Isa daw sa mga pangarap noon ng Kapuso actress na si Jillian Ward ang maging doktor na somehow ay natupad naman n’ya ngayon.
Gaganap kasi s’ya bilang young surgeon sa kanyang upcoming teleserye na Abot-Kamay na Pangarap.
Kuwento n’ya sa entertainment press during the virtual media conference para sa nasabing drama series noong August 31, oo nga’t pinangarap daw n’ya na maging doktor before pero na-realize n’ya umano ngayon na sobrang hirap pala ng propesyong ito.
“Naaalala ko po, mga five [years old] po yata ako, tinatanong po nila anong gusto ko maging. Sinasabi ko daw po doktor, at saka po artista, at saka singer po talaga. Ayon po, tatlo,” lahad ng dating child star sa press people via Zoom.
“Pero sa ngayon po, dahil sa character kong ito, masasabi ko pong napakahirap maging doktor. Ito po, role pa lang, ang hirap na po mag-memorize [ng mga medical terms]. What more ’yong mga nasa medical field po talaga,” saad pa n’ya.
Ganu’n pa man, masaya at nagpapasalamat daw s’ya na nabigyan s’ya ng pagkakataon na bumida sa isang teleserye na related sa medicine.
“Una po sa lahat, super challenging po talaga ng role na binigay sa akin and sobrang saya ko po sa mga makaka-work ko po ngayon na puro veteran actors. Lahat po magagaling. Sobrang saya ko po ngayon dahil binigyan po ako ng ganitong opportunity po ng GMA. Sana po talaga magustuhan ng mga tao,” sey ni Jillian.
Inamin n’ya rin na kabado s’ya sa seryeng ito dahil madalas mag-viral online ang mga video clips sa emergency room ng ilang medical drama series dahil sa mga maling ginagawa ng mga aktor sa eksena.
“Sa totoo lang po, kinakabahan po ako. Dahil nga po, tulad ng sabi ni Direk LA [Madridejos], kapag po medical shows palagi pong napupuna,” she confessed.
“Minsan po ako na mismo ang nagsasabi, ‘Tama ba po ba ito?’ Ganyan, ganyan… Pinapaulit-ulit ko… So may kaba po pero super grateful po ako kaya super excited po ako.”
Nanood din daw s’ya ng medical drama shows at nag-immerse na rin sa isang ospital para maging tama ang kanyang pagganap bilang medical practitioner.
“Nanood po ako ng first season ng The Good Doctor at saka nag-immersion din po kami. Tinour po kami sa isang hospital and nanood din po kami ng brain surgery…live! Kami po ni Sir Richard [Yap] and production staff po,” pagbibida ni Jillian.
S’yempre, nadadagdagan daw nang husto ang kaalaman n’ya pag dating sa medisina.
“Sobrang dami ko pong mini-memorize ngayon na mga medical terms na kahit natutulog po ako, pag gising ko naaalala ko pa rin po s’ya kahit ilang days ago ko na po binasa,” natatawang lahad pa n’ya.
Masasabi nga raw ng aktres na ito na ang pinakamahirap na role na ginampanan n’ya so far.
“Sobrang dami pong mini-memorize… Kailangan po memorized na memorized po talaga ang mga gamot, ang mga medical terms. Tapos po, may emotions pa [ang delivery ng linya], may blockings pa. Mahirap din po talaga kasi kailangan accurate din po talaga, e,” paliwanag n’ya.
Maliban kay Richard Yap, kasama rin ni Jillian sa Kapuso drama series na ito sina Carmina Villarroel, Dominic Ochoa, Dexter Doria, Wilma Doesnt, Chuckie Dreyfus, Pinky Amador, Andre Paras, and more.
Mapapanood ang Abot-Kamay na Pangarap simula ngayong September 5 sa GMA Afternoon Prime.
YOU MAY ALSO LIKE:
EXCLUSIVE: Jillian Ward answers Random Questions from Pikapika!
Pika’s Pick: Jillian Ward is a proud owner of a BMW at 16
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber