Jomari Yllana, idinenay categorically lahat ang mga akusasyon ng dating live-in partner na si Joy Reyes; aniya, si Joy ang maraming nilabag sa kanilang kasunduan.

Sa isyu ng pang-aabandona: “I deny that. Dine-deny ko yan. I love my children very much...hindi ko sila pinabayaan...kahit noong hiwalay na kami I was always there. Kasama sa set up namin ’yong madadalaw ko ’yong bata every Friday and Saturday. Kahit pregnant si Joy no’ng time na yon, nandoon ako for them, nandoon ako for her...Mahirap magsalita...parang masarap sanang kunyari meron siyang ginawang mali tapos ang sarap sanang ibato kaya lang...hindi na, hindi na.”

Photos: Anna Pingol & screengrab from Joy Reyes Facebook page

Sa isyu ng pang-aabandona: “I deny that. Dine-deny ko yan. I love my children very much...hindi ko sila pinabayaan...kahit noong hiwalay na kami I was always there. Kasama sa set up namin ’yong madadalaw ko ’yong bata every Friday and Saturday. Kahit pregnant si Joy no’ng time na yon, nandoon ako for them, nandoon ako for her...Mahirap magsalita...parang masarap sanang kunyari meron siyang ginawang mali tapos ang sarap sanang ibato kaya lang...hindi na, hindi na.”

Hindi aware ang publiko na hiwalay na pala ang actor and Parañaque councilor na si Jomari Yllana sa kanyang live-in partner na si Joy Reyes, with whom he has two sons—isang one year old at isang four months old. 

Until nito lang November 24, naglabas ng kanyang mga saloobin si Joy sa kanyang naka-public na Facebook page, kung saan inakusahan niya ama ng kanyang dalawang anak ng infidelity, abandonment, at pang-gigipit umano sa kanya sa usapin ng financial obligations nito sa kanila.

Narito ang kabuuang nilalaman ng Facebook post ni Joy noong November 24, published as is:

“It's bad enough to cheat on a partner, worse to leave the family knowing the babies are still so young being just over a year old and a newborn one. But Sana mag stop na sa pag iisip at paggawa ng nonstop ways pa to make things difficult and miserable for me like pang iipit financially. I gave up my career bec u asked me to with the promise that u will take care of me, of us. Hindi ako ang may atraso sa inyo Para kayo pa Ang galit na galit sa kin. You could have at least considered giving even a tiny speck of respect to the woman who believed all your promises, gave you 2 adorable babies and looked up to you thinking u r capable of being a good husband and a father who our kids will be proud of. Nagawan mo na Ng masama, wag na salbahihin pa Lalo.”

Ayon sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Joy through the Facebook messaging app, kinumpirma ni Joy na “May babae... may mga babae” umano si Jomari. At dahil umano sa pagkaka-diskubre niya sa pinaka-huli umano nitong ibinabahay na babae sa dati nilang pinagsamahang condo unit sa Parañaque kung kaya siya umano ginigipit ngayon ni Jomari financially.

“He sent his driver to inform me that he is altering our grocery set up,” lahad ni Joy sa PEP.ph “He will be limiting the grocery items to just baby stuff so the food and toiletries that were included before will not be covered anymore. We agreed on an amount when it was just Ayrton, but when Fangio arrived, he doesn't wanna augment it anymore. Besides the grocery provision is in our agreement.”

Dagdag pa ni Joy sa PEP.ph, from Paranaque, Jomari “dumped us in Quezon City. Ang worry ko before, since malayo, baka yung mga needs namin, hindi maibigay on time kasi kahit dun [sa Parañaque], ang lapit niya, pero delayed pa din, so how much more 'pag 4 hours away kami. May agreement naman kami. If susunod lang sana siya, wala naman na maging problem. Ang masama kasi, he's going out of the country, going out of town, living luxurious life with the woman he is with, 'tapos kami, hindi iniintindi yung needs namin.

“Yun lang ang pinapakiusap ko sa kanya when I discovered about his latest kabit. Instead of iayos niya, nagalit pa siya kaya ganun ginawa niya—alteration sa grocery provision. He's the one who asked me to quit my job para alagaan daw sila mag-ama. Tapos now na may kinakasama na siya iba, yung needs ko ang iniipit niya as revenge dahil lang sa discovery ko.”

The latest “kabit” according sa kwento ni Joy sa PEP.ph ay galing abroad, iniwan umano ang asawa para “manlalaki” at sustentuhan si Jom. Kaya nang malaman umano ng asawa ay pinutulan umano ng sustento. Kaya’t si Jom na ang nag-take over. 

