Malumanay na pinagpaliwanagan ng aktres and first-time mommy na si Jessy Mendiola ang ilang netizens na tila hindi na makapaghintay na masilayan ang baby nila ni Luis Manzano.
Nangyari ito sa kanyang latest Instagram post kung saan ipinasilip n’ya sa publiko ang bahagi ng mukha ni Baby Isabella Rose or Rosie. Tanging mata lang ng sanggol ang makikita dito.
“Mama & Papa love you so much, our little Rosie. [Rose emoji],” maikling mensahe ni Jessy sa anak sa inilagay niyang caption.
S’yempre, happy ang kanyang fans at mga kasamahan sa showbiz sa pa-blessing ni Jessy sa na ito sa kani-kanilang mga IG feeds. May mga humuhula pang baka kamukha umano ito ng lolang si Vilma Santos.
Kabilang sa mga nag-mensahe kay Jessy ay ang husband n’yang si Luis at father-in-law niyang si Edu Manzano, na pinangakuan pa niya ng: “see you soon.”
However, meron din namang mga netizens na nagpahayag na hindi sila kuntento sa pa-konti-konting face reveal na ito ni Jessy. Mata nga lang kasi ang kita sa photo na ipinost niya. The last time naman ay daliri at tenga lamang.
May tahasan pang nagpahayag ng hinala kung may deperensya ba ang mukha ng baby nila at ayaw nila itong ipakita.
“Bkit d nyo pakita ung buong face nya my something ba? Tanong lng po,” walang pasintabing komento ng isang netizen.
Mahinahon naman itong sinagot ng aktres at sinabing, “[W]ala naman po, we just want to enjoy our little world with our baby. [Red heart emoji] soon, just let us savor the moment muna.”
Request din ng isang pa nilang IG follower, “Pakita nyo na face ipapakita nyo din nmn po soon [Face with open mouth emoji].”
“[J]ust wait. [Red heart emoji],” sagot sa kanya ni Jessy.
Samantala, isa namang fan ang nagbigay ng unsolicited advice sa bagong celebrity mom at pinayuhan s’ya nitong huwag na munang magpakita ng anuman sa publiko na may kinalaman sa kanilang anak kung hindi pa sila ready. Hindi naman daw kasi nila masisisi ang mga fans na gusto ring makita ang kanilang Baby No. 1 na lalong naiinip dahil sa kanilang mga patikim.
“Kong hindi pa kayo ready para ipakita sa public si baby or kong gusto nyo pang eenjoy sya hwag muna kayong mag post ng about her, syempre excited ang mga fans at followers nyo. Just saying! Sending Love to the precious one. From New Jersey,” saad ng tagahanga ni Jessy.
Reply naman niya sa comment nito, “[T]his is my account, i’ll post whatever i want to post here. [White smiling face emoji].”
Hindi ito ang unang beses na umiral ang pagiging protective ng mag-asawang Jessy at Luis sa anak nilang si Baby Rosie.
Matatandaang few days ago lang ay sinupalpal ni Luis ang ilang netizens na pinangungunahan ang desisyon nila ni Jessy at nagde-demand na makita ang anak nila na kakasilang pa lang.
YOU MAY ALSO LIKE:
Jessy Mendiola, “Kuyang manyak” ang tawag dati kay Luis Manzano
Pika's Pick: Luis Manzano and Jessy Mendiola welcome first Baby Isabella Rose
Couple Luis Manzano and Jessy Mendiola transfer to a new buntis-friendly home
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/