Joshua Garcia, nagbalik-tanaw sa mga panahong na-in love siya sa kanyang leading lady

PHOTOS: @garciajoshuae on Instagram, @ExtendTheLove on Facebook

PHOTOS: @garciajoshuae on Instagram, @ExtendTheLove on Facebook

Medyo nautal si Joshua Garcia habang binabalikan ang mga panahon na na-in love s'ya sa kanyang leading lady. Isa kasi ito sa naging topic sa 10th episode ng #Extendthelove Cinema Series, kung saan isa siya sa naging resource persons alongside Daniel Padilla at Zanjo Marudo last May 22.

Ang #Extendthelove Cinema Series ay isang online show na isa ring fundraising drive na naglalayong tulungan ang mga TV and movie workers na apektado ng lockdown due to the coronavirus disease pandemic. 

Sa nasabing online show nagsi-share ang mga guest actors ng mga karanasan nila sa likod ng kamera mula noong mga panahong nagsisimula pa lamang sila sa industriya; at maging ng mga bagay na natutunan along the way sa kanilang buhay-artista.

Nabaling at one point ang tanungan sa kani-kanilang style in dealing with their leading ladies while doing romance drama or romantic comedy movie o teleserye. 

"S'yempre kayong tatlo rin, gumawa ng romance drama, ‘di ba?" tanong ni Direk Adolfo Alix Jr. na s'yang moderator ng show. 

"Importante doon 'yong rapport n'yo sa co-stars n'yo e. Paano n’yo kinakamada 'yong mga eksena na kasama n'yo 'yong leading lady? Kasi minsan doon nakasalalay 'yong magic ng romcom, 'di ba? Paano n'yo hina-handle 'yong eksena with your co-stars? Paano n'yo pinag-usapan?"

Without warning ay biglang tinawag ni Daniel si Joshua para s'ya ang unang sumagot sa mahabang tanong ni Direk Adolf.

"Sige, Josh," kantyaw ni Daniel sa fellow ABS-CBN actor. 

"Hindi ako magaling d'yan," komento naman ni Zanjoe. 

Natawa tuloy ang tatlong aktor sa kanilang mga sarili. 

"Bira, pare," sugsog pa ni Daniel kay Joshua na bagama't natatawa ay napilitang sagutin ang tanong.  

Paliwanag ng The Killer Bride actor: "Ako, s'yempre Direk, sinisimulan ko na dapat may matibay kang relasyon don sa..."

"Dapat talaga," buskang-singit naman ni Zanjoe. 

Dagdag pa ni Joshua: "Dapat may matibay ka munang relasyon doon sa partner mo talaga."

"Foundation kumbaga," muling side comment ni Zanjoe.

"Oo," pagsang-ayon naman ni Josh. "Para hindi ka naiilang kung ka-eksena s'ya. Ayon ho. 'Yon po 'yong sa'kin.

"May mga time na na-in love talaga ako sa partner ko," medyo nauutal na dugtong pa ng 22 year-old-actor, na naging hudyat para kunwari ay magulat sina Daniel at Zanjoe sa tinuran niya.

It is no secret na naging magkarelasyon sina Joshua at ng dati n'yang ka-love team na si Julia Barretto. Tumagal din ng two years ang kanilang relationship but then they decided to part ways but remain friends last year.  

"May ganun talaga e," tsika pa ng nakangiting si Josh pero halatang naging senti sa kanyang mga sinabi. "Darating sa shoot. Pero wala e. Partner lang kayo eh. Basta saken kailangang may bonding kayo."

"Baka naman nakipag-bonding ka sa lahat ng (naging) partner mo, pare?" kantyaw pa nang natatawang si Daniel kay Josh sa kanilang linya. 

"Hindi naman lahat," paglilinaw ng aktor. "Kailangang may bonding kayo. Kailangan friends kayo. Kailangan parehas kayo ng intensyon sa eksena."

Recently, na-partner na si Julia Barretto sa aktor na si Tony Labrusca sa iWant original series na I AM U habang maganda naman ang pagtanggap ng mga fans sa naging tambalan nina Joshua Garcia at Janella Salvador sa The Killer Bride.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.