John Arcilla sa netizen na tumawag sa kanyang “drug addict” dahil sa role niya sa Ang Probinsyano: “Ang teleserye ho e hindi totoong buhay.”

PHOTO: @johnarcilla on Instagram

PHOTO: @johnarcilla on Instagram

May paalala ang aktor na si John Arcilla sa isang fan na tila sineryoso ang ginagampanan n’yang papel sa action series na FPJ’s Ang Probinsyano

Sa Kapamilya series kasi ay ginagampanan ni John ang role na Renato “Buwitre” Hipolito na mahigpit na kalaban ng bidang si Cardo Dalisay na karakter naman ni Coco Martin

Sa kanyang husay sa pagganap bilang Buwitre, isang netizen ang tila ginawang realidad ang nangyayari sa teleserye. Sinabihan s'ya nitong na huwag maging ambisyoso at tinawag pa s’yang “drug addict.”

Sa k’wento kasi ng Ang Probinsyano, naghahangad si Hipolito na makuha ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno ng bansa. 

Komento ng netizen, “Hoy hwg ka mangarap Na mgng president ng buong Pilipinas galng mo nmn kung ikw ang papalit mgng president ng Pilipinas ngpatawa ka ba ah eh sa role mo plng sa probinsyano ngkakagago ka noh drug addict ka”

Ipinost ni John ang screenshot photo ng nasabing comment kamakailan sa Twitter kung saan n’ya rin ito sinagot.

Aniya, “Hindi ko po alam kung seryoso siya o nagpapatawa. Relax ka lang [netizen’s name] ang teleserye ho e hindi totoong buhay. Chill chill lang po.”

SCREENSHOT: @JohnArcilla on Twitter

Maliban kay John, matatandaan din na nito lang March ay nakatanggap naman ng death treat mula sa isang netizen ang isa pang cast ng Ang Probinsyano na si Michael de Mesa

Kung kalaban ang role ni John sa serye, ginagampanan naman ni Michael ang role na Ramil “Manager” Taduran na kapanalig ni Cardo sa grupong Vendetta. 

Pagbabanta ng netizen noon kay Michael sa social media, “Hoy manager sana mamatay kna sa probinsyano mo. Pag nakita kita sa personal. Titirahin kita sa ulo mo at t*t* mo.”

Sagot naman ng aktor sa kanya sa isang Instagram post, “Ganun ba ako ka effective? Bro, teleserye lang yan. Wag masyadong seryoso. Positive vibes lang. Hahaha!”

Nag-sorry naman kay Michael ang nagbantang netizen na isang avid fan ng kanilang action series.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Michael de Mesa receives “death threat” for his now-villainous role in FPJ’s Ang Probinsyano

Muntik nang sumuko sa showbiz, Rhen Escano malaki ang pasasalamat kay Coco Martin at sa Ang Probinsyano

Death of Alyana in ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ trends on Twitter with netizens praising Yassi Pressman for her 5-year portrayal of the character

Richard Gutierrez, feel na feel ang alagang-Coco Martin; hindi raw nailang sa mga eksena nila ni Yassi Pressman kahit kaibigan ito ng wife n'yang si Sarah Lahbati

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.