Judy Ann Santos sa pagpili ng anumang proyekto: “Tapos na ‘kong mag-trabaho nang hindi ko gusto.”

“... Siguro, partly, parang I’ve given a lot of myself already to so many people since I was a child. Parang at some point, gusto mo lang magbigay ng konti sa sarili mo and it fuels the passion to grow, to mature in different careers.”

Photos: @officialjuday | @juansarte

“... Siguro, partly, parang I’ve given a lot of myself already to so many people since I was a child. Parang at some point, gusto mo lang magbigay ng konti sa sarili mo and it fuels the passion to grow, to mature in different careers.”

Sa naging interview ni Judy Ann Santos sa The Boy Abunda Talk Channel ay ikinuwento niya kung paano nabuo at ipinanganak ang maituturing niya rin sigurong “babies”—ang kanyang Judy Ann’s Kitchen Cookbook at ang Judy Ann’s Kitchen’s YouTube Channel na meron ng 1.5 million subscribers.

“Judy Ann’s Kitchen, ’yun talaga ang pampalipas oras namin kahit paano,” tsika ni Juday. “I get to be myself. I get to create different kinds of recipes according to what I want to cook, kalma lang.

“I’m very grateful kasi, maraming sumusuporta. Maraming tumututok. Nakaka-happy kasi, when I read private messages in Facebook and in You Tube, maraming nagme-message sa akin, lalo na nitong pandemya na nag-binge watch sila ng Judy Ann’s Kitchen and for a while, nakalimutan nila ‘yung lungkot nila, ‘yung depression nila kasi, naaaliw sila sa Judy Ann’s Kitchen.”

At mas nai-inspired daw siyang gumawa ng content lalo na kapag nakakatanggap ng mensahe na may nakakabuo ng negosyo dahil sa kakapanood sa pagluluto niya.

“Nakaka-inspire more than anything,” saad niya.

“Kapag sinasabi nilang nai-inspire ko sila, it is them that inspires me more. Kasi, meron pa palang nagagawa ’yung pagluluto ko apart do’n sa recipe na binibigay ko, napapa-happy ko pala ang ibang tao.”

Inamin din ni Juday na ginawa raw niya ang Judy Ann’s Kitchen dahil ito raw ang isang project na p’wede niyang gawin ang lahat ng gusto niya na walang ibang p’wedeng magdikta sa kanya.

“May gano’n kasi ako, di ba? ’Yung kapag nalilimitahan ako sa kilos at galaw ko, may factor talaga sa loob ko na meron akong kailangang gawin para sa sarili ko. 

“That’s why Judy Ann’s Cookbook and Judy Ann’s Kitchen YouTube [channel] were born. And Ryan (Agoncillo) knows me like that...na parang, kung talagang naba-badtrip ka sa ganito, e, ’di gawin mo ’yung gusto mo.”

Si Ryan daw ang nagsisilbing “fire starter” niya sa mga bagay-bagay. Kung hindi raw dahil kay Ryan, hindi raw niya masisimulan o magagawa ang ilan sa mga ginagawa niya ngayon.

“Duwag ako sa mga ganyan, e,” pag-amin ni Juday.

“For the longest time, meron akong comfort zone na puro camera. Maraming staff, maraming crew, may writer, may director.

“Parang all of a sudden, gusto mong umalis muna do’n sa bubble na ‘yon. I wanna know kung hanggang saan ang kaya kong responsibility.”

Simula pagkabata daw kasi ay may nagdidikta o may nagsasabi sa kanya kung ano ang dapat o p’wede niya lang gawin. 

And now that she’s older and wiser—and not to mention, marami nang napatunayan—ay kumakawala na siya sa moldeng iyon. Moreover, it’s about time nga naman na pagbigyan naman niya ang sarili bilang mahaba naman ang panahon na siya ang nagbibigay.

“Para kasing may kumakawala sa ‘yo na, ‘Hindi, e, alam ko may ilalabas pa ’to, kaya ’to, e,’” esplika niya. “At saka siguro, partly, parang I’ve given a lot of myself already to so many people since I was a child.

“Parang at some point, gusto mo lang magbigay ng konti sa sarili mo and it fuels the passion to grow, to mature in different careers.”

Thirty-five years na sa industriya ang tinaguriang Young Superstar. At tahasan nga niyang sinabi na nasa estado na siya ng career niya na gagawin lang o tatanggap ng proyekto na gusto niya.

Sa maikling salita, wala na ’yung pressure—financial man or the proving-your-worth kind.

“Parang nandoon na ako sa situation na, ‘Ah ito, nagawa ko na ‘to, ah, iba naman,” patuloy ni Juday. 

“Parang more than anything, mas gusto ko na umaarte ako, sa 35 years in the industry, nandoon na rin ako sa level na gusto ko ng mag-eksperimento kung hanggang saan ko kayang gawin ito at masaya ako at the same time.”

Dugtong pa niya: “Tapos na ‘kong mag-trabaho ng hindi ko gusto.

“Kasi parang meron na ‘kong good harvest, e. Na-realize ko na oo nga, when you plant good seeds, you harvest a bountiful of produce na ikaw rin naman ang makikinabang.

“So, ito ’yung maayos na pakikisama, masayang pakikipag-usap, nandoon lahat ‘yon, e. So, parang ngayon, na-earn ko ang respect ng mga ka-trabaho ko. Kapag sinabi kong, ‘Pasensya na po, ile-let-go ko muna ang project,’ they understand and they respect kasi alam naman nila na kung gusto kong gawin, gagawin ko naman. 

“Sa edad ko, parang gusto ko na lang enjoy-in ’yung mga projects na dumarating sa akin.”

At ang kanyang show na Paano Kita Mapasasalamatan sa Kapamilya Channel ang isa sa mga proyektong pasok sa itinuturing niyang kategorya na “gustong-gusto at ine-e-enjoy” niya.

Nang ipasok naman ni Boy Abunda ang topic tungkol sa mga batang artista na takot magkamali, ibinahagi ni Juday ang wisdom na natutunan in her 43 years as a human being and 35 years as an actress.

“Parte ’yun, parte ’yun,” nakangiting sagot ni Juday.

“Ang pagkakamali kasi, ’yun ang pinakamagandang teacher para sa akin. Ang masaklap, ’yung nagkamali ka, pero wala kang natutunan.

“Kasi, how can you improve yourself if you don’t understand and you don’t realize na ito ang mistake na nagawa ko. Paano ko siya nagawa? Ano ang sitwasyon ng pag-iisip ko noong nagawa ko ’yun? Ano ang natutunan ko? Ano ang hugot ko rito?”

Sa mga naging pagkakamali niya raw siya natuto, nag-mature, at nakilala ang mga tunay na pagkatao ng mga naka-paligid sa kanya.

“Doon ako nag-mature, e,” lahad niya. “Paano ko kikilatisin ang mga taong p’wede kong pagkatiwalaan? Hanggang saan ako p’wedeng magbigay ng pagmamahal sa isang tao? Nandoon lahat ’yun, e. 

“It could be a lover, it could be a friend, your co-workers or your staff. ’Yung pagmamahal as a whole, nasa sa‘yo ’yun. ’Yung disiplina, nasa sa‘yo rin ’yon. ’Yung mistake, ikaw rin ’yun, ikaw na ikaw lang din ’yun. Ang matututo rin naman do’n, ikaw lang din. 

“So, ako, I always welcome mistake pero dapat ’yan, palagi akong may reflection after sa pagkakamaling ‘yun on how can I improve myself? How can I be better in this situation? How can I inspire people? How can I inspire young actors to do better and be professional and treat people around them better? 

“Parang mas gusto ko pa nga minsan na nagkakamali ako dahil wala namang perfect na tao. Wala tayong mararating kung hindi tayo nagkakamali. Parang feeling mo doon ka lang, parang feeling mo perfect ka na.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Judy Ann Santos, dahil naging jaded na sa pag-ibig noon, hiniling na lang daw na magka-baby kahit hindi na magka-asawa

Supermodel Tyra Banks, bilib sa “Pretty Pinoy Power” ng mga Filipina beauty queens sa Miss Universe through the years

Marjorie Barretto, bilib sa tatag ng anak na si Julia; masayang maayos na ang relasyon ni Dennis Padilla sa mga anak nila

Alex Medina and partner Monique Tolentino laud one another as they celebrate second anniversary as couple

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.