Jessy, muntik nang hindi kayanin ang cyberbullying

PHOTOS: Anna Pingol

PHOTOS: Anna Pingol

Hindi inasahan ng mga movie press and bloggers na um-attend ng media conference ng pelikula niyang The Girl in the Orange Dress na mapapaiyak si Jessy Mendiola sa simula palang ng pagtitipon.

 

Pinag-kwento lang siya kung ano ang pakiramdam niya sa first team-up nila ni Jericho Rosales at sinabi niyang blessing para sa kanya ang pagdating ng project na ito dahil it came during the time na ready na siyang iwanan ang showbiz dahil sa dinaranas na constant cyberbullying for the last two years.

 

Masyado na raw nagiging negative ang buhay para sa kanya kaya naging option na niyang talikuran ito at bumalik nalang sa pag-aaral o kaya’y maghanap ng ibang magagawa.

 

“Feeling ko kasi hindi para sa akin [ang showbiz],” esplika ni Jessy.

 

Naikonsulta na raw niya ang tungkol dito sa boyfriend niyang si Luis Manzano na suportado naman daw ang desisyon niya. Hanggang sa dumating nga ang offer na mag-bida sa The Girl in the Orange Dress.

 

Bukod daw sa maganda ang project, it brought many firsts in her life: first movie lead role, first time to work with Jericho, and first Metro Manila Film Festival experience. Isa kasi ang pelikula niya sa eight official entries sa MMFF this year.

 

Hindi rin daw matatawaran ang suporta sa kanya ni Jericho at ang fact na ipinaglaban siya ng producer ng pelikula na si Atty. Joji Alonzo kahit pa sa simula palang ay marami nang kumontra na siya ang kuhaning bida.

 

Dahil daw sa The Girl in the Orange Dress, bumalik ang passion ni Jessy sa pag-arte at natulungan din siyang mas magpaka-positive nalang. Hindi pa rin tinitigilan si Jessy ng mga bashers niya sa social media pero nagpo-pokus nalang daw siya sa mga blessings niya instead na magpa-apekto sa mga ito.

 

Here’s Jessy’s statement:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.