Jomari Yllana’s ex-partner Joy Reyes sa pag-uugnay sa kanya sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes: “That’s ridiculous. I don’t know them personally.”

Pagtatanggol naman ng isang Billy Jay Villasenor Gata na nagpakilalang best friend n I Joy Reyes:  “Hnd magkakilala c joy at paolo.” (sic)

PHOTOS: @joyfullyenjoyingjoy, @paolo_contis & @allan_diones on Instagram

Pagtatanggol naman ng isang Billy Jay Villasenor Gata na nagpakilalang best friend n I Joy Reyes:  “Hnd magkakilala c joy at paolo.” (sic)

Mariing itinanggi ni Joy Reyes, ang ex-partner ng actor-politician na si Jomari Yllana, na may kinalaman s’ya sa paghihiwalay ng former couple na sina Paolo Contis at LJ Reyes.

Nitong September 1 kasi ay may ilang netizens ang tahasang nagtanong sa kanya kung s’ya ba ang tinutukoy sa mga lumalabas na blind item bilang third party umano kung bakit nauwi sa hiwalayan ang anim na taong relasyon nina Paolo at LJ.

Isang netizen ang direktang nagsabi kay Joy through the comment section sa Instagram na, “Trending ka gurl. Ikaw daw ung 3rd party. Hope its not true. Kawawa lahat ng kids.”

Sagot dito ni Joy, “[T]hat’s ridiculous. I don’t know them personally.”

Singit naman ng isa pang IG follower n’ya, “[I] really hope so mam. Because [I] look up to you for being so strong despite of everything.”

Reply ni Joy sa kanya, “[C]heck the links of the videos they are posting cos the truth is already out.”

SCREENSHOT: @joyfullyenjoyingjoy on Instagram

Ang tinutukoy n’yang videos ay ang panakaw na photos and videos kung saan nai-spot-an diumano si Paolo na may kasamang babae na kalat na ngayon sa social media. Ang unang kumalat ay mga pictures lang na kuha sa Baguio. Ayon sa kumuha, nagsusubuan pa umano ng pagkain ang dalawa.

Ang pangalawa, na in video form, ay kuha naman umano sa Manaoag, Pangasinan. Magka-angla naman ang mga braso ng mga taong nakuhanan dito.

Kapwa nakatalikod ang mga tao sa nasabing mga kuha. Pero trending ang ispekulasyon sa social media na sina Paolo Contis ito at ang A Faraway Land co-star niyang si Yen Santos.

 

Spotted Paolo Contis and Yen Santos being together.

Posted by Truth Slaps on Thursday, September 2, 2021

Nauna nang pinasinungalinan noon ng manager ni Paolo Contis na si Lolit Solis na may third party na involved sa hiwalayan ng alaga niya at ni LJ Reyes. At lalong wala umanong kinalaman si Yen Santos dahil open secret naman daw sa showbiz kung sino ang boyfriend ng aktres.

READ Manager ni Paolo Contis na si Lolit Solis, kinumpirmang hiwalay na ito kay LJ Reyes; Yen Santos, inabsuwelto sa love triangle angle

Tugon pa ni Joy—na may halong pasaring kay Jomari—sa netizen na nagtuturo sa kanya na s’ya daw ang nasa blind item: “How can I be the 3rd party when they are spotted together somewhere and I am here in QC thinking about all the bills and other necessities that the father of the baby boys is not paying on time or not paying at all."

SCREENSHOT: @joyfullyenjoyingjoy on Instagram

Isa pang netizen ang walang pasintabi na nagkomento sa IG n’ya at sinabing, “[I]kaw un blind item na pinupuntahan ni Paolo Contis at nag oovernight pa.”

Dagdag pa nito, “[N]abanggit din kc yan ni Jomari nung may issue si girl sa naputulan ng meralco ang house nila. nasabi un name ni Paolo na nagppunta sa place ni girl.”

Mariin naman itong itinanggi ni Joy by saying: “Not true po. And Jomari Yllana is already facing a Cyber Libel case because of that... On top of the VAWC case for all the abuse.”

SCREENSHOT: @joyfullyenjoyingjoy on Instagram

Ang tinutukoy n’ya dito ay ang isinampa n’yang reklamo laban sa ex-partner n’yang si Jomari Ylana.
Hindi daw kasi ito tumupad sa napagkasunduan na susustentuhan n’ya ang dalawa nilang anak na lalaki. 

Naputulan daw sila noon ng kuryente dahil umabot na sa mahigit Php100,000 ang bill nila sa huling quarter ng 2020 at na napabayaan na ito dahil hindi nga daw nagbibigay si Jomari. 

Sa naging panayam naman noon ni Jomari sa press, kinuwestiyon n’ya kung bakit umabot sa ganu’n kalaking halaga ang bill nina Joy sa Meralco. Nabanggit din doon ng aktor ang pag-iimbita diumano ni Joy ng lalaki sa bahay nito.

Resbak naman ni Joy kay Jomari that time, diversionary tactic lang daw ’yon ng actor-politician para iligaw ang issue ng sustento sa kanilang mga anak.

Ito marahil ang nakuhang detalye ng netizen para ituro n'ya si Joy as the third party at inisip n'ya na baka si Paolo ang tinutukoy ni Jomari na lalaking pinapapunta umano ni Joy sa bahay nito. 

Ipinagtanggol naman si Joy ng isa n’yang IG follower ngayon nadadawit s’ya sa hiwalayan nina Paolo at LJ.

Ani nito: “Bulag lang magsasabing si Ms Joy Reyes yung 3rd party. Wag nyo na ilihis. Wag nyo idrag pangalan ng iba para lang makalimutan ng tao yung totoo. May vid ng lumabas.”

SCREENSHOT: @joyfullyenjoyingjoy on Instagram

To the rescue din para ipagtanggol si Joy ang nagpakilalang best friend daw n’ya na si Billy Jay Villasenor Gata.

“That is not true,” ani Billy Jay sa issue kay Joy bilang third party daw. “Joy is single now. Btw am the best friend of joy.

SCREENSHOT: @joyfullyenjoyingjoy on Instagram

“Hnd magkakilala c joy at paolo,” dagdag ni Billy.

SCREENSHOT: @joyfullyenjoyingjoy on Instagram

Matatandaan na nitong August 19 nang umugong ang balitang hiwalay na si Paolo at LJ dahil sa pag-unfollow ng aktor at pag-delete ng photos ni LJ sa Instagram account n’ya.

Last September 1 naman nang lumabas ang interview ni Boy Abunda kay LJ kung saan inilahad ng aktres ang masalimuot na k’wento kung bakit nasira ang relasyon nila ni Paolo.


 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.