Ang daming kinikilig sa Joshua Garcia at Ivana Alawi impromptu exchange na naganap sa Kapamilya online fundraising na “Operation Odette,” hosted by Alora Mae Sasam at Darla Sauler, kung saan live guest si Joshua via video call para manghikayat ng mga magdo-donate. At bilang pampasaya, nagkwentuhan muna sila.
Sinalang ng mga hosts si Joshua sa on-the-spot na “jojowain/totropahin” question si Joshua at ang unang pangalang binanggit nila ay si Ivana Alawi.
Mabilis ang naging sagot dito ni Joshua.
“Siyempre, jojowain. I mean, c’mon, choosy ka pa ba? Mabait, maganda, sexy, lahat na!,” ang natatawa pero tila may kilig na sabi nito.
“Pero, hindi kasi lahat ng tao masasabi mong meant magka-relasyon, e,” kambiyo niya. “Alam mo ‘yun? Parang may naka-tadhana sa ‘yo na parang mami-meet mo lang na maging kaibigan mo.”
“Kasi, hindi mo masasabi. ‘Yun lang ang sa akin. ‘Yun lang naman ang sa akin.”
At mas kinilig pa ang mga nanonood sa live interview dahil biglang tinawagan ni Joshua si Ivana sa kanyang cellphone. Nang sumagot si Ivana sa tawag nito, biniro muna ni Joshua ang sexy actress/Youtuber at sinabi rito na, “napatawag ka?”
Tila naguluhan naman si Ivana at ilang beses napa-“huh?” kay Joshua. At saka lang inamin ni Joshua na naka-live sila noon sa ginagawang online fundrasing campaign ng ABS-CBN para sa mga naging biktima ng bagyo.
Tinanong ni Darla si Ivana na pareho ng tanong niya kay Joshua. Kung jowa material o totropahin lang ba para rito ang actor.
Kaso, hindi raw naririnig ni Ivana si Darla at tanging si Joshua lang ang naririnig nito sa kabilang linya. Kaya si Joshua na mismo ang nagtanong sa kanya na: “Kung ako raw, jojowain o totropahin?”
Mga ilang segundo rin bago nakasagot si Ivana at ang naging tugon nito ay “Secret!”
Pagkatapos noon ay humingi ng sorry si Joshua sa naging pang-iistorbo niya kay Ivana sabay sinabihan niya ito ng: “pagaling ka.”
Alam naman ng karamihan na nag-positibo si Ivana sa COVID-19.
Samantala, matatandaan na sa isa sa mga vlogs din ni Ivana nalaman ng publiko na crush nito ang binata. It was during her celebration of her second year as a YouTuber kung saan isa sa surprise video greeters niya si Joshua. Makikita doon na hindi niya naitago ang kilig niya habang tinutukso siya ng mga kasama.
This time, hindi lang si Ivana ang kinilig sa biglaang tawag ni Joshua kundi lalo na nang mga netizens na nanonood that time.
Narito ang ilan sa mga comments na nabasa namin:
“Ung chemistry nila. Mas kinilig ako sa part na ‘Pagaling ka ah.’”
“Ramdam ko kilig ni ate ivana.”
“Kinikilig ako sa inyong dalawa.”
“Super kilig! Sana matuloy na yung content nila.”
“Baka naman ivana at joshua kahit 24 hrs mag Jowa challenge.”
“Sana mabigyan sila ng chance. Bagay sila.”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber