Josef Elizalde sa joke na siya na ang “bagong prinsipe” ng Vivamax: “Alam naman natin lahat na si Marco Gumabao pa rin.”

Kay Marco Gumabao na mismo nanggaling na para sa kanya, si Josef Elizalde na umano ang bagong prinsipe ng Vivamax. Pero ayaw pang tanggapin ni Josef ang korona kahit pa talaga namang nagsunod-sunod na ang mga movie projects niya sa Viva. Mula sa pagiging support sa mga pelikulang Kaka (2021), Bekis on the Run (2021), at More Than Blue (2021), ngayon ay bumibida na s’ya. Katulad na lang sa movie n’yang X-Deal 2 (2022), Doblado (2022), at ngayon nga ay sa upcoming film n’yang Purificacion.

PHOTOS: @josefelizalde & @gumabaomarco on Instagram

Kay Marco Gumabao na mismo nanggaling na para sa kanya, si Josef Elizalde na umano ang bagong prinsipe ng Vivamax. Pero ayaw pang tanggapin ni Josef ang korona kahit pa talaga namang nagsunod-sunod na ang mga movie projects niya sa Viva. Mula sa pagiging support sa mga pelikulang Kaka (2021), Bekis on the Run (2021), at More Than Blue (2021), ngayon ay bumibida na s’ya. Katulad na lang sa movie n’yang X-Deal 2 (2022), Doblado (2022), at ngayon nga ay sa upcoming film n’yang Purificacion.

Ayaw pang tanggapin ng sexy-drama actor na si Josef Elizalde ang ideyang s’ya na ang bagong prinsipe ng Vivamax.

Natanong kasi s’ya tungkol dito ng entertainment press sa virtual media conference ngayong araw, August 3, for his upcoming sexy-thriller movie Purificacion

Nag-ugat ito sa biro ni Marco Gumabao kahapon, August 2, sa story conference naman nila ni Kylie Verzosa para sa gagawin nilang romantic comedy film na Baby Boy, Baby Girl. Nasabi kasi n’ya doon na kung may bago umanong prinsipe ang Vivamax, ito ay walang iba kundi ang kabarkada niyang si Josef. 

Nagsunod-sunod na rin kasi ang movie projects ni Josef sa Viva, mula sa pagiging support sa mga pelikulang Kaka (2021), Bekis on the Run (2021), at More Than Blue (2021), ngayon ay bumibida na s’ya. Katulad na lang sa movie n’yang X-Deal 2 (2022), Doblado (2022), at ngayon nga ay sa upcoming film n’yang Purificacion.

Ayon sa aktor, si Marco pa rin umano ang may hawak ng trono at ayos na sa kanya kahit runner-up lang siya nito.
 
Mapagbiro naman si Marco, e. Alam naman natin lahat na si Marco pa rin… Walang makakatalo kay Marco. Siguro kahit ako na lang ang sumunod [sa kanya] okey lang,” natatawang sagot n’ya sa press. 

At dahil kapansin-pansin din na talagang sexy ang theme ng mga nagagawa n’yang pelikula lately, natanong pa s’ya ng press kung naiisip na ba n’yang umiba naman ng genre at maghinay-hinay na muna sa pagpapa-sexy. 

Siguro, it really depends naman kay Viva but now tuloy-tuloy lang muna ’to. Nag-e-enjoy pa naman ako. Siguro sasabayan lang natin si Vivamax tapos eventually we’ll see kung saan ako mapupunta,” ani Josef.

Kinumusta rin ang former Pinoy Big Brother (PBB) housemate sa naging working relationship n’ya sa kanyang co-stars sa pelikula. Hindi lang kasi isa o dalawa ang kasama n’ya dito kundi anim na sexy actresses. 

Dito na napuri ng aktor ang mga kasama n’yang artista na nakatrabaho na rin naman daw n’ya before kaya hindi na mahirap para sa kanila ang pag-a-adjust. 

Okey naman. They’re all professionals naman. Some of them, I’ve worked with them before like si Kat [Dovey], si Rob [Guinto], si Steph [Raz]. I’ve worked with them na before and they’re all professionals naman. Lahat kami, pag dating namin sa set, we enter there as our character. Okey naman, masaya naman,” lahad n’ya.

Naintriga naman ang press kung hindi pa s’ya napagod sa dami ng kasama n’yang babae sa set, especially kung may bed scene s’ya sa bawat isa sa kanila. 

“No naman kasi with Direk GB, how they do it, naaayos naman, natsa-chop-chop naman nila ’yong mga ganu’ng eksena na hindi aabot sa point na sobrang pagod ang mga artista. Well taken cared of naman kami doon sa set nina Direk GB,” pagtatapos ni Josef. 

Mapapanood si Josef Elizalde, kasama sina Cara Gonzales, Rob Guinto, Quinn Carillo, Stephanie Raz, Katrina Dovey, Ava Mendez, and more sa Purificacion simula this Friday, August 5 sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Exclusive: Palitan actors Rash Flores at Cara Gonzales, may magkaibang pananaw pagdating sa indecent proposals

Director Darryl Yap, naloka nang sabay-sabay nagka-mens ang apat na newbies na sina Sab Aggabao, Cara Gonzales, Ayana Misola, Stephanie Raz during the shoot ng Pornstar 2

#Pornstar2 girls Sab Aggabao, Stephanie Raz, Cara Gonzales, and Ayana Misola share their first-time porn-watching experience

Marco Gumabao, may paki-usap sa mga gumagawa ng haka-hakang may hidwaan ang KathNiel couple at newlyweds na sina Pat Sugui at Aeriel Garcia

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.