Inamin ng aktres na si Judy Ann Santos na ipinagdasal n'ya noon na magka-baby na lang kahit walang asawa.
Ito ang ikinuwento ng Kapamilya actress sa TV5 show na Usapang Real Life [URL] hosted by Ms. Luchi Cruz-Valdes na in-upload sa YouTube kagabi, October 13.
Nu'ng una, binalikan ni Judy Ann kung paano s'ya nagsimula sa showbiz noong eight years old pa lang s'ya.
"Pinagdaanan ko po 'yong supporting lang ako, talent lang ako, pamparami lang ako," paglalahad ng aktres. "So nakikita ko 'yong iba't ibang ugali ng artista. Parang, 'Ha? Sa telebisyon hindi s'ya ganyan pero sa personal ganyan pala s'ya. Ay, ayoko maging ganyan pag laki ko.'"
Kahit bata pa daw noon si Juday [nickname ni Judy Ann], alam na daw n'yang hindi pang habambuhay ang showbiz.
"Hindi ko talaga plinano 'yong buhay ko na habambuhay akong artista," aniya. "Mara Clara pa lang, meron na akong notion sa sarili ko na, 'Ang pag-aartista, hindi ito pang habambuhay.'
"So at the very young age of 14, nag-acquire na ako agad ng life insurance," dagdag pa n'ya. "Kinunan ko na ng insurance 'yong mga kapatid ko. Kasi inisip ko na baka hindi na ako kunin [sa ibang projects] kasi lumalaki na ako tapos dumadami din 'yong magagandang artista."
Dahil nga nasa limelight, hindi din nakaligtas ang aktres sa mga mapanuring mata ng press at publiko lalo na pagdating ss kanyang physical appearance.
"No'ng time na 'yon ng Mara Clara 'yon din 'yong bugbog ako ng intriga na, 'Ang taba-taba ko... Mukha akong siopao... Mukha akong aparador...'
"E, Taurus ako, e. Bull headed ako, e. 'Yong, 'O, sige. Bahala kayo d'yan. Tumira lang kayo nang tumira. Mananahimik lang ako.'"
Thankful na lang daw si Juday at wala pang social media that time.
"So nu'ng hinayaan ko sila... Ano pa 'yon, tabloid, magazine, printed. Luckily, pinagpapasalamat ko, wala pang social media noong mga panahong 'yon."
Naipit din daw s'ya pressure ng mga fans dahil sa kanyang mga naging ka-love team noon.
"May mga love teams, 'di ba? I had Wowie-Juday. I had Rico-Juday. I had Piolo-Juday. And then I was paired to different leading men.
"So ito 'yong may iba't ibang followers, may mga iba-ibang fan clubs na they create a world of bubble around two people. So they imagine the two of you getting together, living a beautiful life...
"For the longest time, siguro mga ilang taon na sunod lang ako. Sabay lang ako sa agos tapos wala silang naririnig sa akin."
Dito na daw nakaramdam si Judy Ann na parang lumalagpas na sa boundary ang mga tao at nagdidikta na sa kanyang personal life.
"May breakdown moment din ako na parang, 'Ay, hindi ko na kilala 'yong ako.' Up until I realized na I can't let this happen to me again.
"Hindi p'wedeng may nagdidikta ng happiness ko o ng buhay ko kasi ako lang naman talaga ang nakakaalam nu'n."
At tila naumay na din daw s'ya sa mga pagkukunwari para sa promo ng pelikula.
"I was binded with love teams... I always feel na dumating na ako sa point na, 'Naku, may bagong pelikula sa bagong leading man. Alam ko na 'to, e. Alam ko na 'to. Magkakaroon 'to ng ligawan sa gitna tapos pagkatapos ng pelikula wala na ito, na talagang palaging nangyayari," pagdidiin n'ya.
"Tapos ako naman si loka-loka, alam ko na naman na 'yon ang mangyayari, mapo-fall pa rin ako. Hindi mo na ma-indentify 'yong totoo sa hindi. And I always look at the positive side na, 'Ay baka naman s'ya hindi.'"
Nagbago daw ang lahat nang dumating sa buhay n'ya si Ryan Agoncillo.
"And then Ryan came. I started realizing na, 'Oo nga, 'no? If I follow what I want then I'll be happy."
Dahil nga fixated ang fans pagdating sa love teams, inulan din ng intriga ang pagpapakasal n'ya rito way back 2009.
"Kasi at that point, peak ng love team namin ni Piolo [Pascual] 'yon," salaysay pa ni Juday. "We are grateful [for the fans' love]. Malayo ang narating ng love team namin dahil sa suporta ng mga tao
"And then I realized, if I'm not happy, it cannot be like that. I have to be honest with what I'm feeling. I have to be honest with myself."
Tsika ng multi-awarded Pinay celebrity, dumating din daw s'ya sa punto na pakiramdam n'ya wala ng lalaki ang totoong magmahahal sa kanya kaya humiling daw s'ya na magkaroon na lang ng anak at the age 26.
"Nakaplano na ako nu'n, e," pagbabalik-tanaw ni Judy Ann. "Kasi nga feeling ko wala namang lalaking seseryoso sa 'kin. So at 23, nagdadasal na ako. Sabi ko, 'Lord, sana at 26 magka-baby na ako.'"
Ilang beses daw kasi s'yang umasa noon na magaganda ang kalalabasan ng mga naging relationships n'ya pero nauuwi daw sa wala ang lahat.
"Parang lahat showbiz," paglalahad pa ni Juday kay Ms. Luchi. "'Hindi totoo 'tong true love na 'to. Hindi totoo ito. Hindi nangyayari sa tunay na buhay ng artista.'
"Parang ang dasal ko nu'n magka-baby na lang ako regardless sa kahit anong paraan... Basta sabi ko, 'Lord, ikaw na po bahala. Sana at 26 magka-baby na ako.'
At isinalaysay nga ng actress-vlogger ang naging katuparan ng kanyang dasal.
"May 11 [2005], I turned 26. I remember that day, I was at the set of Krystala then I got a call that there's a baby," k'wento n'ya sa show. "And that day na nagti-taping kami, ang next location ko was at the department store sa baby section.
"Nakakaloka naman 'to," pagpapatuloy pa ng aktres. "In one day, I became a mom and I had to buy all these baby's stuff for my child.
"And when I when I got home, my baby was there. And then, doon ko na-realize na nanonood si Lord. Nanonood ang D'yos sa akin."
Ito na nga ang eldest daughter niyang si Yohan.
Biniyayan din ang pagsasama nila ni Ryan ng dalawang pang anak na sina Lucho at Luna.
YOU MAY ALSO LIKE:
Pika's Pick: Plant mommy Judy Ann Santos proudly shows off harvests from her “little bukid.”