John Arcilla, aminadong nagka-anxiety matapos umani ng mga threats mula sa mga viewers ng FPJ’s Ang Probinsyano

PHOTOS: @johnarcilla on Instagram

PHOTOS: @johnarcilla on Instagram

Inamin ng versatile actor na si John Arcilla na kinatakutan n’ya noon ang mga natatanggap na threats mula sa avid viewers ng action series na FPJ’s Ang Probinsyano, kung saan s’ya gumaganap bilang ang kontrabidang si Renato Hipolito.

Ito ng ibinahagi ng aktor sa virtual interview sa kanya ni Kapamilya reporter Miguel Dumaual na in-upload sa ABS-CBN News YouTube channel last June 8.

Maiintindihan naman kasi na talagang maiinis sa kontrabidang karakter n’ya ang mga viewers dahil sa husay n’ya sa pag-arte. Pero maging sa kanya daw mismo bilang John Arcilla ay nagagalit ang mga ito.
 
Ang gigil ng tao sa akin [ay] as John Arcilla not as Hipolito,” panimulang lahad n’ya sa online interview. “Pero you know what, from the beginning since 2017, marami na akong nare-receive na mga threat sa aking Messenger. Dini-dismiss ko lang. Bino-block ko kaagad. 

‘Yong minumura ako… ‘Demonyo ka! Papatayin kita pag nakita kita.’ ‘Yog sinasabi talaga na p***** i** mo! Papatayin kita pag nakita kita!’

At dito na n’ya inamin na kinatakutan din n’ya ang mga death threats dahil hindi daw n’ya alam kung ano ang gagawin o kung paano sasagutin ang mga ‘yon. 

Alam mo, natatakot din ako,” pag-amin ng mahusay na aktor. “Pa’no kung bigla na lang ako lumabas [tapos] bigla na lang may sumapak sa akin? Bumaril sa akin? Sumuntok sa akin? Alam mo ‘yong hindi ko ma-deal ‘yong sitwasyon na ‘yon na ang dami-dami.

Nagkaroon na lang daw s’ya ng ideya after mag-post ang co-actor n’yang si Michael de Mesa sa social media na nakatanggap din ng death threat mula sa kanilang viewers.

“Actually, naging anxiety ko ‘yon for a while pero wala akong sinabihan. Nabigla lang ako nu’ng nakita ko si Mike na naglabas nang ganu’n,” patuloy na paliwanag n’ya.

Sabi ko, ‘A, this is how you’re going to deal with it.’ Kasi gustong gusto ko na s’ya i-open, i-post para lang humingi ng tulong na, ‘Hey, look at this person. They’re actually trying to threaten me, that they’re going to kill me.’ Something like that. So, ang daming ganu’n. Baka naman lalo ma-aggravate lalo ang sitwasyon.

Imbes daw na maging masaya o maging proud sa kanyang sarili dahil effective ang kanyang pag-arte ay nalulungkot daw ang multi-awarded actor na maraming Pilipino ang ganu’n kung mag-isip.

“If these people cannot distinguish what is real and what is unreal, this is the reason why we still have this kind of society,” lahad pa ng 54-year-old TV and movie star. 

Kasi backward pang mag-isip ang tao. At mas maraming ganu’n. Mas maraming ganu’n mag-isip sa society globally kesa sa nag-iisip.

Dagdag pa n’ya, “Kasi kung naa-appreciate ka, ganito lang ‘yan, e. ‘Sir John, pa-picture tayo. Alam mo galit na galit ako sa’yo. Galit na galit ko sa’yo bilang Hipolito pero picture tayo.’ That’s an intelligent audience. Alam nilang uma-acting ka lang.
 
Pero ‘yong minumura ka bilang John Arcilla dahil hindi nila ma-distinguish ‘yong dalawa, hindi ko ‘yon ma-deal nang diretso kasi parang… In fact, it’s sad on my side. Nalulungkot ako para sa kanila. Hindi para sa akin.

Ito daw ang reason kung bakit recently ay game nga s’ya sa pagpo-post sa Instagram ng screenshots ng mga comments and messages na natatanggap n’ya mula sa kanilang avid viewers. 

‘Yon din siguro ‘yong dahilan ko kung bakit nakipagbiruan ako sa mga thread lately para ipakita sa kanila na... Come on. Don’t take it seriously. This is just teleserye,” pagtatapos ni John.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Issues ng angkan ni John Arcilla, “pinagaling” umano ni Father [Fernando] Suarez

John Arcilla is heartbroken for not being able to see his father for the last time

John Arcilla shares excitement for his MMFF movie with Aga Muhlach; gets fans stirred up

Michael de Mesa receives “death threat” for his now-villainous role in FPJ’s Ang Probinsyano

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.