Dito daw siya nagsimulang kuwestyunin si Jom tungkol sa sustento dahil nababalitaan niya umano na living in luxury si Jom at ang “latest kabit” pero imbes daw na ayusin ni Jom ang lahat ay sinimulang siyang gipitin bilang ganti umano.

On December 1, muli na namang umatake si Joy sa Facebook, kung saan pinaratangan niya ang hindi niya pinangalanang ama ng mga anak niya na “PINAKATANGANG PADRE DE PAMILYA SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS!!!!”

Sa kanyang panibagong post, direktang pinuntirya ni Joy ang konsiyensya ng ama ng kanyang mga anak by saying: “Every single moment you spend with your other woman, let it be known that those moments are supposed to be spent on your sons.”

Iginiit din niya na pinag-resign umano siya ng ama ng kanyang mga anak sa trabaho with a promise na aalagaan sila pero kabaligtaran umano ang nangyari. 

Muli, narito ang kabuuang Facebook post ni Joy, dated November 30, published as is:

“Every single moment you spend with your other woman, let it be known that those moments are supposed to be spent on your sons. Wherever you are, whatever you do, whatever time it is, let everyone who sees you, disgustingly stares at you knowing that you are preferring to be with your other woman than to be with your own children. 

“Common sense and a humane heart will tell you that you don't need the technicality of the law to know that if you're the one who convinced someone to give up her job for you, you have the moral accountability to help her get it back or at the very least, assist her while she is fixing the damages that you caused. Pagreresignin mo, tatanggalan mo ng trabaho tapos iiwan mo at gusto mo bahala na sya mamrublema sa Mga personal na kailangan nya habang nagwawaldas kayo ng babae mo. 

“SO SANA, PAGKATAPOS DUMAAN NG SPORTSCAR NINYO SA DAAN NA NAGKUKUNWARING MATUWID AY DUMERETSO NA RIN ITO SA IMPYERNO... KASAMA NG MGA MAKAKATING BABAENG NANINIRA NG PAMILYA AT MGA BABAERONG NAPAKAHUSAY MAGSINUNGALING... NAPAKAHUSAY MAGPABAYA AT NAPAKAHUSAY NA MANALBAHE.... IKAW NA!!! IKAW NA ANG PINAKATANGANG PADRE DE PAMILYA SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS!!!!”

Nitong nakaraang Sabado, December 7, binasag na ni Jomari Yllana ang kanyang pananahimik tungkol sa usapin. Sa harap ng ilang piling entertainment writers, kabilang na ang pikapika.ph, ay direktang sinagot ni Jom—isa pang palayaw ni Jomari—ang lahat ng tanong na ipinukol sa kanya that day. 

Ani Jomari, hindi daw niya direktang nabasa ang mga pahayag ng kayang ex-girlfriend sa Facebook pero dahil sa dami nang nagpapadala sa kanya ng updates through Messenger and Viber ay malinaw daw sa kanya ang mga paratang ni Joy.

Galing kasi si Jom from a 10-day trip to the US dahil pinatingnan umano niya sa isang eye specialist doon ang kaliwang mata niyang unti-unti nang nabubulag ngayon.

Ayon kay Jom, November of 2018 pa sila naghiwalay ni Joy pero para sa mga bata, they arrived at an agreement, na kapwa nila pinirmahan at si Joy umano, kung tutuusin, ang siyang lumabag sa mga naka-saad doon, partikular na sa provision niyang hindi siya nito sisiraan sa social media.

“Marami kasing nilalabag,” malumanay na pahayag ni Jom.If you look at...di ba last year, naghiwalay, nagkaroon ng settlement...kung babalikan mo siya ngayon, titingnan mo, mukang nilabag lahat ’yong nandoon sa settlement...that’s a different story.

“Ngayon kung ’yong ginamit na medium is social media, meron tayong cyber ano na nagbibigay protection sa mga ganyan and also nagbibigay ng protection doon sa mga bata..ako ’yon ang ano, sana...kaya lang andiyan na yan, e, nangyari na.”

Kung siya raw ang masusunod, gusto na niyang ma-settle ang lahat. 

“Kung kailangan i-update ’yong settlement na na-violate—di ba nagkaroon ng settlement, na-violate, hindi naman nasunod—kung kailangang i-update o i-amend, mabuti sana mapag-usapan na namin. Hindi ’yong nira-rant sa social media.”

Kung magpapatuloy daw ang ganitong sitwasyon nila, wala na raw siyang nakikitang remedy kundi idaan na sa “legal process” ang lahat.

“Ngayon, kung hindi mapapagkasunduan, wala naman kaming magagawa kung hindi ilagay sa tama...which is ’yong legal process, which is masakit...masakit...Will send formal letter, hihingin natin ’yong sagot niya. Para malinis at documented.”

Sa usaping sustento at pangigipit niya umano kay Joy sa ngayon, nilinaw ni Jom na hindi umano naputol ’yon.

Paano mo binibigay sa kanya, through bank o may kumukuha sayo? Tanong ng isang reporter.

“Iba-iba kasi. Pag biglaan...we provide everything...sometimes on a daily basis, minsan weekly. Kasi may groceries, medicine, me milk...actually parang gano’n ang nangyayari, we’re providing everything everyday...

“’Yong secretary ko [ang kausap niya], tapos ’yong driver saka ’yong vehicle, lagi namang naka-stand by.”

Patuloy ni Jom, may tig-isang yaya daw ang mga bata, bukod pa sa dalawang kasambahay. The house is provided for. I’m still paying for the house. And cash na every 15th and 30th.”

Kaya hindi raw niya alam kung saan nagmumula ang akusasyon ni Joy na siya’y nagpapabaya.

“I’d like to put it on record na November last year, nagkaroon ng settlement kami sa mababang court of the barangay,” muling pagpapa-alala ni Jom. “At ang main purpose no’n is ’yong maging malinaw...mabigyan ng linaw ’yong paghihiwalay namin. Public document naman yan kasi formal complaint yan, e, na nanggagaling sa akin.”

When asked kung ano ang mga naka-saad sa kanyang complaint at kung bakit siya nag-complain, tumanggi na si Jom na maglatag pa ng detalye.

“Hindi magandang pakinggan, e,” tanggi niya. “Hindi maganda pakinggan. Basta formal complaint yan na may kinalaman ’yong mga bata at ’yong sitwasyon namin dalawa. 

“Ngayon, ang naging result niyan ay nagkaroon kami ng settlement na dalawa na klaro na maghihiwalay kami, magkakaroon ng sustento, ang lahat ng kailangan, ipo-provide ko...’Yong bahay na titirhan nila, ’yong shelter, sustento every 15th at 30th...lahat ng kailangan no’ng babies, pati ’yong si pregnant na Joy...transportation, medicine...And I was there every step of the way. 

“Although mayroon akong isang provision na ni-request diyan na dapat hindi siya magsasalita nang hindi maganda tungkol sa akin sa social media...kasi in the past, nagkaroon ng tendency na ganyan.

“So, ngayon, nandito kami sa sitwasyon na ganito na kung nagkaroon ng violation sa lahat ng ’yon, kailangan maging open ako, kailangan na maging bukas din ’yong isip ko na pakinggan din ’yong side niya...mabigyan ako ng pagkakataon, mas gusto ko na makapag-usap nang klaro, mahinahon, klaro...

“Although ang naging diskarte niya, rant through social media—na pinikup ni Arniel [Serrato of PEP.ph],” birong-totoo ni Jom.

Pero giit namin, hindi naman siguro aabot si Joy sa ganito kung nakukuha nito ang sa tingin nito ay dapat at sapat. Ginigipit nga ba niya financially si Joy?

“I deny that. That’s not true. Tuloy-tuloy [ang sustento],” seryosong sagot ni Jom.

May babae nga ba siya? Kabit? Matrona nagsusustento sa kanya?

“Alam mo, ang sakit no’n kasi...” nailing sa sagot niya. “Masakit sa pamilya ko, masakit sa pamilya niya, masakit para sa mga anak namin...

“Ako, I deny all of that. ’Yong sinasabing meron akong  mayayamang babae na nagsusustento sa akin? Masakit pakinggan pero ako, I deny that.”

Okay, kung hindi mayamang babae...babae, period. Nambabae ba siya?

“Hindi naman. Actually, no’ng nagsasama naman kami ni Joy, e naging tapat naman ako sa kanya.”

Ayon kay Jom, ang pagiging sobrang selosa ni Joy ang isa sa mga dahilan ng palagian nilang pag-aaway. At umabot na ito umano sa puntong nagiging bayolente na umano si Joy at naninira ng mga properties. Hindi na raw healthy ang kanilang pagsasama at mas makabubuti para sa lahat ang maghiwalay nalang sila. Ito nga ang dahilan kung bakit siya umabot sa pagpa-file ng complaint sa barangay.

“Ayoko na ring busisiin,” muling pagtanggi ni Jom sa pagbibigay ng detalye. Public document naman siya. Basta hindi maganda. Hingin ko nalang ’yong paumanhin na hindi ko na dedetalyihin isa-isa...In due respect doon sa pamilya niya, saka sa pamilya ko

“Hindi na naming ma-reconcile ’yong differences namin. Pasalamat nalang na walang nasaktan. Kung damages lang to property ’yong nangyari di okey na ’yon.”

