Yes daw agad ang isasagot ng aktres na si Julia Barretto kung sakaling mag-propose na sa kanya ng kasal ang nobyo n’yang si Gerald Anderson.
Iyan ang ibinahagi n’ya matapos s’yang matanong tungkol dito ni Boy Abunda nang mag-guest s’ya sa online show nito na Who Are You When No One Is Watching na in-upload sa YouTube kahapon, May 18.
Matapos kasi nilang mapag-usapan ang mga nagawa n'yang pelikula at mga naging leading man n’ya na sina Joshua Garcia at Gerald Anderson ay nauwi sa personal na buhay ang tanong ng TV host sa aktres.
Isa na nga dito ay kung ano ba ang madalas nilang napapag-usapan ng kanyang boyfriend.
“I always tell him this. I always tell him how lucky I feel that I’m with somebody who can guide me…just in life, in general…who can ground me, who can put sense in my head,” sagot ni Julia sa virtual interview.
“I can talk to him about anything. He puts everything into perspective for me,” dagdag pa n’ya.
Natanong din s’ya ni Tito Boy kung may takot ba s’ya sa thought na one of these years ay magse-settle down na s’ya at papasok sa buhay may-asawa.
“I’m not scared,” matapang na sagot ng daughter ni Marjorie Barretto. “Marriage? [It’s] exciting. I’m curious.”
At kung sakali naman daw na mag-propose na ng kasal sa kanya si Gerald, walang pag-aatubili daw s’yang sasagot ng “yes.”
Matatandaan na makailang ulit na ding nabanggit ni Julia sa kanyang vlogs at sa vlog din mismo ni Gerald na ready na s’yang magkaroon ng sarili n’yang pamilya.
Nang matanong nga ni Gerald si Julia sa vlog n’ya last year kung ano ang five to ten year plan nito, kaagad na sumagot ng “Family” ang aktres.
“Sa’n do'n? Sa five or sa ten?” muli pang tanong ng binata sa kanyang kasintahan.
“Next year,” sagot naman ni Julia na pareho nilang ikinatawa.
YOU MAY ALSO LIKE:
Gerald Anderson, willing mag-reach out kay Bea Alonzo at umaasang mapapatawad siya nito
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber