Joey G. on why he left Side A: “Parang nabigay ko na lahat.”

(Right photo, L-R) Ice Seguerra, Juris Fernandez, Janine Teñoso, Jinky Vidal, Medz Marfil,  Jay Durias, and Joey Generoso.

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

(Right photo, L-R) Ice Seguerra, Juris Fernandez, Janine Teñoso, Jinky Vidal, Medz Marfil, Jay Durias, and Joey Generoso.

Mag-a-apat na taon na nang humiwalay si Joey Generoso—also known as Joey G.—sa banda niyang Side A, ang grupong namayagpag from mid-80’s to the 90s at nagpasikat ng mga kanta gaya ng “So Many Questions,” “Tuloy Pa Rin Ako,” at ang immortal na “Forevermore.”  

In fact, nag-celebrate na siya ng 30th year niya as a musician through a solo concert noong June 2018, ang Joey G Beyond 3 Decades of Music na ginawa sa The Theater at Solaire. 

Pero magpa-hanggang ngayon, kapag nakakaharap niya ang mga members of the press, ay hindi pa rin maiwasang matanong siya tungkol doon. Gaya nalang sa ginanap na press conference kamakailan para sa collaboration concert niya with some of the top OPM singers na Playlist The Best of OPM, naungkat na naman ang bagay na ’yon.

Tila marami pa rin ang hindi maka-move-on from that dahil na rin sa na-i-identify nalang ang lahat ng kanta ng Side A sa boses ni Joey bilang siya ang lead vocalist ng grupo.

Still. Joey G., the gentle giant that he is, tried politely explaining his side about the historic break-up na in-announce nila in public noong March 2015.

Ani Joey sa Playlist press conference: “Feeling ko wala na akong ibang ibibigay pa. Naka-ilang albums na rin kaming ginawa—parang ewan ko kung ilang albums. Hindi ko na mabilang kung naka-ilang shows na rin kami at nag-world tour na rin kami halos, e.

“Nag-Folk Arts kami no’ng buhay pa noong araw ’yong Folk Arts Theater noong ’90s, [nag-] PICC kami, [nag-] Araneta [Coliseum], ULTRA…Basta ’yon ’yong…nag-three big…major concert kami sa isang taon… so, parang alam mo ’yon? So, what’s next? Parang nabigay ko na lahat. So wala akong ibang mai-offer. So, itong solo career ngayon na nagso-solo ako, mas excited ako ngayon. Parang it’s another story for me. Parang gano’n.”

Meanwhile, ang Playlist The Best of OPM concert will happen March 1 at the Smart Araneta Coliseum. For tickets and inquiries, please visit www.ticketnet.com.ph

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.