Life threatening ang mga naganap? Tanong ng isang reporter.

“Oo. Sa sitwasyon na gano’n, hindi naman nawawala. Hindi na healthy.”

Sa isyu naman ng pag-aabondona umano sa mga anak, denial din ang naging sagot ni Jom.

“I deny that. Dine-deny ko yan. I love my children very much...hindi ko sila pinabayaan...kahit noong hiwalay na kami I was always there. Kasama sa set up namin ’yong madadalaw kong ’yong bata every Friday and Saturday. 

“Kahit pregnant si Joy no’ng time na yon, nandoon ako for them, nandoon ako for her...Mahirap magsalita...parang masarap sanang kunyari meron siyang ginawang mali tapos ang sarap sanang ibato kaya lang, hindi na, hindi na.

“Ang sa akin nalang, respect every statement na binigay niya...I’ll deny ’yong facts na hindi totoo.”

Aware si Jom na hindi maganda ang imahe niya ngayon sa publiko dala ng mga naibulalas ni Joy. Babae si Joy na sumisigaw ng injustice. Natural lang na makuha nito ang simpatya ng publiko, habang siya naman ang nalulugmok.

Hindi naman ako naghahanap ng simpatya ng mga tao,” saad ni Jom. 

Paniwalaan man daw siya o hindi ng mga tao, isa lang ang hangad niya, ang kapakanan ng mga anak nila.

“Ako, wala naman akong judgment. Hindi ko naman huhusgahan si Joy,” patuloy ni Jom. “Ang sa akin lang ’yong ibigay ang tama para sa mga anak namin. Ako, I’ll fight for protective order for the two babies kasi menor de edad yan. As much as possible kung may ilalabas na write ups tungkol sa kanila, ayokong nandoon ’yong muka nila...ayoko ’yong ilalagay yong pangalan nila, saka ’yong picture nila.

Actually maraming legalities na hinaharap. Actually, ang concern ko lang ’yong welfare no’ng dalawang babies, wala ng iba.”

Aware din si Jom na durog siya ngayon sa social media. And for that, humihingi siya ng paumanhin sa mga taong direktang naapektuhan ng usapin.

“Unang-una, gusto kong humingi ng paumanhin doon sa pamilya ko, kasama na ro’n  ’yong pamilya niya, ’yong mga taong nai-involved...

“Doon sa mga napektuhan sa nangyari, doon sa isuse, humihingi din ako nag paumahin...pakiusap na ito ay issue ng dating magkasintahan na hindi na nagsasama ngayon na meron mga anak

“Kung mag-decide man kami na maging private ’tong matter at hilingin man namin sa tao na wag kaming husgahan dahil pribadong usapin ito na may kinalaman ’yong mga bata, ang mga anak namin...sana ibigay nalang sa amin ’yon.”

Anu’t anuman, handa raw siyang makipagharap at makipag-usap kay Joy, provided na may mediator silang kasama.

Pero hindi na kami p’wedeng mag-usap na kaming dalawa lang. Kailangan meron mag-mediate sa amin. Hindi na pupuwedeng kaming dalawa lang.

“Tingin ko mangyayari ’yon kasi maselan pag may mga bata e, and the court needs to decide kung sino yong dapat na mag-alaga do’n sa mga bata,” makahulugang bitiw ni Jom.

Are you seeking to fight for custody?

“Pinag-aaralan pa namin.”

“Although...ako ayokong husgahan si Joy, e sa lahat ng statement niya. Maaring sinabi niya bugso ng damdamin brought by emotional distress pero if she’s making up stories na gawa ng isip niya. That’s a totally different story. Kasi ako, ang hirap mang-husga ng tao, e. Kung bugso ng damdamin, maintindihan natin yan, Filipino tayo, sanay tayo sa ganyan. 

“Ngayon, kung me mali na sa statement na pinaniniwalaan niyang tama, that’s a totally different story,” tila loaded na namang bitiw niya.

To wrap up, inisa-isa muli namin kay Jom ang mga akusasyon ni Joy...may kabit ba siya? Inabandona ba niya ang mga anak niya? Ginigipit nga ba niya sa pera si Joy? Lahat ng ito ay dine-deny mo?

Yes.”

At bilang huling hirit, hiningan namin siya ng pahayag kung meron siyang nais iparating kay Joy.

“Sa ngayon wala talaga akong mensaheng maibigay sa kanya...

Wala. Wala.”

