JM de Guzman, patuloy na bumabawi sa sarili at sa ibang tao matapos ang "self-destructive" phase niya dala ng pagkabigo sa pag-ibig

Na-realize daw ni JM de Guzman na mali na ang mga ginagawa n’yang pagse-self-destruct dahil maraming opportunities na ang nasasayang dahil sa kanyang kapabayaan. “Nu’ng dumating na ’yong mga consequences, nu’ng hindi na ako nabibigyan ng work… Na-rehabilitate ako...Natanggal lahat ng privileges ko...Doon ko na-realize ’yong simpleng bagay ba na kailangan kong i-appreciate. What more ’yong mga blessings pa na maraming nagki-crave doon na sinasayang ko lang.”

PHOTOS: Melo Balingit/Anna Pingol & Viva

Na-realize daw ni JM de Guzman na mali na ang mga ginagawa n’yang pagse-self-destruct dahil maraming opportunities na ang nasasayang dahil sa kanyang kapabayaan. “Nu’ng dumating na ’yong mga consequences, nu’ng hindi na ako nabibigyan ng work… Na-rehabilitate ako...Natanggal lahat ng privileges ko...Doon ko na-realize ’yong simpleng bagay ba na kailangan kong i-appreciate. What more ’yong mga blessings pa na maraming nagki-crave doon na sinasayang ko lang.”

Sa aktor na si JM de Guzman na mismo nanggaling na nahirapan at nalugmok s’ya noon dahil sa pagkasawi sa pag-ibig.

Kaya naman bumabawi daw s’ya ngayon sa kanyang sarili at sa kanyang career matapos ang mga hindi magandang pangyayari sa kanyang buhay dahil doon.

Inilahad n’ya ’yan sa media conference nila recently for their upcoming romantic comedy film na Adik Sa’Yo.

Dahil gumaganap bilang isang recovering drug addict sa pelikula ang aktor ay natanong s’ya ng entertainment press kung ano ang pinaka-matinding nagawa n’ya dahil sa pagka-adik sa pag-ibig. 

Dito na nag-open up si JM at inamin na talagang nabaliw s’ya noon sa pag-ibig. 

Opo, talagang nabuang ako, nabuang ako sa pag-ibig. Basta, bata pa po ako nu’n,” panimulang lahad n’ya. 

Umabot na daw kasi s’ya sa puntong gusto na n’yang pakasalan ang kanyang naka-relasyon na ayaw n’yang pangalanan pero nauwi din sila sa hiwalayan. 

Alam n’yo ’yong tipong parang nasa level ka na ng, ‘Shet. Eto na ’yong gusto kong pakasalan. Eto na ’yong gusto kong makasama habambuhay. Eto na ’yong gusto kong mahalin araw-araw.’ Tapos biglang mawawala?,” patuloy na pagbabahagi ng aktor.

Mula nu’n ay parang nawalan daw s’ya ng direksyon sa buhay. 

Masakit....Masakit...sobra. Tapos parang hindi mo alam kung saan mo ibabaling ang pagmamahal na dapat sa kanya,” pagbabalik-tanaw pa ni JM.

Dahil sa pagka-lugmok, dumating daw siya sa puntong sinasaktan at sinisira n’ya ang kanyang sarili. 

Sa sobrang sakit, nagse-self-destruct ako. ’Yon ’yong nagiging tendencies ko bilang isang lover. I tend to hurt myself, to destroy myself, to destroy my career. Lahat ng maabot ng kamay ko sisirain ko, sasaktan ko,” pagtatapat n’ya sa press. 

Pero agad na paglilinaw n’ya: “Hindi ako nananakit ng ibang tao, sarili ko lang. I mean, lahat ng maabot ng kamay ko sa career ko, sisirain ko. Umabot ako sa point na ganu’n.

Matagal din umano s’yang nawala sa sirkulasyon bago n’ya naisip na muling ibangon ang kanyang sarili. 

Na-realize daw kasi n’ya na mali na ang mga ginagawa n’ya at maraming opportunities na ang nasasayang dahil sa kanyang kapabayaan.

Nu’ng dumating na ’yong mga consequences, nu’ng hindi na ako nabibigyan ng work… Na-rehabilitate ako… Natanggal lahat ng privileges ko, ’yong mga simpleng cellphone, for ilang years wala ako n’yan. TV, newspaper, wala ako n’yan for four years,” he continued. 

Doon ko na-realize ’yong simpleng bagay ba na kailangan kong i-appreciate. What more ’yong mga blessings pa na maraming nagki-crave doon na sinasayang ko lang.

Natanong din s’ya kung meron ba s’yang pagsisisi sa mga nangyari. 

Oo naman po, malaking-malaking regrets,” pag-amin n’ya.

Ganu’n pa man, hindi naman daw dapat mahinto na lang sa regrets ang lahat. Dapat din umanong bumawi kapag nabibigyan ng chance. 

S’yempre, hanggang nabibigyan ng pagkakataon bawi lang po nang bawi,” pagtatapos ni JM.

Isa nga sa pagkakataon na ’yon ay ang pagbibida n’ya sa pelikulang Adik Sa’Yo kung saan katambal n’ya ang beauty queen-turned-actress na si Cindy Miranda

Mapapanood ang romantic comedy movie’ng Adik Sa’Yo simula April 19 sa mga sinehan nationwide.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

New Year message ni JM de Guzman sarili: "I’m proud of you. Mahirap man tinahak natin, nakatayo ka pa din."

Pika's Pick: JM de Guzman attributes two months of panic/anxiety-free life to his lifestyle change

Five-year single na si JM de Guzman, gusto nang magka-relasyon pero takot pa ring magmahal

Cindy Miranda, naging emotional nang sariwain ang minsang pagka-adik niya sa pag-ibig sa isang lalaking ipinagpalit naman siya sa iba

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.