Julia Barretto, casualty na naman sa pa-interview ni Dennis Padilla

Photos: @juliabarretto | @dennisastig

Photos: @juliabarretto | @dennisastig

Kawawa din naman itong si Julia Barretto, siya nalang nang siya ang napupuruhan sa tuwing nagpapa-interview ang tatay nitong di Dennis Padilla.

Gaya ngayong may two-part interview siya kay Ogie Diaz, si Julia na naman ang laman ng mga di kanais-nais na comments.

Sabihin pang hindi intensyon ni Dennis na maging nega ang anak sa publiko, pero ’yon ang kinalalabasan.

No’ng magwan-on-one interview silang mag-ama sa vlog ni Julia, ang naging dating sa publiko ay okay na sila; na at least ay nasimulan na ang healing process. Tapos na sana doon. Nagsisimula na nga silang mag-communicate ulit. He could’ve picked it up from there. Unti-unti hanggang maayos lahat. 

Even Marjorie was open in saying na masaya siyang nagkaka-usap na ang mga anak niya at si Dennis, that they are in that journey already.

Ano ba ng mga stories behind the story? Bakit ba lumayo nang husto ang loob ng mga bata sa kanya? Sana yan ang ipaalam sa publiko kung magpapainterview si Dennis. 

Pero sa tuwing sasariwain ni Dennis ang mga nakaraan, gaya ng pagpapalit ng apelyido, na collective decision naman ng mga anak, si Julia na naman ang sentro ng pukol at underdog siyang lumalabas. 

Sa dami ng mga anak ni Dennis, bakit laging si Julia ang binabash.

Sana inayos na ang mga papeles nuon para wala ng isyu tungkol sa apelyido ngayon. Kasi, ang mga anak ang naapekto. 

At hindi man niya direktang sabihin na walang financial help mula sa mga anak niya, mahalaga rin naman ang dasal ng isang anak para sa kanilang ama. 

Sa pamilyang Pilipino, kadalasan ang Ama ang provider pero sa panahon ngayon, tulungan dapat lahat, wala ng sumbatan at singilan. 

Pero hindi naman natin alam pa ang buong-buong k’wento. At kahit naman magbigay ng isang milyon siguro si Julia, maliliitan pa rin ito ang mga tao.

Well, it’s his story to tell, it’s his memory to share. Maaring sa publiko ay kaawa-awa ang dating niya. Kaya lang, hindi talaga matutuldukan kung sasariwain lagi. Sana lang isipin niya na sa bawa’t buka ng bibig niya, nadadamay ang mga anak niya—partikular si Julia bilang ito ang pinaka-visible sa publiko.

Hindi man niya sadyain, lagi at laging may epekto, kay Julia in particular, ang bawa’t bitawan niya in public. 

Kung kami sina Julia, tatanggapin na namin ang alok ng tatay namin na tara, upuan natin ’to. Sabay-sabay; sama-sama. Ilabas na natin lahat ng tayo-tayo lang. Walang camera. Ano pa ba ang di malinaw? Ano pa ba ang mga bakit at sana? At isara na. Next chapter na, kumbaga.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Julia Barretto, inaming na-traumatize noon sa amang si Dennis Padilla; Dennis, sinariwa ang sakit na dulot ng attempt ni Julia na magpalit ng apelyido

Dahil naranasan ang hirap ng pagsasaing sa kalang de-uling, Sanya Lopez, “napa-praning" sa tuwing mauubusan sila ng gas ngayon

FDCP Chairman Liza Diño, umaming nakaka-identify bilang bisexual

Dennis Trillo, hoping na matuloy na ang pagsasamahan sana nilang project ni John Lloyd Cruz bago nag-pandemya

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.