Julia Barretto, kilalang-kilala ang takbo ng puso ni Marco Gumabao; “I know when he likes a girl, when he’s unsure, nervous, or afraid.”

Sobrang appreciated daw ni Julia Barretto ang friendship nila ni Marco Gumabao that she considers him as one of her besties. At sana raw ay hindi mawala si Marco sa buhay niya bilang kaibigan. “Oo naman,” sundot ni Marco. “May retainers fee lang. Hahaha!”

Photos: Sari Sari/ TV5

Sobrang appreciated daw ni Julia Barretto ang friendship nila ni Marco Gumabao that she considers him as one of her besties. At sana raw ay hindi mawala si Marco sa buhay niya bilang kaibigan. “Oo naman,” sundot ni Marco. “May retainers fee lang. Hahaha!”

Mukang click talaga ang Julia Barretto-Marco Gumabao tandem na aksidente lang nakitaan ng chemistry sa #DrinkAndSpill vlog ni Julia noong November 2020.

After ng kilig drama serye nilang Di Na Muli sa TV5, Julia happily announced during the Di Na Muli media conference na may immediate next project na sila together na isang movie, which will be grinding soon. Binalita din niyang magkaka-reunion project siya with Direk Jason Paul Laxamana, ang director ng Between Maybes nila ni Gerald Anderson in 2019.

At the mediacon, mas na-explore ang almost a decade friendship nina Marco and Julia. Nagsimula lang daw ’yon nong magkita sila sa mga party-party ng pami-pamilya nila bilang magkakaibigan ang parents nila. Until nagkita sila sa ABS-CBN at nataon pang naging pareho ang handler nila sa Star Magic kaya mas naging close pa sila. They share some common friends at natural lang na naging click sila.

They just gravitated towards each other but not in a romantic way—at least not on Julia’s end dahil sa vlog din ni Julia, inamin naman ni Marco na minsan siyang na-fall at nabasted ni Julia. But that attempt daw ni Marco na ligawan si Julia didn’t ruin their friendship.

And in all those years, naging tried and tested na raw ang friendship nilang ’yon. They’ve been there for one another in times na kailangan ng isa ang isa. At masasabi raw nilang kilala na nila ang isa’t isa inside and out.

“Marco and I have been friends for almost a decade now, we’ve been there for each other’s ups and downs,” panimula ni Julia.

“Kilala? Oo naman. Lahat ng lahat lies, loves, problems, family... that’s something that we both talk about and that’s something were talking about right now actually nagti-text-an kami [habang nagpe-press con]. Medyo ngayon nagpapa-update lang ako sa mga nangyayari ngayon. Huli yata ako sa balita. Hahaha!” may panunuksong hirit ng dalaga.

(Saktong sa araw ng press conference kasi natapat ang pagte-trending sa Twitter ng karaoke session video ni Marco with Ivana Alawi, kung saan nakitaang very cozy sila with one another. Kaya naging tanong ng Netizens kung sila na ba? Iyon ang subject ng panunukso ni Julia sa kaibigan na tila huli umano siya sa balita about her friend this time.)

Sa pagpapatuloy ni Julia:

“But it’s so nice to have Marco as a friend, you know? I consider him as one of my besties friend and I consider him as one of my bestest friends for a very long time and ang friendship namin proven and tested na yan. So, isa si Marco sa sana hindi mawawala sa buhay ko na kaibigan.” 

“Oo naman,” salo ni Marco. “May retainers fee lang. Hahaha!”

Kung ano ang damdamin ni Julia about their friendship ay ganoon din daw si Marco.

“Definitely. As in we talk about everything...everything that happened sa amin. About love, with work, kung ano’ng nangyari sa... problems also like noong shoot namin, Julia knows this, that I was  going through something. And wala, sinabi ko sa kanya. And Julia being the friend that she is, pinagalitan ako. Ganu’n kami. We really open up to each other about everything.

“When it comes to family matters naman, I’m super close to her parents tapos close din ako sa buong family niya. So, wala, parang all these years ’yong friendship na nabuo namin parang close to parang family na rin talaga.

“Barkada namin sila Pat Sugui...’yon kumbaga we all tell each other problems, we run to each other for comfort. ’Yon ’yong bihira mong makita sa showbiz, ’yong totoong kaibigan. So, once you find that kailangan mong i-cherish talaga.”

Sa sundot na tanong kung kilalang-kilala rin ba nila ang isa’t isa when it comes to matters of the heart, ay oo rin ang naging sagot nila.  

“You know what, I think can tell when Marco really likes a girl and I know when Marco is actually going to pursue a girl,” mabilis na sambit ni Julia.  “I know that because I know how he behaves when he’s in love. I know how he starts acting when he’s in love.”

“But I also know Marco when his unsure,” tuloy-tuloy na pagbibida ni Julia about Marco. “I also know Marco when his nervous. I also know Marco when he’s afraid. So, period. Hanggang doon nalang muna [ise-share ko.]

“Ganu’n lang talaga. Siguro matagal na kasi kaming magkakilala and dahil palagi kaming nagsasabihan and we always have deep conversations with each other, so I think we already know, we know that about each other.”

As for Julia, obvious na obvious daw ang kaibigan niya pag in love, ayon kay Marco.

“For example, may gusto siya...parang meron siyang giddy feeling. Alam mo ’yong para siyang nasa Cloud 9?” natatawang pagde-describe ni Marco.

“Si Julia [pag in love], p’wede mo siyang lokohin or i-bully, okey lang sa kanya. You can get away with it kasi sobrang happy siya kasi in love siya.”

Agree naman si Julia. 

“It’s always a good day [when I’m in love].” 

“Oo, parang walang bad day kay Julia pag in love siya,” sambit muli ni Marco. “So, ’yon naman, of course, ’yong magandang tingnan. That’s how love can change your persona or aura mo. Kaya masarap ma-in love.”

At ’yong happy aura daw na ’yon ang hatid nila sa Di Na Muli na mapapanood na sa bagong time slot nilang 7:30 PM sa TV-5. Also starting October 22, mapapanood na rin ng mga Vivamax subscribers ang Di Na Muli.

If you’re not yet a Vivamax subscriber, Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Also, since October 1, meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, and New Zealand.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.