Jessy Mendiola, nagdesisyong maghinay-hinay sa pagpapa-sexy kahit hindi pinipigilan ni Luis Manzano

Ani Jessy Mendiola, graduate na siya sa pagpapa-sexy at daring scenes lalo pa’t aim niyang magka-baby na. “Hindi naman sa nag-iinarte but it’s more of like nagawa ko na s’ya since I was 16,” lahad ng aktres sa kanyang vlog.

PHOTOS: @senorita_jessy on Instagram

Ani Jessy Mendiola, graduate na siya sa pagpapa-sexy at daring scenes lalo pa’t aim niyang magka-baby na. “Hindi naman sa nag-iinarte but it’s more of like nagawa ko na s’ya since I was 16,” lahad ng aktres sa kanyang vlog.

Sariling desisyon daw ng aktres na si Jessy Mendiola na maghinay-hinay na sa pagpapa-sexy kahit hindi naman s’ya pinipigilan ng mister n’yang si Luis Manzano.

Ito ang inilahad ng actress-vlogger sa latest vlog n’ya with her husband na in-upload sa YouTube channel n’ya kagabi, September 16.

Sa nasabing vlog ay sinagot ng celebrity couple ang mga assumptions ng netizens tungkol sa kanilang relasyon at isa nga doon ay tungkol sa pagbabago ng image niya Jessy now that she is a married woman. 

Magtsi-change image ako? Hindi,” panimula ng aktres sa kanyang vlog. “Actually, dati pa naman ako nag-stop gumawa ng mga love scenes, kissing scenes. Parang I feel uncomfortable na.

Sinimulan daw n’ya ang effort na mag-tame onscreen noon pang 2019, habang ginagawa ang Kapamilya afternoon series na Sandugo.

’Yong huling soap [opera] na ginawa ko, ’yong Sandugo, I talked to Direk Eric [Salud], ’yong BUH [Business Unit Head] ng show na ’yon,” pagre-recall ni Jessy.

Sabi ko sa kanya, ‘Direk, I would rather go all-out na kontrabida, ’yong mang-aapi, ’yong sobrang sama, ’yong may ulterior motive but please pass na ako sa kissing scenes, sa love scenes.’”

Pakiramdam daw n’ya kasi ay graduate na s’ya doon at hindi lalo umanong hindi na ito akma sa kanya ngayon.

Hindi naman sa nag-iinarte but it’s more of like nagawa ko na s’ya since I was 16,” lahad ng aktres.

’Yong 16, hindi naman kissing scenes and love scenes pero ’yong nagpapa-sexy na ’yong naka-kamison umaangat sa… I feel like it’s not appropriate para sa akin anymore. S’yempre, I feel like I want to have a baby na.

Singit-paliwanag naman ng mister n’yang si Luis, “But hindi ko s’ya pinipigilan [magpa-sexy sa TV or movie project].”

Oo, hindi n’ya ako pinipigilan,” salo ni Jessy sa sinabi ng kanyang asawa. “Sa lahat ng nagtatanong or nag-a-assume na si Luis ang nagsa-stop sa akin, no. It’s more of me. It’s a decision I made a few years ago. And so far so good naman.

Paglilinaw n’ya, hindi naman daw n’ya totally na isinara ang pinto para dito. 

Hindi naman ibig sabihin na hindi na magpapa-sexy hindi na magbi-bikini o hindi na magsu-swimsuit, hindi na magpapakita ng skin...But also, at the same time, you know, ’yong napagdaanan ko na,” saad n’ya.

Nagbigay na, ngayon palang, ng blessing si Luis sa kanyang misis kung sakaling may dumating na project at kakailangan nitong magpakita ng skin para doon. 

Sabi ko naman sa kanya, e, if it’s really a good opportunity… Kunwari lang naman. Let’s say it’s a big project o kaya international project na kailangan n’ya magpa-sexy, may bed scene, may kissing scene, ’di ba? Ako…go,” pahayag ni Luis. 

Dagdag-biro pa n’ya sa kanyang misis, “Kung ako kailangan na may bed scene kami ni Tom Cruise o ni Brad Pitt gagawin ko rin naman. Totoo ’yon.’ Di ba?

Sakay naman ni Jessy sa sinabi ni Luis, “Si Henry [Cavill] na lang. Super crush ko ’yon, as in.”

(Henry Cavill is the Sherlock Holmes in the movie, Enola Holmes.)

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Luis Manzano and Jessy Mendiola are now husband and wife

First ever kiss nina Jessy Mendiola at Luis Manzano, taranta ang naging dahilan

Luis Manzano, binulgar na nag-break sila ni Jessy Mendiola noong nag-ECQ last year

Luis Manzano and Jessy Mendiola are now husband and wife

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.