 

POSTSCRIPT:

Sa kaswal na kwentuhan ng mga reporters with Jom that afternoon ay napa-amin si Jom that he is currently dating his “first love” Abby Viduya, who was later known by the screen name Priscilla Almeda. Ayaw masyadong magbigay ng detalye ni Jom tungkol sa kanilang relasyon—except that 2015 pa raw sila nag-reconnect nito at nagkakakwentuhan sa buhay-buhay—dahil nadadawit na umano si Priscilla sa issue nila ni Joy.

Si Priscilla, na noon ay Abby Viduya pa, ay kapanabayan ng Guwapings group noon nina Jomari kasama sina Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuso. Sandali silang nagka-relasyon noon pero pinaghiwalay din ng mga choices nila noon sa buhay. After magpa-sexy noong 90s bilang Priscilla Almeda ay nanirahan na ito sa Canada at nagka-anak ng tatlo sa non-showbiz boyfriend nito.

Pero na-caught-off guard si Jom sa hiwalay na panayam ng PEP.ph  kung saan on the record pala niyang inamin na sila nga ngayon ni Priscilla, who is presently part of FPJ’s Ang Probinsyano.

At sa nailathalang artikulo ng PEP.ph noong Sabado ng gabi, December 7, tungkol sa pag-amin ni Jomari, ay agad na may sagot si Joy na muli ay idinaan niya through Facebook.

Hindi man direktang tinukoy ni Joy, tila si Priscilla ang tinutukoy niyang “another woman” at latest “kabit” na galing abroad na pinili ni Jom kesa sa pamilya nito. Sa tingin ni Joy, vindicated na siya anuman ang sabihin ni Jom dahil “Rotten garbage can't be hidden for long. The stench will speak for itself.”

Anya pa, desperate measure na umano ang ginagawa ni Jom na pagpapa-interview to save his face. Muli niyang pinaala-ala na hindi naman aabot sa ganito ang lahat kung tumupad lang si Jom sa mga napagkasunduan nila. Pero sa ngayon hindi na raw niya igigiit ang para sa mga anak. She just wants to be left in peace.

“You have already left me in pieces. All I'm after now is for me and my boys to be left in peace. That includes the peace of not having to beg for the things we need. The set up had been established. There's no need to alter it to our disadvantage just because u opted to leave us to be with another woman.”

Narito ang kabuuang post ni Joy sa Facebook kahapon, December 7.

“Rotten garbage can't be hidden for long. The stench will speak for itself.

“This is like me in a courtroom saying, "no further questions, your Honor!" Vindication achieved. The public is intellectual enough to analyze where the lies are really coming from.

“You may try to take desperate measures to at least save face... You may Say the most pathetic statements to put the blame on someone else, u may distort the facts, use humiliation again to make other people look & feel bad but the Philippines is a thinking nation. Do not underestimate the brilliance of the Filipino people.

“The truth is absolute. It's whole. You can not slice it up by admitting some and denying some. It's not a bag of M&Ms that you can just choose only the color that you want.

“As I've been consistently mentioning, I have no interest at all in this circus show you are running. More so on the disgusting activity of constantly changing partners. No one is stopping you though. (of course, u may deny as much as you want but the people of Paranaque know the truth. The public may even go to Bgy BF Homes to know what other diabolical things you have done to me while I was having a very fragile pregnancy.) I don't really care anymore about all the justifications you wanna come up with. You have already left me in pieces. All I'm after now is for me and my boys to be left in peace. That includes the peace of not having to beg for the things we need. The set up had been established. There's no need to alter it to our disadvantage just because u opted to leave us to be with another woman.

“My statements have been firm and consistent. With all the other agreements remaining constant, there are only 3 items I've been requesting from the start of this mayhem:

“1. The public can check here in Victorville Townhomes in Tandang Sora, QC to see for themselves if we have our own transportation service that we can use anytime as claimed. I'm afraid in case of emergency, we can't even flee right away, risking the babies. 

“2. The set up and the contents of our grocery items have been the same since the start. The public may come and check if the items sent to us recently are still identical to the old set or there are items deliberately removed from the list to cause inconvenience. 

“3. The allowance for November hasn't been completely given considering its already December. Prompt and punctual sending of allowance has been requested to no avail.

“I don't understand what part of this constant and long-standing arrangement of ours became exceedingly incomprehensible to you since u started living away from the little boys and living with another woman. Is education or lack thereof starting to take its toll?

“In the spirit of humanity, Just keep the arrangement as is...please stop making things more difficult for us. In this family, the light is still here trying so hard to brighten up the lives of the tiny boys left in it even though the walls collapsed. Think about that.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.