Joshua Garcia at Charlie Dizon, kinikilig sa bansag na “Next John Llloyd Cruz at Bea Alonzo” pero “Sana po, makita rin talaga nila kami bilang Charlie at Joshua po.”

Bukod kina Joshua Garcia at Charlie Dizon, kasama rin sa Viral Scandal sina Miko Raval, Dimples Romana, Jake Cuenca, Jameson Blake, Markus Patterson, Ria Atayde, Maxene Magalona, Aljon Mendoza, Karina Bautista, Louise Abuel, Kaila Estrada, Vance Larena, Gian Magdangal, Arielle Roces, at Aya Fernandez.

Photos: courtesy of ABS-CBN

Bukod kina Joshua Garcia at Charlie Dizon, kasama rin sa Viral Scandal sina Miko Raval, Dimples Romana, Jake Cuenca, Jameson Blake, Markus Patterson, Ria Atayde, Maxene Magalona, Aljon Mendoza, Karina Bautista, Louise Abuel, Kaila Estrada, Vance Larena, Gian Magdangal, Arielle Roces, at Aya Fernandez.

Sina Joshua Garcia at Charlie Dizon na nga ba ang next John Lloyd Cruz at Bea Alonzo?

Ito kasi ang naging obserbasyon sa kanila dahil tulad ni JLC, nakitaan agad ng husay sa pag-arte si Joshua. Kaya naman at sa pitong taon palang niya sa showbiz industry ay mahigit 30 na ang tropeong naka-display sa bahay niya na galing sa mga award-giving bodies gaya ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, PMPC Star Awards for Movies and Television, Anak TV, Aral Parangal, Golden Laurel, Gawad Tanglaw, Gawad Pasado, Platinum Stallion, Kabantugan, Edukcircle, at marami pang iba.

Gayun din si Charlie na nakasungkit naman ng Best Actress award para sa pelikulang Fan Girl noong 2020 sa Metro Manila Film Festival.

Maganda ang chemistry nang dalawa kaya sila ang pinag-partner sa drama series na Viral Scandal na nag-virtual mediacon nito lang Huwebes, November 11. Doon at hiningan ng reaksyon sina Joshua at Charlie tungkol sa pagtatalaga sa kanila bilang new John Lloyd ang Bea ng ABS-CBN.

Ayon kay Charlie ay kinilig siya about and at the same time ay nahihiya siya kay Bea.

“Siyempre, nakakakilig namang marinig ’yun...na ma-compare kami kay John Lloyd and Miss Bea. Pero nakakahiya rin pag nalaman nila ’yun. Parang nahihiya ako sa kanila,” saad ng dalaga. “Pero siguro, thankful po ako na ’yun ’yung nakikita ng mga tao pero at the same time, nakaka-pressure rin po. And sana po, makita rin talaga nila kami bilang Charlie at Joshua po.”

Sinegundahan naman ni Joshua si Charlie.

“Ilang beses ko na kasing narinig ’yun, so deja vu ang feeling. Kung sakali man na ganu’n talaga ang iniisip nila, well, s’yempre, like Charlie, thankful din ako dahil siyempre, mga mabibigat na artista ‘yun, di ba? At kilala sa larangan ng pag-arte ’yun. So, du’n pa lang, masaya na talaga ako. And yeah, ’yun lang naman ang masasabi ko.”

Anyway, kaabang-abang ang partnership nina Joshua at Charlie bilang sina Rica at Kyle dahil masusubok ang galing nila sa bago nilang project na Viral Scandal.

Si Rica ang panganay na anak nina Kakay (Dimples Romana) at Dan (Miko Raval). Patapos na siya ng kanyang pagsasanay sa isang architectural firm at kukuha na rin ng board exam, ngunit magbabago ang lahat sa oras na mag-viral ang kontrobersyal niyang video. 

Gayunpaman, pipilitin ni Rica na mamuhay nang normal at maga-apply sa Balai Arkitektura kung saan acting CEO si Kyle (Joshua). Dito, hahanapin ni Rica ang kumpyansa sa sariling nawala sa kanya dahil sa kahihiyang dinulot ng iskandalong kinasangkutan niya.

Paano kaya haharapin ng aktres in real life, sakaling masuong siya sa kaparehong sitwasyon?

“Una sana po hindi mangyari ’yun, pero siguro kung mapunta man ako sa ganu’ng sitwasyon siguro doon ko na rin po malalaman kung ano ang gagawin ko kasi depende po sa bigat ng sitwasyon,” paliwanag ni Charlie. “Pero kung alam kong kaya kong sagutin agad at alam kong ang totoo, siguro magsasalita rin po ako para i-explain ang side ko.”

Bukod kina Joshua, Charlie, Miko at Dimples ay kasama rin sa Viral Scandal sina  Jake Cuenca, Jameson Blake, Markus Patterson, Ria Atayde, Maxene Magalona, Aljon Mendoza, Karina Bautista, Louise Abuel, Kaila Estrada, Vance Larena, Gian Magdangal, Arielle Roces, at Aya Fernandez.

Ito’y handog ng RCD Drama unit mula sa direksyon nina Dado C. Lumibao at Froy Allan Leonardo.

Mapapanood na ito sa Lunes, Nobyembre 15 sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC IPTV.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.