Julia Barretto, gustong magkaroon ng apat hanggang limang anak

Julia Barretto and her niece Millie.

PHOTOS: @juliabarretto on Instagram

Julia Barretto and her niece Millie.

Inamin ng aktres na si Julia Barretto na baby na lang daw ang kulang sa sa buhay n’ya ngayon at gusto rin n’ya magkaroon ng apat hanggang limang anak. 

Ito ang sinabi ng 23-year-old actress nang mag-guest s’ya sa vlog ng kanyang sister na si Dani Barretto-Panlilio na in-upload last February 22.

Natanong kasi si Julia ng mga personal questions at isa nga dito ang kanyang five-year plan. 

“Do you have a five-year plan?” tanong ni Dani sa kanya. 

“So I’m 24 next month [March 10], in a few weeks, so I’ll be 29 [in five years]. My five-year plan is I hope that in five years I already have a child and my own family,” lahad ni Julia sa kapatid.

Dinugtungan naman ito ni Dani at sinabing halos same sila ng plano na magkaroon ng pamilya before reaching the age of 30. Dani is now 28 years old, got married to Xavi Panlilio in 2019, at ngayon ay meron na silang one-year-old daughter, si Baby Millie.

“That’s just really it,” sey pa ni Julia. 

Komento naman ni Dani sa nakababatang kapatid, “That’s the perfect age.”

At dito na sinabi ni Julia kung ilan ba ang anak na gusto n’ya in the future.

“It’s just the perfect age and I feel like if you want a lot of kids you really have to start early. As for me, I want to have like four or five [children],” aniya. 

Pahayag naman ni Dani, nakikita daw n’ya kay Julia ang pagkakaroon nito ng maraming anak in the future.

“Yes, I can see that with you, actually,” saad ni Dani. “You’ll have a lot of kids.”

“I want to thrive,” natatawang pagpapatuloy pa ng Viva actress. “I want a bunch.” 

Natawa na rin si Dani at sinabing, “You’re gonna do a basketball team.”

“Basketball team, volleyball team, kahit anong team d’yan. Kahit NFL [National Football League], yeah,” sakay pa ni Julia sa biro ng kapatid.

Isa pa sa naitanong kay Julia ay kung ano pa ang nakikita n’yang kulang sa buhay n’ya ngayon at nauwi na naman sa “family planning” ang kanilang usapan.  

“At this point in your life, what else is still missing?” tanong ni Dani.

“A baby,” straight to the point na tugon ni Julia sa kanyang ate. 

Natawa naman si Dani at muling nag-usisa kung ‘yon na ba talaga ang pinapangarap n’ya sa ngayon. 

“I feel like I have a purpose in this world and that is to be a mom,”pahayag ni Julia. “So I don’t feel so fulfilled because [I don’t have a baby yet] yes…”

Pagsasang-ayon pa ni Dani, motherly daw talaga ang approach ni Julia sa mga taong nasa paligid n’ya. 

“I like to take care of people,” sabi ni Julia. 

“That’s her love language, e, service,” salo naman sa kanya ni Dani. 

Sa kanilang magkakapatid daw kasi, tanging si Julia lang ang halos kapareho ng kanilang Mommy Marjorie sa pagiging malambing. 

Ako kasi, I’m not affectionate,” paliwanag pa ni Dani. “I show my love through other things. Ikaw kasi, ramdam na ramdam mo ‘yong love kasi sa kanya [kay Julia]. She’ll sit on you. Akala ko, mommy ko lang ‘yon, pero ganu’n s’ya sa amin lahat.

“She’s a baby and she’s also very motherly,” dagdag pa n’ya.

Sinabi rin ni Julia na masaya s’ya sa buhay n’ya ngayon at hindi ‘yon dahil sa love life. 

Pag-happy kailangan ba love life agad?” tanong n’ya. “Oo, masaya ako. Masaya ako kasi masaya ang family ko. Masaya ako kasi happy ako sa friends ko. Masaya ako kasi happy ako sa mga work na gagawin ko. Masaya ako kasi happy ako sa bahay ko. Alam mo ‘yon? 

“I am very happy because I learned the two important ingredients in life, contentment and gratitude. 

Kapag wala kang love life kailangan malungkot ka na kaagad? Ano ba ‘yan? ‘Yon na lang ba ang basis ng happiness? Love life? Hindi ba p’wedeng kahit wala kang love life, happy ka pa rin?” pagtatapos ni Julia.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Julia Barretto on sleeping naked: “That’s one of the best things about living alone.”

Issue kina Julia Barretto at Gerald Anderson, muling nabuhay dahil sa "G" pendant ng aktres

Dahil sa milyones na views, Julia Barretto, inspired na inspired gumawa ng vlogs

#DrinkAndSpill bistuhan at laglagan nina Julia Barretto at Marco Gumabao, trending!

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.