Juancho Trivino, kaya raw higitan ang pagiging daring ni Derrick Monasterio

PHOTOS: Anna Pingol & @juanchotrivino

PHOTOS: Anna Pingol & @juanchotrivino

Aware si Kapuso hunk Juancho Trivino na support lang siya sa sexy tandem nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez sa pelikulang Wild and Free ng Regal Films.

 

Pero hindi raw siya nagpahuli sa mga daring scenes ni Derrick dahil may mga maiinit na bedscenes din daw sila dito ni Sanya. Wala nga lang daw siya ng mga sexy scenes sa kotse at sa ibabaw ng washing machine gaya ng sa mga naipakita ng scenes nina Derrick at Sanya sa trailer pero hindi raw kasi ito hinihingi ng character niya na mala-Christian Grey, ang sadomasochist debonaire ng hit erotic-romance film na Fifty Shades of Grey (2015).

 

“Eto ’yong first time ko with Regal [Entertainment], nagpapakitang-gilas ako,” tsika ni Juancho bagamat nasa showbiz na since 2012 at mas tumatak sa kamalayan ng publiko dahil sa TV series na Destined To Be Yours ng GMA-7 kasama ang AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza noong 2017.

 

“I’ll do my best s’yempre para maka-ulit. Sana mabigyan ulit ako ng susunod na role.”

 

Kung sakali man daw mabigyan siya ng mga mas daring pa sa role ni Derrick ay kaya niya lalo pa’t mas nagka-oras siya ngayon para pagtuunan ang pagwo-work out dahil eleven months na siyang loveless.

 

“Kaya,” natatawang sabi pa ng Inday Will Always Love You mainstay na si Juancho. “Ready’ng-ready!”

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.