Jessy Mendiola, “Kuyang manyak” ang tawag dati kay Luis Manzano

“Sino ba ang mag-aakala na ang tawag n’ya sa akin dati ‘Kuyang manyak’? Kita mo kami [ang nagkatuluyan],” saad ni Luis Manzano tungkol sa asawang si Jessy Mendiola

PHOTO: @senorita_jessy on Instagram

“Sino ba ang mag-aakala na ang tawag n’ya sa akin dati ‘Kuyang manyak’? Kita mo kami [ang nagkatuluyan],” saad ni Luis Manzano tungkol sa asawang si Jessy Mendiola

May nakakatawang bansag pala ang aktres na si Jessy Mendiola dati sa mister n’yang si Luis Manzano.

Nabuko ito sa July 4 YouTube vlog entry ni Luis kung saan muling naging guest ang PieDu couple na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache

Doon ay natanong ni Luis ang kanyang Daddy Edu at Tita Pie kung sa tingin ba nila ay destiny ang muling pagtatagpo ng mga puso nila bilang nagkaroon na sila ng romantic connection in the past.

“I think, ’no?” sagot ni Cherry Pie. 

“Without a doubt, somewhere down the road, oo, magkikita na naman tayo,” pagsang-ayon naman ni Edu. 

Komento ni Luis sa sagot ng dalawa, “Ang galing, ’no? Ang tinadhana ay talagang mangyayari. P’wedeng pigilan panandalian, p’wede pigilan pansamantala. Pero kung kayo talaga ang itinakda, kung kayo talaga ang itinadhana para sa isa’t isa…

Sa puntong ito na rin n’ya na-open ang tungkol sa bansag ng misis n’yang si Jessy sa kanya noon. 

Sino ba ang mag-aakala na ang tawag n’ya sa akin dati ‘Kuyang manyak’? Kita mo kami [ang nagkatuluyan]. Totoo…” pagtatapat n’ya.

Natatawang tanong tuloy ni Cherry Pie sa kanila, “Talaga?” 

Totoo ’yon, Tita Pie,” natatawa ring pag-amin ni Jessy.  

Tingin n’ya sa akin kuyang manyak,” muling sumbong pa ni Luis. 

Paliwanag naman ng aktres, malapit daw kasi noon si Luis sa maraming babae kaya manyak ang tingin n’ya dito before. 

Kaya ako selosa. Kaya ako selosa nu’ng first two years namin kasi ito [si Luis] smooth talker, ang daming kaibigan na mga babae. ’Yong very ano… out there. So, parang ako ’yong ‘Ang manyak naman nito…’” esplika ni Jessy. 

Natatawang protesta ni Luis, “Teka lang. Hindi naman porket maraming kaibigan na babae… Kung lumalakad ako [sabay nilabas-labas ang dila]. Gumaganu’n ako?

Ganyan ka minsan. Ganyan ka minsan sa ASAP [Natin ’To],” pambubuko pa ni Jessy sa kanyang mister. 

Palabiro lang ako sa mga binibini,” palusot naman ni Luis. 

Hirit naman ni Cherry Pie sa usapan ng dalawa, “Ganu’n sila [ng daddy n’ya].”

Pinagmamalaki kong namana n’ya sa akin… [ginaya ang paglabas-labas ng dila ni Luis]. Proud na proud ako,” sakay ni Edu na ikinatawa nilang lahat.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Luis Manzano and Jessy Mendiola are now husband and wife

Derrick Monasterio gustong makatambal sa isang “wilder at mas daring” na project ang long-time secret crush na si Jessy Mendiola

Luis Manzano, binulgar na nag-break sila ni Jessy Mendiola noong nag-ECQ last year

Vilma Santos, binalikan ang k’wento kung bakit Lucky ang naging palayaw ng anak na si Luis Manzano

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.