Recenty ay napabalitang, in-unfollow diumano ni Julia Barretto ang dating kasintahan na si Joshua Garcia at ang ka-love team nito sa The Killer Bride na si Janella Salvador sa Instagram. Dahil dito, hindi maiwasang magbiro ng lead star na si Maja Salvador tungkol sa nasabing isyu.
Noong Biyernes, January 17, nagkaroon ng viewing party ang cast at staff ng nasabing revenge drama para sa huling gabi nito.
Sa thread na pinost ng isang netizen sa Twitter tungkol sa mga pangyayari sa party, makitang kilig na kilig si Maja nang pinakita ang kissing scene nina Joshua at Janella sa programa.
MAJA IS A MOOD. Isama din natin si Maja sa GGV with JOSHNELLA
— jea (@kweenjanella) January 19, 2020
JOSHNELLA ForGGVPlease pic.twitter.com/JrD5JJmcOu
Sa after-party ng serye cast and crew, tinuloy ni Maja ang kanyang kilig nang tuksuhin niya si Joshua at Janella sa isa’t isa.
Kumakanta si Janella on-stage nang tanungin ni Maja ang aktor na “Is that your Emma or is that your baby?”
Emma ang pangalan ng karakter ni Janella sa The Killer Bride.
"That’s my baby," ngiting sagot naman ni Joshua.
“Okay, your baby is your baby!” sigaw naman ni Maja.
Maja: That’s your Emma or you baby?
— jea (@kweenjanella) January 17, 2020
Joshua: That’s my BABY pic.twitter.com/Uym80OBgpp
Maja to Joshua: Okay, your baby is your baby! pic.twitter.com/EM9y01XaZi
— jea (@kweenjanella) January 17, 2020
JOSHUA DEDICATES A SONG TO HIS “BABY”
Sa isa pang video ay makikitang hinatak ni Maja si Joshua na sabayan si Janella sa kanyang performance habang binibigyan pa niya ng pointers ang aktor.
"Umuwi ka na baby ang kantahin mo. Sabihin mo, 'Ikaw ang aking baby.'" sigaw ni Maja kay Joshua.
MAJA IS MY SPIRIT ANIMAL HAHAHA
— jea (@kweenjanella) January 17, 2020
Maja to Joshua: Umuwi ka na baby ang kantahin mo.
Tease pa more SHETTTTT HAHAHAHAHAHA@TWBAofficial @dprincessmaja @superjanella @iamjoshuagarcia pic.twitter.com/GDZaL7cujX
Maja, nag-suggest ng kakantahin ni Joshua para kay Janella 🤣🤣🤣 pic.twitter.com/NU5UVYl5Zb
— jea (@kweenjanella) January 17, 2020
Humirit naman ang co-star nilang si Geoff Eigenmann na nagtanong “Yun, o! May kanta na ba?”
Hanggang sa sinamahan naman ni Maja si Joshua onstage kung saan kakatapos lang ni Janella sa kanyang performance.
Joshua, nagkaroon ng lakas ng loob nang suportahan ni Maja para kantahan si Janella on stage! ❤️❤️❤️ pic.twitter.com/msMLruGAzr
— jea (@kweenjanella) January 17, 2020
Kinuha ni Joshua ang microphone at dinedicate ang kantang “Hanggang Kailan” ng Orange & Lemons kay Janella, kung saan may linyang “Umuwi ka na, baby.”
“Itong kantang ’to, para sa aking baby,” sabi ni Joshua, sabay tingin kay Janella.
Joshua, nagkaroon ng lakas ng loob nang suportahan ni Maja para kantahan si Janella on stage! ❤️❤️❤️ pic.twitter.com/msMLruGAzr
— jea (@kweenjanella) January 17, 2020
Narito ang close-up ng kanilang performance para kiligin pa kayo, JoshNella fans!
Sweetness Overload brought to you by #JOSHNELLA 💛 Kilig, love and good vibes 💛💛
Posted by JoshNella Official on Friday, January 17, 2020
MAJA JOKES ABOUT UNFOLLOWING ISSUE
Sa live stream ni Geoff Eigemann na pinost ng isang netizen sa Twitter, nakunan si Maja na hindi mapigilang magbiro na baka siya daw ay “ma-unfollow” sa sobrang kilig niya kina Joshua at Janella.
"Wooo! Maa-unfollow ako nito! Yeah!" pabirong sigaw ni Maja. “Kaka-push ko.”
“Na-unfollow ka na nga!” may isang nagsabi na dinig sa video.
IN FAIRNESS UPDATED SILA SA CONTROVERSY HAHAHAHA
— jea (@kweenjanella) January 17, 2020
Maja: HUU MAA-UNFOLLOW AKO NITO 🤣
HAHAHAHAAHHAHA pic.twitter.com/5OA4cXpxT2
"Kaka-push, ma-unfollow tayong lahat!" dagdag ng kasama ni Maja sa video na nakilalang ang AdProm Director ng Star Cinema na si Mico Del Rosario.
Hindi man sinabi ni Maja ng direkta kung sino ang tinutukoy niyang mag-a-unfollow pero honala ng marami ay tinutukoy niya ang isyung in-unfollow ni Julia Barretto sina Joshua at Janella sa Instagram, na nai-ulat kamakailan.
Ano ang say niyo sa kilig moment ng JoshNella? Comment down below!
YOU MAY ALSO LIKE:
Pika’s Pick: Maja Salvador posts appreciation posts for her Killer Bride co-stars