Joem Bascon, excited makatrabahong muli si Iza Calzado

PHOTOS: @basconetti on IG

PHOTOS: @basconetti on IG

Pumirma si Joem Bascon ng kontrata upang officially ay maging bahagi ng cast ng period film na Culion, na k’wento ng mga taong may sakit na leprosy noong 1940s at nakalagak sa isla ng Culion sa Palawan na ginawang leprosarium noong araw.

Ang Culion isinulat ng multi-awarded screenwriter na si Ricky Lee at ididirek ng Urian awardee na si Alvin Yapan (Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, 2011)

.Ito ang pinakabagong proyekto ni Joem mula nang siya ay magwagi bilang Best Supporting Actor sa FAMAS Awards para sa Double Twisting, Double Back (2018), kung saan gumanap siya bilang isang sleazy sex addict, na inilarawan niya na pinakamahirap na role na kanyang nagampanan. 

At dahil dito, thankful si Joem na na-recognize ng FAMAS ang pag-arte niya sa nasabing pelikula. 

“Winning an award is a validation of your good work and I am very happy that I was recognized,” pahayag ni Joem. “It’s hard to explain the feeling but it feels good inside. I always give my best in every role that I do and to be recognized for it is a pat on the back. It’s exciting and fulfilling.”

At ngayon nga, muling nagpapasalamt ang aktor dahil isa na namang magandang proyekto ang dumating sa karera niya, ang Culion, na after daw niyang mabasa ang script ay agad siyang nakadama ng excitement at kaba. “Kakaiba ang role and very challenging rin,” pahayag ni Joem.

Dagdag niya: “May ganitong k’wento pala about our history na hindi natin alam. Pero maganda na maibahagi ang kwento para mawala na ang stigma tungkol sa sakit at para makita ng audience na di tayo dapat mawalan ng pag-asa magkaroon man tayo ng ganitong sakit.”

Reunion movie ni Joem with Iza Calzado ang Culion. Una niyang nakatrabaho si Iza sa pelikulang Batanes in 2007. Baguhan pang actor si Joem that time at baptism of fire niya ang Batanes.

“I was in awe with Iza noon at excited ako na muli siyang makatrabaho sa pelikula,” nakangiting sabi ni Joem. “It’s been 12 years since nagkatrabaho kami. Marami nang nagbago kaya nakaka-excite to work with her.”

Bukod kina Joem at Iza, kasama rin sa pelikula—na magsisimula nang mag-shooting sa Culion sa July—sina Meryll Soriano at Jasmine Curtis-Smith

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Cinema One celebrates 25 years by adding more restored classics to their offering

Eddie Garcia and Nadine Lustre are Gawad Urian’s best actor/best actress this year!

Sino kaya among Dingdong, Derek, Jericho, and Gerald ang makaka-May-December affair ni Cherie Gil sa pelikula?

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.