Joey de Leon, naniniwalang "powerful" si Toni Gonzaga dahil sa hindi nito pagpatol sa bashers

During the My Teacher media conference, Joey de Leon did not mince words when he admitted that he took offense with Toni Gonzaga leaving Eat Bulaga in favor of ABS-CBN several yaers back. “Galit ako noong araw sa kanya nu'ng nilayasan kami," natatawa pero direkatang saad ni Joey. "Nagtampo ako talaga. Pero nu'ng nalaman ko na ang napangasawa ay si Paul [Soriano], ah, okey na. Nagtampo talaga ako dahil baby namin ito, e."

Photos: Instagram

During the My Teacher media conference, Joey de Leon did not mince words when he admitted that he took offense with Toni Gonzaga leaving Eat Bulaga in favor of ABS-CBN several yaers back. “Galit ako noong araw sa kanya nu'ng nilayasan kami," natatawa pero direkatang saad ni Joey. "Nagtampo ako talaga. Pero nu'ng nalaman ko na ang napangasawa ay si Paul [Soriano], ah, okey na. Nagtampo talaga ako dahil baby namin ito, e."

Diretsong inamin ng comedy icon na si Joey de Leon sa press, kaharap si Toni Gonzaga na nagtampo takaga siya dito noon nang lumipat ito sa ABS-CBN mula Eat Bulaga. Baby raw kasi nila sa set ang noo'y bata pang si Toni.

Ikinuwento ito ng Eat Bulaga host during the grand mediacon ng MMFF (Metro Manila Film Festival) 2022 entry na My Teacher ng Ten17 Productions at TinCan Production.

“Galit ako noong araw sa kanya nu'ng nilayasan kami," natatawa pero direkatang saad ni Joey. "Nagtampo ako talaga. Pero nu'ng nalaman ko na ang napangasawa ay si Paul [Soriano], ah, okey na. Nagtampo talaga ako dahil baby namin ito e.

Napa-kwento pa si Joey—na kilala rin sa tawag na JDL—ng mga escapades nila noon to prove kung gaano sila kalapit noon sa isa't isa.

“Tangay-tangay namin sa Thailand 'to, hindi namin alam [bawal] bata kasama namin sa Patpong...alam n’yo naman sa Patpong, research n’yo na lang kung hindi ninyo alam."

Kilala kasing mahilig bumiyahe ang grupo ng Bulaga at isa sa nabisita nila noong nasa kanila pa si Toni ay ang Bangkok. Ang Patpong naman na sinasabi ni Joey ay ang kilalang red-light district doon. Hindi na idinetalye ni Joey kung ano ang mga naganap sa Patpong pero sa pagtatawanan nila ay halatang nag-enjoy sila doon.

Dahil sa mga pinagsamahang ganoon kaya daw kahit paano ay may kurot sa puso nila noong umalis ito. However, natuwa rin naman siya for Toni nang makita na niyang tama naman ang naging desisyon nito para sa sarili dahil umalagwa naman nag career nito sa ABS-CBN.

"Wala, e, baby namin ito kaya nu’ng nawala...selfish lang kami noon pero good for her at natutuwa kami sa nangyari at nakikita naman namin ‘to," pagra-rationalize niya.

"Masaya ako sa sinapit ni Celestine...buti napangasawa mo si Paul,” natatawang tukso pa niya kay Toni, addressing her by her real name.

May ambag din sa balik-tanaw si Celestine (Toni). Aniya, noong nagde-date pa sila ng asawa na niya ngayong si Direk Paul ay pumunta sila sa bahay ni Joey.

“Nagde-date pa lang kami ni Paul, tapos in-invite niya (JDL) kami, dinner naalala mo pa ‘'yun?” tanong nito kay Joey.

“Oo. Hindi ko makakalimutan ‘yun...'yung upuan ninyong dalawa, 'di ko pinatanggal, nag-renovate na kami, nandu’n pa rin. Nagpunta sa bahay ko 'yan birthday ko ‘yun,” saad ni JDL na lumabas ang pagka-sentimental.

“Yes, lumipat na ako noon [sa ABS-CBN] pero in-invite pa rin niya kami,” saad naman ni Toni na tila nanariwa ang pagka-touch sa gesture na iyon ng kilala ring Pinoy Henyo master.

Sa kabilang banda, nahingan ng reaksyon si Toni ukol sa nag-viral na statement ng asawa n'yang si Direk Paul na para umano dito, si Toni ang "probably most powerful celebrity today."

Sasagot na sana si Toni pero nag-presinta si Joey.

"Ako na sasagot doon, nabasa ko ‘yun...Mali naman kasi ‘yung mga bashers, e," direktang saad ng kilalang wala ring prenong TV host.

“Pinuputol kasi [ang statement]...ang ng sinasabi ni Paul du’n sa kabuuan, sabi niya, equally powerful 'yung mga tumitira rito kay Toni. E, hindi naman ito nagre-react, hindi natitinag. So, mas powerful 'to kasi ‘di niya pinapansin, e. 'Yun 'yon,” madiining pagka-klaro niya na tila in behalf of Paul.

Samantala, naniniwala si Joey de Leon na nakatakda silang mag-reunion in a big way ni Toni. And now that it happened through My Teacher, he feels nothing but joy.

"Kasabihan habang may buhay ay may possibility,  hindi pag-asa, possibility sa lahat ng bagay," mapilosopiyang saad niya. "Hindi ko inalis sa isip ko ‘yun na isang araw makaka-partner ko si Meryl Streep kunwari. 

“Lahat posible, e, lalo na ngayong nagkaroon ng pandemya worldwide, so, pantay-pantay lahat ang tao kahit anong bansa. So, lahat posible lalo na itong [reunion] kay Toni.

Samantala, ang pelikula nilang My Teacher ay kuwento ng isang may edad ng estudyante (played by Joey) at si Toni ang kanyang teacher.

Pero ang twist, pambibisto ng aktor, “Baka ako pa ang maging teacher niya about life in the movie, iyon ang gist do’n.”

Mapapanood na ang My Teacher sa December 25 bilang at nagpapasalamat ang TinCan at Ten17 Productions sa sponsors nilang Winford Manila Resort and Casino, Godfather Productions, Joed Serrano, at Hello Glow by Ever Billena.

Kasama rin sa cast sina Carmi Martin, Rufa Mae Quinto, Pauline Mendoza, Kych Minemoto, Isaiah dela Cruz, at ang real-life lovers na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.