Joshua Garcia, aminadong "kinalawang" sa pag-arte sa pagbabalik-MMK niya

PHOTO: @garciajoshuae on Instagram

PHOTO: @garciajoshuae on Instagram

Inamin ni Kapamilya actor Joshua Garcia na kinalawang s'ya sa pag-arte nang magbalik-taping s'ya for an upcoming fresh episode ng nagbabalik ding drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK).

Sinabi ito ng 23-year-old actor nang kumustahin s'ya during the online media conference last November 26 para sa MMK ngayong magbabalik na nga ito sa ere via the A2Z channel and other Kapamilya digital platforms.

"Mahirap s'ya sa umpisa. Nag-a-adjust ako," pag-amin ni Joshua via Zoom. "Naramdaman ni direk [Nuel Naval] ‘yong hirap ko nu'ng umpisa pero kinaya naman. Kinaya naman sa tulong ni direk at ng buong production."

Paghahambing pa ng multi-awarded actor, para daw s'yang makina ng sasakyan na na-idle nang matagal at kailangan pang painitin para umandar. 

"Mahirap, e. Nu'ng una, para akong makina ng sasakyan, e. Kailangan pang painitin, e. Ang tagal kong na-stuck dito sa bahay. Pero kinaya naman. Thank you sa pasensya, kay Direk Nuel [Naval]."

Matatandaan na makailang ulit na ding gumanap si Joshua sa mga episodes ng MMK before. However, medyo na-tengga nga daw s'ya sa bahay during the lockdown kaya naman nanibago daw s'ya nang magbalik-taping for MMK

"Ang last ko kasing ginawang project is Killer Bride and 'yong kay Direk Chito [Rono na movie na Ang mga Kaibigan ni Mama Susan]," paliwanag pa ng binata. "Tapos sa bahay lang ako. Ayon, parang ang hirap lang mag-adjust ulit sa acting. Para akong nanibago. Para akong beginner nu'ng una."

Nakabalik naman daw s'ya sa momentum sa tulong ng kanyang mga katrabaho kaya naitawid nila ang MMK episode na na-assign sa kanya na tungkol sa isang binatang mangingisda na nangarap umangat ang buhay ngunit maraming balakid na tila ayaw siyang paalisin sa hirap.

"Pero ang maganda naman d'yan, ang mga kasama kong actors, magagaling," tsika pa ni Josh sa mediacon. "Sina Tito Nonie [Buencamino]. Sila 'yong parang hinuhugutan ko. Sa kanila ako kumukuha ng emosyon. Ang galing...naging smooth. 

"Actually, 'yong buong production nu'n, 'yun 'yong last shoot, last episode na ishu-shoot nila 'yon, e. And nakita ko na parang hindi pa rin sila pagod gumawa ng istorya, e. And okey. Naging smooth 'yong takbo. Umpisa lang talaga mahirap."

May panlalaglag namang naganap nang matanong na si Direk Nuel tungkol sa naging performance ni Joshua. 

"Actually, 'yong first day namin, first scene, [naka]take seven ba, Josh?" pabirong tanong ng direktor. 

"'Wag mo naman ako ibuko, direk," natatawang tugon naman ng aktor. 

However, bumawi naman ng papuri si Direk Nuel dahil marunong daw makinig at talagang nagpapa-guide ang binatang aktor. Aniya pa niya, kaya naman daw niya pina-ulit ulit ang take ay dahil alam niyang may mahuhugot pa siya kay Joshua.

"I just want to tell them na sinabi ko kay Joshua, 'Josh, hindi ko 'to igu-good take. Hindi ako satisfied kasi alam ko may ibibigay [ka pa],'" pagre-recall ni Direk Nuel. "Alam ko 'pag ang artista may ibibigay pa, ipu-push mo s'ya, e. 

"And natutuwa ako na si Joshua nakikinig..." dagdag pa n'ya. "Kung may ibibigay, ipu-push mo. After that first scene, wala... Dire-diretso na. Tuloy-tuloy na."

Nagpasalamat naman si Joshua sa naging guidance ng direktor habang ginagawa nila ang MMK episode. 

"Kinausap ako ni direk, e, kasi parang nu'ng first eksena ko parang nagiging teknikal ako," pagtatapat pa ni Joshua. "Masyado kong iniisip 'yong mga gagawin ko. Tapos nakalimutan ko 'yong technique na dapat i-enjoy ko lang 'yong scene, magreak lang ako sa kaeksena ko... Parang ganu'n. 

"And thank you kay direk. Talagang inalalayan n'ya ako sa buong journey ko nu'ng classic MMK episode na 'yon."

Patikim pa n'ya sa eksena na dapat abangan ng fans: "D'yos ko, parang lahat ata ng eksena umiiyak ata ako du'n. 'Wala ba akong break dito,' sabi ko. 

"Nu'ng binasa ko 'yong script nu'ng pinasa sa akin, sabi ko, 'A, okey. Parang relax lang 'to, a.' Pero habang tumalagal, sabi ko, 'Parang wala akong break sa iyak.' Hahaha!"

Sey pa n'ya, maganda daw ang kwento ng episode nila at siya mismo ay excited nang makita ang kinalabasan ng epsiode nila.

"Pero okey. Ang ganda rin kasi nu'ng k'wento, e. Nabasa ko 'yong research ng buong research team, e. Ang ganda ng k'wento. Actually, medyo na-tone down na nga du'n sa MMK pero mas malala pa 'yong pinagdaanan ni Maru, nu'ng character ko... Mas malala pa 'yong pinagdaanan n'ya. 

"Excited ako. Excited na ako sa kalalabasan," pagtatapos ni Joshua.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Joshua Garcia on qualities he looks for in a girl: “Gusto ko ’yong matatanggap ako ng buong-buo.”

Joshua Garcia says there’s never any awkwardness between him and Julia Barretto since their break-up; reveals going to the actress' house several times even after their relationship ended

Joshua Garcia and Julia Barretto exchange friendly banter as they follow each other back on Twitter

Joshua Garcia, nagbalik-tanaw sa mga panahong na-in love siya sa kanyang leading lady

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.