Julia Barretto, gusto nang magka-pamilya “next year”?

Twenty-four pa lang si Julia pero base sa mga sagot niya kay Gerald, mukhang nakahanda na itong iwan ang showbiz para sa buhay may pamilya. “Anytime,” kasi ang mabilis at nakangiting sagot niya sa tanong na, “Are you willing to leave show business in exchange for a quiet life?”

Photos: Screengrabs from Gerald Anderson YouTube Channel

Twenty-four pa lang si Julia pero base sa mga sagot niya kay Gerald, mukhang nakahanda na itong iwan ang showbiz para sa buhay may pamilya. “Anytime,” kasi ang mabilis at nakangiting sagot niya sa tanong na, “Are you willing to leave show business in exchange for a quiet life?”

Picture of love and contentment para sa nobyang si Julia Barretto ang nakikita namin kay Gerald Anderson nang gawin niyang special guest ang Viva artist sa YouTube Channel niya kamakailan.

Ang vlog guesting ni Julia, entitled “My Special Guest Tries Filipino Street Food,” na hinaluan ng tanungan na ang tanong ay galing sa fans.

At dahil si Gerald ang taga-tanong, tila maging siya ay nagulat sa mga naging sagot ng nobya sa ilan sa mga itinanong niya rito gaya ng kung ano raw ang five-to-ten-year plan nito na mabilis na sinagot ni Julia ng “family” habang nakatitig sa boyfriend.

Muling nagulat si Gerald—at nagkatawanan na lang sila sa sagot ni Julia na “next year”—when he asked kung saan daw sa 5 or sa 10 year plan nito na gusto nang magkaroon ng pamilya.

Pero agad ding binawi ni Julia ang sagot at sinabing: “siguro sa five.”

Twenty-four pa lang si Julia pero base sa mga sagot niya kay Gerald, mukhang nakahanda na itong iwan ang showbiz para sa buhay may pamilya.

“Anytime,” kasi ang mabilis at nakangiting sagot niya sa tanong na, “Are you willing to leave show business in exchange for a quiet life?”

Napa-“what?” at “talaga?” si Gerald sa narinig na sagot ni Julia.

“I always dreamt of living a simple, quiet life,” pag-e-elaborate naman ni Julia.

Pero kung anuman daw ang meron siya ngayon sa buhay, ito raw talaga ang nai-imagine niya bata pa lamang siya.

“Because I feel like at an early age, I’m already exposed to this kind of life,” paliwanag ni Julia. “Because I grew-up, and my aunts would take me to their work, my dad, my mom.

“So, it was kinda like the only life I knew. So, I felt that’s what I’m gonna adapt now.  But in the future, [I want] a simple, quiet life.”

Tinanong din ni Gerald si Julia kung ano raw ang ideal vacation nito na kasama siya.

“We always talk about it,” lahad ni Julia. “You know, we’ll have trip from one [US] States to another.”

Na sinang-ayunan ni Gerald at sinabing, “So roadtrip…”

Buong ningning din na sinagot ni Julia ang tanong ni Gerald na, “what made you blush?’ ng, “You made me blush.”

At kung may greatest lesson man daw si Julia na natutunan sa ngayon, nakangiti niyang sinabi na “keep going” na sinang-ayunan naman ni Gerald.

Ginawa nina Gerald at Julia ang ‘Question and Answer’ vlog habang pinasubok ni Gerald na ipakain kay Julia ang ilan sa mga kilalang street food sa bansa na inamin ni Julia na hindi pa niya nakakain gaya ng isaw-manok, kwek-kwek, balun-balunan, dinuguan, binatog, singkamas, papaya, at suman.

Nagustuhan lang ni Julia ang suman, papaya at singkamas.  Pero hiniritan ito ni Gerald sa huli na tipong paano raw kung ang mga pagkain lang na ito ang kaya niyang ipakain sa girlfriend.

Nakangiting sinagot Julia si Gerald ng: “rice na lang.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Julia Barretto, gustong magkaroon ng apat hanggang limang anak

Gerald Anderson finally admits relationship with Julia Barretto, describes relationship with Bea Alonzo as ‘toxic’

Rey Valera reveals story behind 1981 hit song “Walang Kapalit”

Derek Ramsay, umaming siya ang unang “nakipagkalas” kay Andrea Torres over the phone

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.