy Mendiola, nagdesisyong maghinay-hinay sa pagpapa-sexy kahit hindi pinipigilan ni Luis Manzano
Luis Manzano and Jessy Mendiola are now husband and wife
First ever kiss nina Jessy Mendiola at Luis Manzano, taranta ang naging dahilan
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber