Joshua Garcia, leading man o nemesis ni Darna?

Prime Darna cast includes (clockwise from left) Jane De Leon as Darna/Narda; Joshua Garcia as police officer Bryan Robles; Iza Calzado as Leonor Custodio, Narda’s mom and the “first Darna;” and Zaijian Jaranilla as Ding.

Photos: @abscbnpr

Prime Darna cast includes (clockwise from left) Jane De Leon as Darna/Narda; Joshua Garcia as police officer Bryan Robles; Iza Calzado as Leonor Custodio, Narda’s mom and the “first Darna;” and Zaijian Jaranilla as Ding.

Si Joshua Garcia nga kaya ang kontrabida ni Jane De Leon bilang si Darna?

Sa pagpapakilala ng buong cast ng Darna TV series ni Jane nitong Martes ng hapon, October 5, ay ipinakilala si Joshua bilang bahagi ng serye na walang kunek kay Narda/Darna.

“Gagampanan ko ang karakter ni Bryan Samonte Robles at isa po akong police officer,” very vague na saad ni Joshua.

Naunang ipikilala si Iza Calzado bilang si Leonor Custodio, ang “first Darna.”

“Isa po akong prime warrior na taga-Marte na napadpad dito sa earth at magiging nanay ni Ding at ni Narda. Ako ang protector of the stone na magbibigay kay Narda ng bato,” paliwanag ni Iza sa kanyang “first Darna” role.

Si Ding ay si Zaijian Jaranilla, “Ako po si Ricardo Custodio na mas kilala n’yo ho bilang Ding na mahilig sa technology, computer games, video games, at ako rin po ang pinakamalupit na sidekick ni Darna.”

Kabilang din sa cast sina Joj Agpangan, Kiko Estrada, Young JV, Gerard Acao, Tart Carlos, Marvin Yap, Yogo Singh, Mark Manicad, Levi Ignacio, Richard Quan, at Rio Locsin.

Si Direk Chito Rono na ang magdi-direk ng superhero serye. At ayon sa report ni Miguel Dumaual sa TV Patrol, ang Darna ay magsisilbing reunion project ng direktor sa mga likha ni Mars Ravelo dahil siya rin ang nag-direk noon ng Lastikman, na pinagbidahan ng mina-manage niyang si Vhong Navarro.

“I found the material very exciting,” kuwento ni Direk Chito sa cast introduction event. “Ayoko na talaga mag-soap kasi matagal ko nang iniwanan ang mundo ng soap. When I heard the story and read everything nagustuhan ko naman.”

Kung walang aberya ay sa Nobyembre ang taping ng Darna sa ABS-CBN Soundstage na matatagpuan sa San Jose del Monte, Bulacan.

Dagdag ni Direk Chito, “S’yempre mas modern na ngayon ang technology, so mas bago na tingnan... mga bago na ang gagamitin namin. Exciting din ’yun.”

Makakatuwang ni Direk Chito si Avel Sunpongco sa pagdidirek ng Darna. Isa si Direk Avel sa direktor sa Book 1 and 2 ng longest running TV series na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin at naging parte rin siya sa iWant series na Bagman ni Arjo Atayde.

Siya rin ang direktor ng Hey, Joe, ang first film na produced ni Arjo.

Going back to the Darna cast, walang ipinakilalang Valentina o ang babaeng may buhok na mga ahas, na siyang pinaka-kilalang mortal na kaaway sa kuwento.

Sa pagkakaalam namin ay binago na ang mortal na kaaway ni Darna sa version na ito ng ABS-CBN. At hindi na ito isang babae kundi lalaki na. Kaya possible kayang si Joshua nga iyon? Posible rin kayang may ibang katauhan ang aktor sa istorya at nagpapanggap lang siya bilang police officer?

Abangan ang paglipad ni Darna sa 2022!

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.